news

FIRST READ ON PEP: Carla Humphries explains "kissing video" with Raymond Gutierrez

by Nitz Miralles posted on March 5, 2009  STATS: 68973 Views | 233 Comments

"Hindi naman talaga halik yun. Sumasayaw lang kami, maingay ang music at hindi kami magkarinigan. Akala lang naghalikan kami dahil sa anggulo ng camera. Ang feeling ko, pinalaki lang ang isyu sa amin ni Mon," says Carla Humphries about her "kissing video" with Raymond Gutierrez.

Photo By: Noel Orsal

Isinama ni Annabelle Rama ang bagong talent niyang si Carla Humphries kasama si JC de Vera sa emergency presscon na ipinatawag niya kaninang hapon, March 5, sa Max's restaurant sa Roces Ave., Quezon City.

Iniharap ni Annabelle si Carla sa entertainment press para sa dalawang dahilan. Una ay para ipaalam kung bakit pagkatapos mag-audtion ni Carla sa Zorro at pabalikin ng three times ay hindi pa rin siya nakuha bilang isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez. Pangalawa ay upang linawin ang isyung paghahalikan nila ni Raymond Gutierrez sa Lago del Rey, Camarines Sur na ipinalabas sa TV Patrol World noong Martes, March 3.

     

ZORRO AUDITION. In fairness, pagkatapos nang magsalita nina Annabelle at JC pinalabas si Carla para nakasentro sa kanya ang atensiyon at para maayos niyang masagot ang mga tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Ganito ang introduction ni Annabelle kay Carla:

"Taga-ABS CBN siya at nag-audition sa Zorro. Barkada at friend siya ni Raymond, at si Raymond ang nagkumbinsi sa kanyang mag-audition. Nagpaalam siya sa Star Magic at pinayagan naman. Pinabalik siya three times at ibig sabihin, may chance na siya. Tatlo na lang silang naiwan at sabi ni Raymond, malaki ang chance na matanggap siyang isa sa leading ladies at gusto rin siya ni Richard.

"Nang tawagin na siya for confirmation, tinanong siya kung sino ang manager. Nang sabihing si Annabelle, nang malamang ako ang manager, inalis siya. Kung hindi niya sinabing ako ang manager niya, pasok siya sa Zorro."

Sabi naman ni Carla nang makausap siya ng PEP, hindi siya nagsisi na nag-audition siya kahit hindi siya napili at kahit iniwan niya ang ABS-CBN. Puwede pa naman daw siyang bumalik sa Kapamilya network. Kaya lang, wala pang maibigay na project sa kanya ang ABS-CBN at naghihintay siyang magka-project.

"I'm in between work as of now. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik sa ABS-CBN, mag-uusap pa kami ng manager ko," sabi ni Carla.

Kanino napunta ang role niya sa Zorro?

  

"Kay Rhian [Ramos]," sagot niya. "Hindi ko puwedeng sabihing dapat sa akin ang role na yun dahil desisyon yun ng network. Deserving din naman si Rhian, na incidentally friend ko, at friend ko rin si Bianca King. Hindi ako nakikipag-compete at tanggap ko na kung para sa akin ang project, mapupunta sa akin. Kung sa kanila napunta, ibig sabihin para sa kanila ang project."

Tinanong si Carla kung anong plano niya ngayon dahil wala siya sa ABS-CBN at hindi rin siya nakapasok sa Zorro.

  

"Nag-usap na kami ni Tita Annabelle, sobrang bait nga niya. She's been trying to help me. Like what I've said, maghihintay na lang ako ng project na para sa akin. Basta, gusto kong magtrabaho."

THE CONTROVERSIAL VIDEO. Personal na napanood ni Carla sa TV Patrol World ang paghahalikan nila ni Raymond sa Camarines Sur. Ano ang reaksiyon niya rito?

"I was shocked!" bulalas niya. "Bothered ang family ko, kinausap nila ako. Naklaro ko sa kanila at sa akin sila naniwala. Hindi naman talaga halik yun. Sumasayaw lang kami, maingay ang music at hindi kami magkarinigan. Akala lang naghalikan kami dahil sa anggulo ng camera. Ang feeling ko, pinalaki lang ang isyu sa amin ni Mon."

Ikinuwento na tuloy ni Carla na lagi silang magkasama ni Raymond sa mga event at comfortable sila sa isa't isa. Kung may halikan man daw, walang masama dahil pareho silang single.

Nabanggit tuloy ng dalaga na break na sila ni John James Uy.

"Importante at special sa akin si Mon at very comfortable kami sa isa't isa. Wala akong boyfriend at wala rin siyang girlfriend, we're just really close. Kung may kiss man, smack lang sa lips. Everyone was having fun that night, nagsayawan kami, alangang magkalayo kami? Malakas ang music kaya pag nag-uusap kami, lumalapit kami," paliwanag ni Carla.

Lasing ba sila ni Raymond that night?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

233 Comments

  • 33  superlon

    03/05/2009 | 09:14 PM
    last SOP february 15 andun si raymond and i can say na bading talaga cya kasi naka eye-liner ba naman ang hitad nagulat talga ako...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  superlon

    03/05/2009 | 09:11 PM
    gimik lang to para mawala na yung bading issue ni raymond....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  iwlyfesl

    03/05/2009 | 09:11 PM
    wala na palang kontrata si Carla sa StarMagic. nako!!! mahihirapan ka na nyan makabalik sa TV.
    sana may kukuha syo, sayang yang talent mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  gyllenspoon

    03/05/2009 | 09:11 PM
    karla looks plain, why the big fuss that she didnt get the role? Raymond may be gay but he seems to be a nice guy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  eventhorizon

    03/05/2009 | 09:11 PM
    This I say is like shooting two birds with one stone: for Carla to be put in the limelight and to quench the nasty rumors involving Raymond.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  kisses06

    03/05/2009 | 09:10 PM
    Naku pakulo lng yn ni Annabelle pra matigil n ung usapan n bading c raymond. Bading nmn tlaga, deny deny pa.. nakita kya cya barkada ko sa boracay dati, bading n bading dw.. with marching flowers p ung dalang bag ng baklita.. PEACe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  rhx_takes

    03/05/2009 | 09:10 PM
    Gusto ko c Carla Humpres pero di na ngayon kasi ang manager niya ang demonyo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  balugababe

    03/05/2009 | 09:10 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  kvillablanca

    03/05/2009 | 09:09 PM
    puro girls ang friends nyan eh...

    Si Ruffa nga parang natatawa lang sa issue dahil kilala naman nya si Raymond na Ms. World din!

    Kung nakipaghalikan man, so what?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  kvillablanca

    03/05/2009 | 09:06 PM
    ano naman tong kalokohan na to?

    tomboy pala si Raymond kung ganon?

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  2nyak17

    03/05/2009 | 09:04 PM
    suskopow carla! magdeny ba? lolokohin mo pa manonood at ung nagbalita n network... kahit nmn saan angulo ng camera obvious nmn n naghahalikan kayo noh! ano nmn kung aminin mo since kitang-kita nmn db. e di tapos ang kwento at intriga.
    at saka ano pala relevance ng natapos nya sa bangkok s article na ito para masabi n s ibang bansa sya nakakuha ng diploma at tumaas ng konti tingin s kanya ng makakabasa?
    so girl.... wag n ipokrita s issue ha. baka humaba ilong mo kasi sinungaling ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  penshoppe

    03/05/2009 | 09:01 PM
    Nasuka ako. . .

    Yun nah!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  galadriel829

    03/05/2009 | 08:59 PM
    Naku sobrang dakdak ni Ananbil sa presscon noh! wala talagang hiya, sobrang cheap. I don't know why GMA 7 tolerate this kind of attitude, dapat pina alis na nila si Bisaya kasama ang mga alaga nya. Nananakot pa ang babaeng to na epu-pull out nya ang kanyang mga alaga kasama si RIchard. Hoi Anabil, sa totoo lang walang talent ang anak mo! Umalis na kayo isama mo ang anak mong bakla at si richard. Hindi ka kelangan ng GMA 7. Kala mo galing umarte ng mga talents mo? Hello! 7 nga lng cguro ang nag tsa-chaga sa knila. Ilipat mo si Richard sa ABS ng ma laos na ng tuluyan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  dahu

    03/05/2009 | 08:56 PM
    sino ung girl? sikat ba yan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  amiga

    03/05/2009 | 08:56 PM
    hayaan nyo na...ganun talaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  prettylyn20

    03/05/2009 | 08:55 PM
    poor girl...for publicity only
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  angbatangyagit

    03/05/2009 | 08:55 PM
    napakalaking coincidence naman ata. lumabas ang blind item, pinangalanan tapos all of a sudden, alaga na pala ni annabelle si carla!

    if there's one thing i hate, it's a badly made coverup story. gimme a break! will somebody please release the full video? una kong nabasa ang blind item nito sa peparazzi. hay buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  legrev

    03/05/2009 | 08:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  casi12

    03/05/2009 | 08:50 PM
    gimik! utos ni mommy anabil! alaga na si carla ni monster mom kaya dapat mapag-usapan at tuloy, mapagtakpan na dalawa silang hinahada ni raymonding. isang girlush at mhin! yun na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  ruth_g

    03/05/2009 | 08:47 PM
    takot lng ang mga tao kay Annabel to ask about Raymond's sexual preference. The way I see him sa tv parang gay nga sya di lng makalantad takot sa Nanay niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About