Last February 24 ay nakita ng writer na ito ang actor-director na si Eric Quizon na kumakain sa Via Mare restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kasama ng kanyang manager na si Dolor Guevara at ang pamilya nito. Nagkagulatan kami na nasa Pilipinas siya dahil sa constant communication namin, ang alam namin ay sa Hong Kong na siya nagtatrabaho.
Dahil papunta rin kami sa Hong Kong noong Huwebes, February 26, nagkasundo na lang kaming doon magkuwentuhan dahil lunch break lang siya sa bago niyang trabaho sa GMA-7, ang magbubukas na primetime soap na All About Eve.
WORK IN HONG KONG. Tanghali ng Sabado, February 29, sa Hong Kong ay nag-treat sa amin si Eric sa paboritong restaurant naman ng kanyang ama na si Dolphy at Kris Aquino kapag nandoon sila—ang Golden Bull Restaurant sa Ocean Terminal sa Kowloon side. Sa gitna ng mala-Lauriat na in-order ni Eric kami nagkakuwentuhan.
Personal friend ni Eric ang nag-offer sa kanya ng trabaho sa Hong Kong. Common friend nila ng dating aktres na si Nanette Medved, na Hong Kong-based pa rin pala, taliwas sa balita na umuwi na si Nanette sa Pilipinas.
"Matagal na akong sinasabihang mag-apply sa kanila, kaya lang busy rin naman ako sa Pilipinas noon," umpisa ni Eric. "Then, nang lumipat ako sa ABS-CBN, na-shelved naman yung Anna Liza, so sabi ko, asikasuhin ko muna yung libro at video ng daddy ko."
Nai-launch ang biography ni Dolphy at nagkaroon din siya ng series of shows sa States. Nang muling nag-offer ang kaibigan niya dahil wala naman siyang ginagawa noong panahon na yun, tinanggap na rin niya ang trabaho.
Sa Spring Time Stage Production nagtatrabaho si Eric bilang house producer. Chinese-owned ito at pinapalawak nito ang English "department" kung kaya't hindi na rin naman kailangang matuto ng Chinese si Eric.
Kasama sa work package ni Eric ang libreng housing unit na tinitirhan niya sa Hong Kong side. Pagmamay-ari rin kasi ng Spring Time ang buong building na tinitirhan niya.
Dagdag niya, "And then, since kilala nila ang dad ko, at alam nilang ako rin ang nag-produce ng U.S. shows namin, sabi sa akin, bakit hindi dalhin si Dad sa Hong Kong para mag-perform."
DOLPHY IN HONG KONG. Produced ng Spring Time, nabigyan kami ng flyer ng Dolphy at 80, Live In Hong Kong. Gaganapin ito sa April 19 at 2 p.m. sa Hong Kong Coliseum. Sa flyer, bale banner ang "The Philippines King of Comedy back to perform in Hong Kong after 50 years!"
Almost 60 years actually mula nang huling nagpunta si Dolphy para mag-perform.
"Kaya lang, maganda raw pakinggan kung 50 years," paliwanag ni Eric. "Hindi na niya matandaan kung saan siya nag-perform noon, pero 1950 raw yun. Nasa libro yun ni Dad."
Makakasama ni Dolphy sina Zsa Zsa Padilla, siya at ang mga kapatid niyang sina Jeffrey, Ronnie, Zia, Vandolph, at pamangkin na si Boy2 Quizon.
Mabenta raw ang tickets at hindi siya magugulat kung mapuno ang malaking Hong Kong Coliseum na pinagdarausan din ng mga foreign artists na nagpi-perform sa Hong Kong.
Prominent din sa flyer ang tatlong Philippine companies na Smart Pinoy, Jollibee, at STI.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
57 laisla
56 Clara Pastor
55 girlblue
yung mga fanta-serye na sinimulan ng GMA sino ang gumaya at nanapat?
tapos ngayon babaliktarin? hah! wish mo lang!
54 stargate_atlantis
sweetrhai22
March 2, 2009
14:36 PM
pilit tatapata ang mdaramang tayong dalawa..move over n kina jean at eula dahil cna cherry pie at agot n ang bagong primetime tandem n talagang tinitutukuan ang bawat face off nila gabi gabi sa primetime bida wahahaha..
========================================
eh ano naman ngayon sayo?! paki ba namin sa show mong T.D.? wala na lang din pakialaman. Ang gustong manood neto manonood ang ayaw gaya mo wag, shut the f _ _ k the up b_ _ _ h!!!!
53 sweetrhai22
52 mauicutie_32
51 maria45
50 maraya
49 lizzyanna
48 gmaprincess
47 shayshay
46 ABS_sorelosers
45 swiss
Im so excited for All about Eve!
44 laisla
43 brip_ko_hubo
42 KAPUSONGERICK
commentatore
March 2, 2009
06:31 AM Nagpunta sa ABS-CBN para magtrabaho kaso na-shelve ang Anna Liza. How cheap talaga ang ABS-CBN at wala ng project na ipinalit. Bring your own baon at tubig kasi ang mga artista sa ABS-CBN. Super bulok kasi ang ABS-CBN
;;;;;
korek!!
41 kagandahangneneth
40 bellestariray_hk
39 bellestariray_hk
38 alexangel
all about eve looks more promising with your inclusion in the cast. am sure gonna watch this show.
more comments