news

Isabel Oli says she is not traumatized by her breakup with Paolo Contis

by Melba Llanera posted on March 5, 2009  STATS: 167 Views | 31 Comments

 

"It's not trauma, e. Plano ko lang na ayoko munang magka-boyfriend. Three years din yun. Ano ba naman yung isang taon na wala kang boyfriend? I can't really say na ayoko talaga this year. Pag may dumating, fine. Pero sa ngayon, wala pa namang dumarating, so wala pa," says Isabel Oli about having another relationship after her last breakup.

Photo By: Noel Orsal

Ang hiwalayang Isabel Oli at Paolo Conti ang isa sa nagpahaba ng listahan ng showbiz couples na naghiwalay noong nakarang taon. Marami rin ang nagulat dahil wala pang isang buwan ay lumabas agad ng telebisyon sina Paolo at Lian Paz tungkol sa kanilang "engagement," kung saan ipinakita pa ng EB Babe member ang suut-suot niyang diamond ring na engagement ring daw nila ng aktor.

Sa past interviews ni Isabel ay hindi naman niya itinago ang nararamdaman niya. Inamin niya na ikinabigla niya ang pag-aming ginawa ng ex-boyfriend at nasaktan siya sa nangyari.

Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Isabel sa press launch kahapon, March 4, ng campaign na Batang Iwas sa Droga, kung saan isa si Isabel sa sumusuporta sa nasabing proyekto, sinabi niya na nakapag- move on na siya.

"I'm good, I'm so happy, and I can say I moved on. Siguro ang nakatulong sa akin ay ang family ko, my friends, and God. And it's not kasi naka-move na siya, it's not that.

"Kasi parang dun siya happy. If you love someone, kung saan siya masaya, you support him kung saan siya masaya. Yun lang ang thought na iniisip ko lagi. I don't need to be selfish sa situation na ito. I need to wake up," saad ni Isabel.

Hindi naman itinago ni Isabel na sobra talaga siyang na-shock at nasaktan sa pagkakaroon agad ng bagong girlfriend ni Paolo. 

"Three years din kami ni Pao," sabi ng aktres. "Last year, 2008, we also got engaged. So, hindi basta-basta yun, kaya masakit. I also did not expect na magkaka-girlfriend siya agad, so talagang it's a big shock to me. Never na kaming nag-usap. After the breakup, never na rin kami nagkitang dalawa."

Pero wala namang masasabing masama si Isabel kay Paolo bilang boyfriend.

"Paolo is so mabait, thoughtful, ang sweet, galante. Hindi rin siya strict as a boyfriend o ang daming bawal, hindi siya ganun," banggit ng aktres.

Nilinaw rin ni Isabel na walang third party sa breakup nila ni Paolo.

"No third party involved talaga," diin niya. "May mga problema lang kami, maybe sobra kasi kaming iba. Marami nga ang na-shock na three years din kami... I think yun talaga ang naging problem."

Sinabi ni Isabel na noong sila pa ni Paolo ay marami rin siyang napabayaan dahil umikot ang mundo niya noon sa kanyang ex-boyfriend. Ito nga siguro ang rason kung bakit hindi pa siya bukas sa panibagong relasyon.

"Ngayon, I learned to handle my time and kung paano ko idi-divide ang time ko. Nung time kasing yun, parang nawala si God, wala akong ganung communication sa Kanya. Pero ngayon, ang focus ko is my relationship with Him and with my family. 'Saka I need time for myself, enjoy ko muna yung time na ako lang.

"It's not trauma, e," paglilinaw niya. "Plano ko lang na ayoko munang magka-boyfriend. Three years din yun. Ano ba naman yung isang taon na wala kang boyfriend? I can't really say na ayoko talaga this year. Pag may dumating, fine. Pero sa ngayon, wala pa namang dumarating, so wala pa."

Sinabi mismo ng manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis na dahil mabilis ang naging relasyon nina Paolo at Lian ay siguradong mabilis ding itong matatapos. Pabirong tinaningan pa nga nito na hanggang February 14 lang daw ang dalawa at magbe-break na.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

31 Comments

  • 31  songilgook

    03/10/2009 | 02:56 PM
    like ko talaga isabel sana my project sya uli bagay cla wesley gonzales thats it...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 30  gossiphungry

    03/06/2009 | 04:45 PM
    a very nice lady... U deserve someone who's going to love and will take care of U... kaya hala... cge enjoy being single muna..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  yealrose

    03/06/2009 | 10:59 AM
    hello everybody..bago pa ako dito sa pep..im ur fan isabel coz ur so nice and profesional..i knw mkakita ka p ng much better than paolo coz ur so lovely.keep it up.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  imyselfandi

    03/06/2009 | 09:57 AM
    dapat ganito ang ginawa ni Karyl nuon pa . Hindi na nagsalita , once na angsalita tapos na .

    Bata ka pa Isabelle trabaho muna Day, maraming lalaki di ka maubusa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  alexangel

    03/06/2009 | 09:03 AM
    i love you isabel!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  jemburee

    03/06/2009 | 08:34 AM
    This is one woman who has grace and class!!!! Unlike Karylle's case who's break up was and until today being drumbeated. Si K. very poetic pa, kung ano-anong move forawrd, I dream of rainbow etc... katawa-tawa na.
    While Isabel, cool lang, normal, you move on or forward daw quietly. K. should take lessons from Isabel!!!
    Good luck girl!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  sapulasaputi

    03/06/2009 | 06:13 AM
    simple beauty...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  aleizabaronda

    03/06/2009 | 03:06 AM
    ang dami kong hindi na kilalang artista.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  meanboy

    03/06/2009 | 12:28 AM
    parang ganito din yung nangyare kina nancy at paolo. ikakasal na nag-break pa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  meanboy

    03/06/2009 | 12:27 AM
    parang ganito din yung nangyare kina nancy at paolo. ikakasal na nag-break pa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  diotrbc

    03/06/2009 | 12:02 AM
    classy
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  arbys

    03/05/2009 | 11:17 PM
    two thumbs up,kay I.O.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  prettygcm

    03/05/2009 | 10:41 PM
    usong-uso talaga ngayon ang dewy/glowy look!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  iwlyfesl

    03/05/2009 | 09:26 PM
    ano ba 'to?
    next article plz...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  queenkimz

    03/05/2009 | 07:57 PM
    5
    balugababe
    March 5, 2009
    16:19 PM

    Puro sikat talaga ang mga artistang naka feature today with matching makabagbag damdamin at kapana panabik na kwento sa kanilang buhay buhay! Grabe di na ako magkanda ugaga sa kakabasa! Exclusibo at explosibo!

    JC Tiuseco, Lj Moreno, Pauleen Luna, Isabel Oli, Pokwang! Could this get any bigger?

    The best sa line-up ever

    bwahahahaha.lakas ng tama mo bru..pang-asar ba......oscar winning body na ang title mo....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  balugababe

    03/05/2009 | 06:45 PM
    queenkimz: palit ka na kase ng nick ng di malaman ni Miss Q na ikaw tiga leak ng insider news dito hahahah

    sorry nagpapalo palo na ako kaya nabusy, sabay basa ng chekaboom mo hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  joana_jewel

    03/05/2009 | 06:03 PM
    you go girl!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  shobizaddict

    03/05/2009 | 05:41 PM
    balugababe:

    di ka busy no? pagtyagaan na lang laman tyan din yan.

    better pa dito, talagang from time to time nakakatisod ka ng Ekslusibo!!! di tulad ng iba jan, tapos exempted pa sa exxagerated na promong exclusive, only to be irritated dahil hindi naman exclusive talaga. sabi ko na nga ba, pareho din ng weekly show nila yun e, walang ipinagbago.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  shobizaddict

    03/05/2009 | 05:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  pinaypapaya

    03/05/2009 | 05:09 PM
    ang simple nya pero ang ganda. you deserve someone better than paolo girl
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About