Angel Locsin has started taping for her second primetime series in ABS-CBN, the Pinoy version of the hit Korean series Only You. She will be paired here with Sam Milby and Diether Ocampo.

Photo: Noel Orsal

Hinahabol ni Angel Locsin ang kanyang hininga habang inaayos ang kanyang costume bago siya mag-perform sa trade launch para sa mga ipalalabas pa lang na mga program ng ABS-CBN ngayong 2009. Epekto pa rin daw ito ng pagkakasakit niya ng dengue last month kaya may kaba siya sa gagawing production number sa harap ng mga advertiser sa Rockwell Tent last night, February 19.

"Parang medyo hindi pa nababalik yung 100 percent na resistensiya ko. Grabe ang hingal ko kaya medyo mabagal pa ako! Konting galaw ko lang hinihingal na ako kaya medyo kinakabahan ako," pahayag ni Angel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room ng Rockwell Tent.

First time daw ulit ni Angel na sumabak sa trabaho pagkatapos maka-recover sa sakit na dengue.

"Yes, first time and kumukuti-kutitap ako!" natatawang sabi ni Angel.

How does it feel to be working again?

"Ah, okay naman after nung one-week house arrest ko sa bahay. Back to work...back to work na. Actually, kahapon, kagagaling ko lang sa [taping ng] MMK [Maalaala Mo Kaya]...kanina pala. Diretso kanina at ngayon diretso ako dito sa trade launch para i-entertain naman natin ang mga kapatid nating advertisers."

ONLY YOU. Ano ang bagong show niya sa ABS-CBN?

"Only You with Sam Milby and Diether Ocampo. Si Direk Rory [Quintos] ang director namin," sagot ng aktres. Si Direk Rory rin ang direktor ni Angel sa pelikula niya with Piolo Pascual na Love Me Again.

Magkaiba ba ang Only You sa naunang lumabas na balita na ang gagawin niyang teleserye ay may pamagat na Buhay ng Buhay Ko?

"Hindi po... Ay, iba na kasi yung pini-pitch na project noon. So, iba na siya. Yeah, completely iba... Remake po siya ng Koreanovela and I'm sure... Tayo kasing mga Pinoy, mahilig kumain. Ako, guilty ako doon. So, itong ano namin, gagawing fusion ng Korean food at saka Filipino food. So, I think magugustuhan ito ng mga Pinoy. Maraming matututunan. At 'eto yata yung show na wala akong kasamang hayop!" natatawang sabi ni Angel.

Paliwanag niya, "First time ko kasi lahat at ang mga shows ko, may mga hayop, e. Maski MMK ko, pusa naman ang kasama ko!"

Sa original version ng Only You, may anak ang bidang babae na isang chef. May anak din ba si Angel sa Pinoy version ng Only You?           

"Yes," tango ni Angel. "Kaya lang, medyo iba talaga yung gagawin namin at bukod sa iba, malapit pa sa realidad. Pero I'm sure magugustuhan ninyo dahil cute yung story, e. "

MAALAALA MO KAYA. Ipalalabas naman agad ang episode na ginawa ni Angel para sa Maalaala Mo Kaya next Saturday, February 28.  

"Taong-grasa ang role ko," kuwento niya. "Challenging yung role kasi first time ko gagawin yun. Medyo bagong approach yung ginagawa namin sa MMK. Mas nakaka-challenge, ganun, and nakakatuwa kasi yung ginagawa naming episode. At kaya rin ako pumayag na gawin ito kasi may cause talaga. Maramdaman din nila, maging aware sila [viewers] kung bakit nagkakaganito 'tong mga taong ito. Kaya kailangan nila ang pang-uunawa."