PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John "Sweet" Lapus answers false accusations against him

Sweet lashes back at Jobert Sucaldito.
by Ruel J. Mendoza
Published Mar 2, 2009
"Kaya hindi pa tapos ang laban, mga sisters! Tahimik akong tao, pero kapag sinimulan n'yo ako, hindi ako papayag na tatahimik lang. Lalaban ako saan man tayo makarating!" says John "Sweet" Lapus.

Muling ipinaramdam ng gay comedian and TV host na si John "Sweet" Lapus ang kanyang pagkadismaya dahil sa mga lumalabas na diumano'y hindi magagandang balita galing sa entertainment columnist-radio host na si Jobert Sucaldito.

Ikinuwento ni Sweet sa Showbiz Central kahapon, March 1, na muli na naman siyang tinitira ni Jobert sa radio program nito. Ayon kay Sweet ay kinatok daw siya ng kanyang ina sa kanyang kuwarto habang nagpapahinga siya. Umiiyak daw ito at tinanong siya kung ano raw ba ang kasalanan nito kay Jobert at kung anu-anong kasiraan na naman daw ang sinasabi sa kanya sa radio program nito.

Sa panayam naman sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Showbiz Central kahapon ay idinetalye niya ang mga pangyayari.

"Nagulat ako, kasi wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Bigla na lang kumatok ang nanay ko sa room ko at umiiyak siya. Tinanong ako kung ano raw ba ang kasalanan ko sa taong 'yon dahil binibira na naman ako sa radio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May hawak na papel at ballpen ang nanay ko at isinulat niya ang mga inimbentong mga kuwento ni Jobert tungkol sa akin. Nakakatawa na nakakainis dahil walang katotohanan ang mga pinagsasabi niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nagsisimula na naman siya, e, nag-sorry na siya sa akin last year. So, hindi pa pala tapos ang labanan na ito at nagpakaplastik lang siya sa pakikipagbati niya sa akin," dire-diretsong sabi ni Sweet.

Ayon kay Sweet, nakipagbati raw sa kanya si Jobert last year sa birthday party ng veteran movie reporter na si Pilar Mateo sa Music 21 sa may Timog, Quezon City. Nagulat na lang si Sweet nang bigla siyang lapitan ni Jobert at halikan at humingi ng tawad sa kanya. (Click here to read related story.)

"Lumabas 'yan sa PEP, di ba?" sabi ni Sweet. "Dumating ako sa party ni Ate Pilar dahil kinakapatid ko 'yan. Alam ko na nandoon si Jobert, pero ako, deadma ako sa kanya dahil alam ko ang sitwasyon namin. I was there for Pilar at wala akong pakialam sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Then, all of a sudden, lumapit siya [Jobert] sa akin at humalik. At sinabi niya na sorry na. E, ako naman, kapag nag-sorry ka na sa akin, it means na nagpakumbaba ka na. Hindi ako yung magmamalaki pa. Kaya I thought all this time ay all's well that ends well. Aba, hindi pa pala at inechos lang pala niya ako sa sorry na 'yon!

"Nakaka-disappoint, kasi ako, nagparamdam na ako ng forgiveness sa kanya. Siya na itong lumapit, e. Saksi ang maraming tao sa party na 'yon na si Jobert ang humingi ng tawad sa akin. Pinatawad ko siya, pero ano na naman itong ginagawa niya? Hindi ba't katraydoran na naman ito?

"Akala ba niya hindi makakarating sa akin ito? At ang masama pa niyan, ang nanay ko pa ang nakarinig, e, hindi naman nakikinig ng radio ang mommy ko. Nataon lang na nang buksan niya ang radio ay natapat sa radio show ni Jobert at eksaktong sinisiraan ako nang walang patumangga!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PINOY FEAR FACTOR WINNER. Nilinaw ni Sweet ang mga ibinalita ni Jobert sa radio show nito. Natatawa ang Showbiz Central host dahil katawa-tawa raw ang mga ibinalita ni Jobert na taliwas sa tunay na karakter niya.

"Ang nanay ko kasi, teacher 'yan kaya mahilig mag-take down notes. Hayan at sinulat niya ang mga sinabi ni Jobert na puro kasinungalingan. Una ay yung nilait ko raw ang winner ng Pinoy Fear Factor na si Jommy Teotico. Ang sinabi ay 'nilait' ko at 'minata' ko ang pagiging waiter lang ni Jommy noon bago siya sumali ng show na 'yan.

"Hello! Bakit ko naman lalaitin ang mga waiter, e, dati rin akong waiter? Nagtrabaho ako sa Jollibee noong araw kaya alam ko ang hirap ng trabahong 'yan. Ipinagmamalaki ko ang naging trabaho kong 'yan kaya bakit ako magmamaliit ng taong nagtrabaho bilang waiter?" saad ni Sweet.

May suspetsa si Sweet kung saan nanggaling ang kuwentong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagkita kami ni Phoemela Baranda sa isang bar may two months na ang nakakaraan. Kilala ko naman si Phoemela, kasi nakatrabaho ko na siya before. So, nagbatian kami at may mga kasama siya. Kasama nga niya yung mga taga-Pinoy Fear Factor at isa doon si Jommy.

"Si Jommy, matagal ko nang kilala 'yan. Sinabi ko nga sa kausap ko na, 'Ay, kilala ko 'yang si Jommy! Waiter namin 'yan sa Esquinita dati.' Sa Esquinita before, may café ako at ang ibang mga kaibigan ko sa ABS-CBN. Si Jommy, waiter siya sa restaurant ni Deo [Endrinal] sa Esquinita.

"In fairness kay Jommy, lumapit siya sa akin at kinumusta ako. Magkakilala nga kami kasi pare-pareho kaming nasa Esquinita noon. So, wala akong ginawang panlalait sa taong 'yan kasi mabait at masipag siya.

"Hindi ko lang alam kung paano ikinuwento ni Phoem ang mga nasabi ko about Jommy. Kasi siya lang ang nakausap ko with regards sa former job ni Jommy. Noong tinawagan ko siya para alamin kung paano niya ikinuwento, habang nag-uusapan kami, aba, biglang nag-busy tone ang cell phone niya! Noong tinatawagan ko, aba, out of coverage area na raw siya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko namang isipin na pinagpatayan niya ako ng cell niya. Kaya ang ginawa ko, nag-text ako ng message sa kanya to say na wala akong sinabing masama about Jommy being a waiter dati. Kilala ako nung bata at never akong nanlait. I asked pa nga Phoem na tawagan naman niya ako. Pero hanggang ngayon, hindi pa siya nagte-text back."

Dagdag niya, "I pray na hindi naman sinabi ni Phoem 'yon kasi hindi naman kami magkaaway. Sana usual imbento lang ito ni Jobert."

HIPO QUEEN? Isa pang ikinaloka ni Sweet ay ang ibinalita ni Jobert na nanghihipo raw siya ng mga bagets sa Guilly's restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City. At ang mas nakakaloka ay sa comfort room daw ng naturang resto bar daw nambibiktima ng mga bagets si Sweet.

"Dyusko naman, siguro naman sa tinagal-tagal ko sa industriya na ito ay kilala na ako ng maraming tao! Common sense lang naman, di ba? Bakit ko naman gagawin 'yon?" sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Sweet, "Hindi ba't imbento talaga, kasi unang-una, hindi ako frequent customer ng Guilly's. Siguro nakakapunta ako doon ng ilang beses pa lang. Pero manghipo ako sa loob ng CR? Nakakaloka naman! Bakit ko naman gagawin ang gano'n sa isang public place na anytime ay puwede akong ipahuli sa security guard at dalhin ako sa presinto?

"Lumalabas ako sa TV, may mga pelikula ako, at nagsu-show ako sa mga bars. Tapos manghihipo ako ng mga bagets sa CR? Nakakaloka naman! Ganyan na ba ako kadesperada?" malakas na tawa ni Sweet.

BOY-VICKI FEUD. Noong pag-usapan ang tungkol sa naging alitan nina Dra. Vicki Belo at Boy Abunda dahil sa naging statement ni Dra. Belo sa Showbiz Central last February 22, tahimik lang si Sweet for the simple reason na endorser siya ng Calayan Surgicentre. (Click here and here to read related stories.)

"Sa isang bagay lang naman ako naka-relate kay Kuya Boy at iyon ay noong umiyak ang nanay niya sa kanya dahil sa mga sinabi ni Dra. Belo," sabi ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tayo namang mga bakla, hindi natin matiis na umiiyak ang mga nanay natin, di ba? Kaya noong ikuwento nga ni Kuya Boy na nasaktan ang ina niya dahil sa sinabi ni Dra. Belo, yun din ang naramdaman ko sa nanay ko dahil sa ginawang paninira ulit sa akin ni Jobert.

"Pero going back sa nangyari kina Dra. Belo and Kuya Boy, siguro naman out na ako diyan dahil I am a proud Calayan endorser. Nakakaloka lang is kinu-connect pa rin nila ako sa issue na 'yan. Itsika ba naman na kinu-coach ko raw si Dra. Belo sa sasabihin niya? Dyusko naman, wala na ako sa issue na 'yan kaya huwag akong isama!

"I have nothing against Dra. Belo," patuloy niya. "Hindi man kami close, pero napaka-pleasant niya sa akin kapag nagkikita kami. Siguro nabigyan lang ng maling interpretation ang mga sinabi niya. Siguro sila-sila na lang 'yan at hindi ako kasama diyan. Basta ako, I endorse Calayan at mabait sina Dr. Manny at Dra. Pie sa aming mga endorsers nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SUING TWO REPORTERS. Tungkol naman sa balak niyang idemanda ang dalawang showbiz reporters, heto ang update ni Sweet tungkol dito. (Click here to read related story.)

"Nag-usap-usap kami ng lawyer ko, pati na ang mga editor ng sinusulatang mga tabloid ng dalawang reporters na ito. Pinakiusapan nila ako na baka puwedeng madaan ang lahat sa mabuting pag-uusap. Bakit kailangan pa raw idaan sa korte, e, puwede namang mag-usap. Puwede naman daw kunin ng reporters nila ang side ko.

"Yun nga ang nakakairita, kasi puwede naman pala nilang kunin ang side ko, bakit kailangan magsulat sila ng mga hindi totoo? Tapos ina-allow ng mga editor na ito na ilabas 'yon without my side?

"Kaya naman kami nakipag-usap sa mga editors ay para makuha namin ng lawyer ko ang address ng dalawang reporters na ito. Wala kaming balak na isama sa demanda ang publishers at editors, yung reporters lang nila. Sila lang ang padadalhan namin ng subpoena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naging cooperative naman sila, pero nakiusap sila na pag-isipan ko ang gagawin ko. So, nag-usap kami ng lawyer ko at in-advise-an din niya ako na kung itutuloy ko, malaking abala ito for me. Pero wala naman ako sanang gagastusin dahil first cousin ko ang lawyer ko, pro bono niya.

"So, pinag-isipan ko nang mabuti and I have come to a decision. Hindi ko na itutuloy ang demanda ko... Pero huwag silang masyadong magdiwang dahil may magmo-monitor ng mga isusulat nila laban sa akin," diin niya.

Dagdag ni Sweet, "Noong unang lumabas sa PEP na magdedemanda ako ng two reporters, though wala akong binanggit pang mga names, may mga naghugas-kamay na. Yung tipong inaabsuwelto na nila ang mga sarili nila sa paninira nila sa akin. Nakakatawa kasi may mga feeling guilty na, e, wala pa naman akong name-mention na names.

"Kaya heto ang deal ko with the editors. Siraan pa ako ulit ng mga reporters nila at hindi kunin ang side ko, makakatanggap sila agad ng demanda. Hindi lang ang mga reporters, pati publisher at editor ay isasama ko. Hindi bale nang gumastos ako at maabala ako, maipagtanggol ko lang ang sarili ko. Malaman lang nila kung ano ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami akong kilalang reporters at yung iba ay mga kaibigan ko na nakilala ko noong nagsisimula pa lang ako. Ngayon lang talaga na ang dalawang ito na super kung manira sa akin. Kaya naniniwala ako na may nag-uutos sa kanila na siraan ako. Tulad ng ginagawa ni Jobert na alam ko na may nag-uutos sa kanya na siraan ako sa radio show niya.

"Kaya hindi pa tapos ang laban, mga sisters! Tahimik akong tao, pero kapag sinimulan n'yo ako, hindi ako papayag na tatahimik lang. Lalaban ako saan man tayo makarating!" pagtatapos ni Sweet.

Read Next
Read More Stories About
John Lapus
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kaya hindi pa tapos ang laban, mga sisters! Tahimik akong tao, pero kapag sinimulan n'yo ako, hindi ako papayag na tatahimik lang. Lalaban ako saan man tayo makarating!" says John "Sweet" Lapus.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results