news

FIRST READ ON PEP: Carla Humphries explains "kissing video" with Raymond Gutierrez

by Nitz Miralles posted on March 5, 2009  STATS: 68972 Views | 233 Comments

"Hindi naman talaga halik yun. Sumasayaw lang kami, maingay ang music at hindi kami magkarinigan. Akala lang naghalikan kami dahil sa anggulo ng camera. Ang feeling ko, pinalaki lang ang isyu sa amin ni Mon," says Carla Humphries about her "kissing video" with Raymond Gutierrez.

Photo By: Noel Orsal

Isinama ni Annabelle Rama ang bagong talent niyang si Carla Humphries kasama si JC de Vera sa emergency presscon na ipinatawag niya kaninang hapon, March 5, sa Max's restaurant sa Roces Ave., Quezon City.

Iniharap ni Annabelle si Carla sa entertainment press para sa dalawang dahilan. Una ay para ipaalam kung bakit pagkatapos mag-audtion ni Carla sa Zorro at pabalikin ng three times ay hindi pa rin siya nakuha bilang isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez. Pangalawa ay upang linawin ang isyung paghahalikan nila ni Raymond Gutierrez sa Lago del Rey, Camarines Sur na ipinalabas sa TV Patrol World noong Martes, March 3.

     

ZORRO AUDITION. In fairness, pagkatapos nang magsalita nina Annabelle at JC pinalabas si Carla para nakasentro sa kanya ang atensiyon at para maayos niyang masagot ang mga tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Ganito ang introduction ni Annabelle kay Carla:

"Taga-ABS CBN siya at nag-audition sa Zorro. Barkada at friend siya ni Raymond, at si Raymond ang nagkumbinsi sa kanyang mag-audition. Nagpaalam siya sa Star Magic at pinayagan naman. Pinabalik siya three times at ibig sabihin, may chance na siya. Tatlo na lang silang naiwan at sabi ni Raymond, malaki ang chance na matanggap siyang isa sa leading ladies at gusto rin siya ni Richard.

"Nang tawagin na siya for confirmation, tinanong siya kung sino ang manager. Nang sabihing si Annabelle, nang malamang ako ang manager, inalis siya. Kung hindi niya sinabing ako ang manager niya, pasok siya sa Zorro."

Sabi naman ni Carla nang makausap siya ng PEP, hindi siya nagsisi na nag-audition siya kahit hindi siya napili at kahit iniwan niya ang ABS-CBN. Puwede pa naman daw siyang bumalik sa Kapamilya network. Kaya lang, wala pang maibigay na project sa kanya ang ABS-CBN at naghihintay siyang magka-project.

"I'm in between work as of now. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik sa ABS-CBN, mag-uusap pa kami ng manager ko," sabi ni Carla.

Kanino napunta ang role niya sa Zorro?

  

"Kay Rhian [Ramos]," sagot niya. "Hindi ko puwedeng sabihing dapat sa akin ang role na yun dahil desisyon yun ng network. Deserving din naman si Rhian, na incidentally friend ko, at friend ko rin si Bianca King. Hindi ako nakikipag-compete at tanggap ko na kung para sa akin ang project, mapupunta sa akin. Kung sa kanila napunta, ibig sabihin para sa kanila ang project."

Tinanong si Carla kung anong plano niya ngayon dahil wala siya sa ABS-CBN at hindi rin siya nakapasok sa Zorro.

  

"Nag-usap na kami ni Tita Annabelle, sobrang bait nga niya. She's been trying to help me. Like what I've said, maghihintay na lang ako ng project na para sa akin. Basta, gusto kong magtrabaho."

THE CONTROVERSIAL VIDEO. Personal na napanood ni Carla sa TV Patrol World ang paghahalikan nila ni Raymond sa Camarines Sur. Ano ang reaksiyon niya rito?

"I was shocked!" bulalas niya. "Bothered ang family ko, kinausap nila ako. Naklaro ko sa kanila at sa akin sila naniwala. Hindi naman talaga halik yun. Sumasayaw lang kami, maingay ang music at hindi kami magkarinigan. Akala lang naghalikan kami dahil sa anggulo ng camera. Ang feeling ko, pinalaki lang ang isyu sa amin ni Mon."

Ikinuwento na tuloy ni Carla na lagi silang magkasama ni Raymond sa mga event at comfortable sila sa isa't isa. Kung may halikan man daw, walang masama dahil pareho silang single.

Nabanggit tuloy ng dalaga na break na sila ni John James Uy.

"Importante at special sa akin si Mon at very comfortable kami sa isa't isa. Wala akong boyfriend at wala rin siyang girlfriend, we're just really close. Kung may kiss man, smack lang sa lips. Everyone was having fun that night, nagsayawan kami, alangang magkalayo kami? Malakas ang music kaya pag nag-uusap kami, lumalapit kami," paliwanag ni Carla.

Lasing ba sila ni Raymond that night?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

233 Comments

  • 113  gingersnap

    03/06/2009 | 02:13 AM
    ano yung...lets not jive into conclusion? ahihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  slms324

    03/06/2009 | 02:11 AM
    duh! anoh iyan panibagong isisiksik ni annabel sa GMA?


    ikaw raymund tutal nagbabasa kau ng comments dito sa pep dahil nga chismosa ka rin, come out ka na lang, alam naman namin na mala bebe gandanghari ka.


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  crystalgale

    03/06/2009 | 01:58 AM
    bonggang-bongga ang gimik ni bisaya!

    gamitan to the max!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  keepondreamin

    03/06/2009 | 01:44 AM
    ask ko lang...ano po ba ang title ng video na nag kiss sila? di ko pa kasi nakita
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  annetics

    03/06/2009 | 01:44 AM
    yahuuuu... tuwang tuwa si anabel at napatunayan kuno ng anak nya na kunyari lalake sya.. wooh ganda ng front mo raymond...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  lifeiswhatwemakeit

    03/06/2009 | 01:36 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  angbatangyagit

    03/06/2009 | 01:32 AM
    di naman dito kinukwestiyon ang preferences ni raymond dito. he doesn't even have to admit and confirm it. ang sa amin lang eh, wag namang gumawa ng storya just to mislead people into believing na he's straight. come on. this is a cheap shot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  lifeiswhatwemakeit

    03/06/2009 | 01:30 AM
    There is nothing wrong if Raymond is gay, the earlier he admits it the more he will become attractive. If he really is gay, i hope that he will not wait until he grows old and bitter. Don't do what Bebe has done, she is no longer that attractive to men.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 105  tequilla

    03/06/2009 | 01:30 AM
    Raymond is a good person, kahit gay sya like Piolo wala naman naagrabyado sa pakikisama. Very intelligent din itong si Raymond. Gusto ko yung style nya mag host sa SC.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 104  apayagamin1

    03/06/2009 | 01:20 AM
    guys lets not be judgemental.. we should give raymond the benifit of the doubt as everyone deserves it.. lets not jive to conclusions... besides so what if hes gay?? will that make a difference?? will his hosting job be different??? lets leave him alone with regards to his sexual orientation..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  liwayway

    03/06/2009 | 01:17 AM
    biglang umingay ang pangalan ni carla dahil sa video na ito. galing yata sa gimmick department.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  agusanonko

    03/06/2009 | 01:11 AM
    parang kc piolo din yan, kunyari gawang storya nglligawan para matakpan lang kabadingan n lalaki.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  bananashake

    03/06/2009 | 12:59 AM
    aahh baka hinihigop lang ni raymond yun kagandahan ni carla.. pra mas maging maganda siya di ba..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 100  otto

    03/06/2009 | 12:55 AM

    veracity nasa peparazzi section ng PEP ang blind item...

    or punta ka sa community then click mo ang tittle tattle at andun ang blind item.. pede ka ding mag comment doon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 99  Veracity

    03/06/2009 | 12:50 AM
    may mga blind items na aside from carla may nakahalikan din daw si raymond na lalaki kya lang ang pinalabas sa tvp ay yong kay carla lang!hanapin niyo sa blind item thread ng isang website ng mga pinoy exchanging ideashehe yong pix!...ooops di kasi puede epost dito eh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 98  kenshiro

    03/06/2009 | 12:49 AM
    pinasadya n anabel ung video na yun pra mpag usapan ung bago nyang alaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 97  shellphone

    03/06/2009 | 12:36 AM
    Gumagaw ang issue kung sino man yang starlet na yan, lakas ha audition as leading lady ni Richard.

    Graduate sa thailand, sus 6 mos lang yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 96  shellphone

    03/06/2009 | 12:34 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  watever

    03/06/2009 | 12:18 AM
    They think that viewers are so gullible.Who would believe that the issue is true?I bet its just one of A's gimmicks.And we all know that she's great at that.She's even more famous or shall I say notorious than her wards.LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  dutchgoddess

    03/06/2009 | 12:14 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About