Noong kasagsagan ng shooting at promo ng pelikulang Status: Single, balitang-balita ang special relationship na namamagitan sa mga star nitong sina Rufa Mae Quinto at Jon Avila. Wala mang diretsahang pag-amin mula sa dalawa, kapwa sila umamin na may espsesyal silang nararamdaman para sa isa't isa.
Maging sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jon ay sinabi nito na bukas siya sa posibilidad na maaaring si Rufa Mae na ang maging susnod niyang girlfriend, lalo't inamin niya rin na lumalabas sila at nag-e-enjoy.
Pero nagtaka kami nang ma-interview namin muli si Jon last Sunday, February 22, sa dressing room ng ASAP '09. Sinabi ni Jon sa PEP na hindi na sila gaanong nagkikita ng sexy comedienne.
"Regarding that special relationship, there's a possibility. But we both decided to be friends. Ako naman from the start, if something happens, something happens, and nothing happened. So, we both decided to keep the friendship," paliwanag niya.
"We just go with the flow," patuloy ni Jon. "I'm enjoying her company, she's enjoying my company and now, we don't see each other much. She's out of the country right now. But we still text each other. The last time we texted each other ay nung isang araw lang. She said she's going to Dubai or New York yata."
Aminado rin si Jon na naging malapit talaga sila ni Rufa Mae to the point na isa ito sa pinagsasabihan niya ng mga problema niya.
"I confide to her," sabi niya. "I trust her. It's very hard to find trust, and I trust her naman kasi. Nagbibigay siya sa akin ng advice for showbiz and other things, and that's what friends do."
Sa isang presscon para sa launching ng isang produkto ay dumating ang isa sa mga endorser na si Rufa Mae na namumugto ang mga mata. Naintriga tuloy ang sexy comedienne na mukhang nag-away sila ni Jon. (Click here to read related article.)
Pero sinabi ni Jon na wala siyang kinalaman dito.
"No, hindi kami nag-away or anything," sabi ng Fil-Irish TV host-actor. "Narinig ko nga 'yan. I read it actually sa PEP na umiyak siya sa presscon or something. I didn't ask her kasi pang-personal question yun. I have no right to ask her why she's crying. I mean, kung nandun ako, I would ask why she's crying. But it's none of my business naman."
Ano ang magiging reaksiyon ni Jon pag nalaman niyang nakipag-date sa iba o may ibang boyfriend na si Rufa Mae?
"Kung makikipag-date or magkaka-boyfriend siya, hindi ako mahe-hurt. To be honest, I'll be happy for her if she finds the right person for her," sagot ni Jon.
Nabalita before na nakarating na sa bahay ni Rufa Mae si Jon, bagay na hindi naman ikinaila ng aktor sa PEP. Personal na raw niyang na-meet ang pamilya ng komedyana.
"Dalawang beses na and I'm with Rafael Rosell," sabi niya. "I met her mom and okey naman. I didn't know na mayroon siyang kapatid, I didn't know na mayroon siyang family. It's a nice house, nice family."
Bagama't sinabi ni Jon na open siya sa pakikipag-date, hindi raw niya priority ang pakikipagrelasyon ngayon.






rufa mae was presented with the concept of the movie, and asked viva to produce it with her and obviously sya ang bida...
i agree di nga naman kapani paniwala ang maging virgin si rufa mae don lang naman ako di nag agree sa sinabi mong sinunggaban ni boy, eh pera nga nila ang puhunan so di na nila kailangang manunggab
kung walang movie offer si rizza eh di si boss vic ang tanongin mo
si riza santos matagal ng goodbye sa kapuluan ng pinas
and FYI ang status: single ay produced ni rufa mae, di na nya kailangang manunggab dahil this is her movie. siempre bakit pa sya magbabayad ng ibang artista kung pwede naman sya na lang.
pero of course, galit ka kay boy, kay sharon so sila lahat ang may kasalanan kaya di sumikat ang idol mo
for goodness sake, I am not even a fan of rufa mae kaso yang mga kasinungalingang pinagkakalat mo nakakaloka
sino ba naman kaseng lalaki ang seseryoso pa sa kanya? hopefully meron naman kahit papano dahil everyone naman deserves to be happy kaso ang problema ni RMQ her reputation preceeds her and it's not always the good part of her that is being talked about which is a shame dahil mabait naman syang anak at kaibigan