"Hindi pa niya ako nakikita na nanay na, pero gusto kong ipakita sa kanya na iba na ako. 'Ma, ito na ako ngayon. Gaga ako noon, pero mabait na ako. Tingnan mo ako, Ma.' Gusto kong ipakita ito sa kanya and I'm sure magiging proud siya sa akin," says Matet de Leon about mom Nora Aunor.

Photo: Noel Orsal

Although she has already created her own niche in show business, lagi pa ring nauugnay kay Matet de Leon ang pangalan ng kinilalang ina na si Nora Aunor.

Open book naman na isa sa mga ampon ng Superstar si Matet, along with sister Lotlot de Leon and brothers Kiko and Kenneth. Kaya hindi maiiwasang kumustahin at hingan pa rin ng opinyon si Matet tuwing may isyu o may bagong kaganapan sa buhay ng kanyang ina-inahan.

"Sa ngayon, hindi pa kami nagkakausap ni Mama. Pasko pa ng isang taon kami nakapagusap. Pero pag tumatawag naman siya kay Kuya [Ian de Leon], kinukumusta naman niya kami. Pero okay naman si Mommy, ang dami niyang ginagawa. Nahihiya naman akong istorbohin siya. Pero sa pagkakaalam ko, okey naman siya," sabi ni Matet sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

May dalawa nang anak si Matet sa asawa niyang si Mickey Estrada. Pero hindi pa raw nakikita ng Superstar ang mga apo niya kay Matet.

"Sobrang nami-miss ko siya," pag-amin ng dating child superstar. "Hindi pa niya ako nakikita na nanay na, pero gusto kong ipakita sa kanya na iba na ako. 'Ma, ito na ako ngayon. Gaga ako noon, pero mabait na ako. Tingnan mo ako, Ma.' Gusto kong ipakita ito sa kanya and I'm sure magiging proud siya sa akin.

"Gusto ko siyang puntahan. Sana may plano si Mommy na papuntahin kami dun, mahal din kasi ang ticket. Sana magkaroon kami ng chance na bisitahin siya. Ngayon, naiisip ko, 'Uuwi pa ba siya dito? Kailan ko siya makikita uli?'"

        
Masaya naman si Matet sa pagkaayos ng kanyang Ate Lotlot at ng kanilang ina.

"Oo naman, masaya ako!" sambit niya. "Sino ang may gusto na may gulo sa pamilya? Na may misunderstanding? Siyempre, happy ako na okay na kami."

Naging bukas noon si Lotlot na masama ang loob niya sa balitang nagpakasal ang Superstar sa manager nitong si Nori Sayo. Hindi rin itinanggi ng aktres na hindi naging magandang encounter nila ni Nori nang minsang magtagpo ang kanilang landas. 

Sa parte naman ni Matet, tanggap niya raw kung sakaling totoo nga ang balitang nagpakasal ang ina sa kapwa niya babae.

"Okey naman kami ni Kuya Nori, mabait naman siya," sabi ni Matet, "Kung anuman yun, hindi ako nakikialam. Sa akin, tahimik lang ako. Hindi kami nagkikita ni Kuya Nori, pero tine-text niya ako.

"Regarding sa pagpapakasal nila, dedma ako kasi hindi ko talaga alam. Hindi ko pa nakakausap ang mommy ko. Hindi rin ako magtatanong sa kanya. Hihintayin ko na siya ang magsabi sa akin, respeto na lang sa kanya. Kung nagpakasal nga siya o hindi, okey lang sa akin. Gusto ko lang masaya ang nanay ko, na may kasama siya, ganun lang," pahayag niya.