"'Bakit?'
"'Akala ko ako ang bida, si Marvin Agustin pala.'
"'E, kung hindi ka happy, huwag nang tanggapin 'yan.'
"Ako kasi, ang mga alaga ko, parang mga anak ko na rin 'yan. Mahal na mahal ko ang mga alaga ko. Siyempre, pinaghirapan ni JC na umakyat. Nandiyan na siya sa itaas, ibababa pa uli, ayoko. Parang na-demote ang role niya.
"Unang-una, nag-Obra na siya for one month. Nag-rate naman ang Obra niya na siya ang bida. Tapos nag-Lalola na siya, nag-rate, nag-number one. Tapos, bibigyan ka ng Obra na iba ang bida, parang teka muna!
"Nang tinawagan ko si Otep [Joseph Boncalan, executive producer ng Obra], sabi ko, tatanggalin ko muna si JC. Pinapalabas ngayon ni Wilma na tinanggihan daw namin ang project dahil kay Marvin Agustin.
"Hindi naman. Wala akong against kay Marvin Agustin. Mabait na bata 'yan. Pero ang nangyari kasi, nagkataon na yung mga project na ibinibigay kay Marvin, hindi bagay sa kanya ang role, tulad ng Zorro. Pilit na inilalagay si Marvin na kontrabida ni Richard. Ang Zorro, ang sabi sa akin, dapat daw puro mga tisoy. E, hindi naman siya [Marvin] tisoy, di ba? At saka hindi naman siya dapat siguro maging kontrabida ni Richard.
"Ang sabi ko lang, hindi sila bagay. Hindi naman sa tumatanggi ako na ayaw ko sa kanya. Kailangan kasi, kung mga project ng talent ko at anak ko, kailangan bagay yung karakter na ilalagay. Hindi ako nagsasabi na ayoko kay Marvin Agustin. Ayoko doon sa role ni JC.
"Tapos, the other day, may natanggap kami na sulat mula sa lawyer ng GMA. Siguro, si Wilma lang 'yon dahil wala naman cc: sina Gozon at [Jimmy] Duavit. Nakalagay doon na si JC, parang idedemanda yata dahil tumanggi sa project na makakasama si Marvin Agustin.
"Tinanong ko naman ang aking mga kaibigan na fiscal at justice tungkol sa kaso ni Heart at JC, na puwede pala mademanda kapag tumanggi? Ang sabi nila, walang puwedeng magdemanda at ang isang tao, may karapatan na tumanggi kung ayaw niya na gawin. Sabi kasi, contract star sila ng network. Kailangan daw, lahat ng ibibigay, tatanggapin dapat.
"Hindi puwede! Hindi ko tatanggapin! Magdemandahan man, hindi ko tatanggapin kung hindi maganda [para] sa alaga ko! Inalagaan ko si JC for six years, Six years na si JC sa GMA, ngayon lang siya gumanoon [sumikat]. Tapos, ibabalik ko sa ibaba uli, hindi puwede!
"Kagabi [Feb. 26] nga, nagkausap kami ni Annette. Mag-meeting daw kami next week, sa daddy niya about JC. Sinabi ko kay Annette na kung si Wilma ang mamamahala sa mga casting-casting, ipu-pullout ko na talaga ang mga alaga ko. Pati si Richard, ipu-pullout ko!
"Magmi-meeting kami ni Atty. Gozon dahil may bagong sulat na naman na galing sa lawyer ng GMA na wala na naman kopya yung Gozon at Duavit. Siguro, gawa-gawa na naman ni Wilma! Baka kakutsaba niya ang lawyer ng GMA!
"Tumanggi lang ako sa Obra, pinapalabas na tinanggihan ko si Marvin Agustin, idedemanda naman daw si JC. Tama ba 'yon, Alfie [Lorenzo]? Tinanggihan daw ni JC si Marvin Agustin? Hindi naman si Marvin Agustin ang reason, e. Tinanggihan... Heto ha? Iklaro natin, tinanggihan ko yung Obra dahil hindi ko gusto ang role ni JC de Vera.
"At saka nabanggit ko 'yon, kasi si Marvin, yung ano kasi, Babangon... ano yun... Dudurugin, Marvin Agustin... Tapos itong Lalola, Marvin Agustin... Obra, Marvin Agustin. Sabi ko, hindi ko pinangarap na mag-love team silang dalawa [ni JC]! Yun lang talaga. Wala akong against kay Marvin. Mabait na bata siya. Ayoko lang talaga na parang love team sila. Mahal siya ni Wilma, okey lang. Lahat ng shows, Monday to Sunday, kasali siya. Suwerte talaga siya... Napakasuwerte.






Go GMA! Kapuso rules!
If u have nothin good to say, u better zip ur mouth shut!
Nakakaluka kana dhai!
Sa tuwing magsasalita ka ikaw mismo ang nagbibigay ng kahihiyan sayong sarili at sayong mga ANAK,intyendiz?
Kong marunong kalang sana mag isip ndi mo gagawin ang pagiging PALENGKERA mo, masyado kanang exagerate minsan sa pinag gagawa mo, FEELER ka talaga dhai!
Di sayo bagay maging Manager dhai, mas bagay sayo MAYOR DUMA,ahaha!
Bongga ka pag ikaw naging hari ng mga katulong kasi ikaw ang magbubuhay reyna sa larangan nila, hihi!
Am hoping na mabasa to ng nakakarami, para nman mas BONGGA tayo dhai, diba DHAI?
Magbenta ka nalang ng ampalaya dhai mas bagay sayo dahil u know naman na ever since talagang BITTER kana sa mata ng madla, gets mo? Pag dimo na gets itanong mo sa socialera mong anak na ndi naman bagay mag inarte pd pa siya maging miss world ng mga bakla,, bwahaha!
Ang
..nkkamiz n cla weh..
..love them..
yun ang dapat ipamukha sknya na at anytime pwedeng palitan si Richard ng kahit sino sa GMA..
pls pull them out, irelease nio na..
pero iwan nio si Heart, pls lang.
if heart's dad is wise enough iwan na nila si Annabelle Rama..
ngiging negative si Heart dahil kay Annabelle Rama..
except lang kay Heart.
Im sure magpapaiwan naman siya sa GMA7..
primary manager niya ang father niya.
and syempre I'm sure hindi siya pababayaan ng GMA7..
mejo gusot lng dahil kay Annabelle Rama.
mainit ang mata saknya ngayon ng mga taga-GMA..
pglumipat na cla, im sure later on mgkakagulo din sa dos at cla piolo at bea naman ang kakatapat niya..
ang problema niya kay wilma, dapat kay wilma at sa kanya muna. sila muna ang mag-usap.
hindi, eh. ipinagsisigawan kaagad sa press. so obviously, nagpapa-pansin siya, di ba?
nakakasawa na kasi. hindi naman siya artista although may mga hawak siyang artista.
hindi rin naman siya bata na nakakatuwang panoorin.
at lalong hindi naman siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa para hangaan.
marami ng problema ang mundo. tayong mga televiewers, or at least ako, ang gusto ko pag nanood ako ng TV or nagbasa ako ng news, yun sanang nakakaaliw at nakaka-alis ng problema.
pag si annabelle rama na ang nabasa ko o napanood, nakakapikon na eh.