Sa ikalawang Linggo ng Marso magtatapos ang una't huling eight-part episode ng GMA-7 drama anthology na Dear Friend nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, ang "Bulong ng Puso" na pinagbibidahan nina Jennica Garcia at Mart Escudero.
Itong Linggo, Marso 1, hanggang Huwebes, Marso 5, nakatakdang lumipad patungong Dapitan City, Zamboanga del Norte, sa Dakak Park and Beach Resort ang cast and crew ng Dear Friend para kunan ang four-part summer episode na pinamagatang "Karibal."
Directed by Jun Lana, naibalita na ang original cast ng "Karibal" ay sina Katrina Halili, Yasmien, Alfred Vargas, at introducing si JC Tiuseco.
Hindi pumuwede ang schedule ni Yasmien dahil nag-aaral ang StarStruck 1 First Princess, kung kaya't pinalitan siya ng StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel. Si Jewel ang magiging partner ni JC, ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor.
Ang "Karibal" ay magsisilbing reunion naman ng love team nina Alfred at Katrina pagkatapos ng pelikula nilang Gigil noon sa Regal Entertainment, na si Jun Lana din ang nagdirek at sa Boracay naman ito kinunan noon. Ang Boracay rin ang isa sa dalawang pinagpiliang location ng "Karibal" pero mas napaboran nga ang Dakak.
Makakasama rin sa cast ang isa pang StarStruck avenger na si Kevin Santos.
Sa Marso 15 ang unang telecast ng "Karibal."





Go JC and JEWEL!!!!
Bagong loveteam na aabangan ko!!!!
-smart!!{genius}
-godfearing!!
-talented!!
-humble!!
-super sexy!!
-super high appeal!!
SAAN KA PA!!
GO JEWEL MISCHE!!!!!!!!!!!!!
o cge ingat na lang!
time for you to shine!!
time for you to shine!!
don't mind those peaple, na ayaw sau..
coz we r here to support u...
galingan mo ha? i know u can do it!
ur so pretty..tnx to gma... sana tuloy tuloy na yan...we love you amp; God bless you..
she can only be given roles that do not require long taping days. i think she will go full blast once she graduates.
so kudos to jewel and yasmien for taking btheir studies seriously. mabuhay kayo mga kapuso.
God bless you Jewel!