PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actor Alfred Vargas bent on running in next elections

Alfred also talks about his long-distance love affair with non-showbiz girlfriend.
by Rose Garcia
Published Mar 6, 2009
"Pinalaki kasi ako ng parents ko na tumutulong sa iba. Pati yung eskuwelahan ko, minold kami na parang man for others. Siguro ngayon, at this point, hindi naman ako bago sa showbiz, feeling ko, ang suwerte ko nga, e. Tuloy-tuloy naman, so gusto ko namang mai-share sa others," says Alfred Vargas about entering politics.

Dalawang series ang nilalagare ni Alfred Vargas sa GMA-7 ngayon. Ang All About Eve na magsisimula nang mapanood sa primetime sa Lunes, March 9, at ang "Karibal" episode ng Sunday afternoon drama anthology Dear Friend.

Pero gaano man ka-busy si Alfred sa kanyang propesyon bilang aktor, desidido na raw siyang tumakbong konsehal sa Quezon City sa susunod na eleksiyon.

"Hindi pa naman kasi official hangga't nandoon, di ba? So, hindi ko pa inaano, pero ako, masasabi kong buo na ang loob ko," saad ni Alfred nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng All About Eve.

Councilor daw ang plano niyang takbuhin, pero itinanggi na agad ni Alfred na bago siya pumasok sa pulitika ay mag-aasawa muna siya.

"Matagal pa bago ako mag-asawa," sabi ng binata. "Siguro mga three to five years pa. Feeling ko, bata pa ako, e. Bagets pa ako, e!" natatawa niyang sabi.

What influenced him to enter politics?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinalaki kasi ako ng parents ko na tumutulong sa iba. Pati yung eskuwelahan ko, minold kami na parang 'man for others'. Siguro ngayon, at this point, hindi naman ako bago sa showbiz, feeling ko, ang suwerte ko nga, e. Tuloy-tuloy naman, so gusto ko namang mai-share sa others," saad niya.

Yun nga lang, sa pagpasok niya sa pulitika, posible ring maapektuhan ang kanyang showbiz career. Okay lang ba sa kanya ito?

"Feeling ko naman, kaya kong i-balance. Pero kung kailangang may mai-sacrfice, willing tayo. Hindi naman ako papasok sa isang bagay na hindi ako talaga sigurado."

Mas matimbang na ba ang politics sa kanya than acting?

"Ah, hindi, hindi n'yo matatanggal ang pag-arte sa akin," diin niya. "Yung pagiging actor ko, yun ang passion ko, yun ang nag-i-inspire sa akin. Parang noong bata ako, mahilig na akong manood ng mga pelikula. Mahilig na akong manood ng mga entertainment. I've always wanted to be an actor at ngayon, natutupad naman isa-isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NON-STOP WORK. Sa All About Eve, si Alfred ang gaganap na leading man ni Sunshine Dizon. Mabait daw ang character niya rito. So, saan papasok ang challenge sa bagong character na ginagampanan niya ngayon?

"Yung challenge ko talaga, kung paano ko ipapakita kung gaano ako ka-sincere sa pagmamahal ko kay Erika, which is kay Sunshine nga," sabi ni Alfred.

Isa si Alfred sa mga aktor ng Kapuso network na hindi nawawalan ng trabaho. One after another kadalasan ang mga shows na ibinibigay sa kanya ng network. Ano ang masasabi niya rito?

"Oo nga, which is nagpapasalamat naman ako. I'm proud to be Kapuso," nakangiti niyang sabi.

"Ako naman, basta dire-diretso ang trabaho, professional ako and I do my best in everything I do."

LONG-DISTANCE AFFAIR. On his lovelife, three months na raw sila ng kayang non-showbiz girlfriend na si Yasmine Espiritu.

"Sobrang sarap, sobrang saya ko. Everyday, paggising ko tuwing umaga, inspired ako. Kahit na malayo siya ngayon, nasa Italy at tinatapos ang pag-aaral niya ng Fine Arts, babalik na siya rito."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paano ang communication nila?

"Text at saka tawag, hindi masyado sa Internet."

Siya raw ang mas madalas na tumatawag dahil kapag kasama naman daw niya ang babae, ayaw raw niya ang babae ang pinapagastos. Hindi ba mahirap ang long-distance relationship?

"Mahirap siya, pero kapag iisipin mo, worth it naman ang paghihintay. At kung yun ang dapat kong pagdaanan para lalo kaming sumaya at hihintayin ko siya rito, gagawin ko."

Puwede na kaya niyang sabihin na si Yasmine na ang magiging first lady niya, in case na tumakbo na siya sa politics?

"Sana, sana," sabi ni Alfred. "Pero sa ngayon, since kaka-graduate lang niya, bibigyan ko muna siya ng time to explore, to have time at para makasigurado naman siya sa akin!" natatawang sabi ni Alfred.

On his part, sigurado na raw kasi siya.

"Oo, e. Ino-orient ko naman siya. Ipinakilala ko na rin siya kay Nay Lolit, at botong-boto si Nay Lolit sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pinalaki kasi ako ng parents ko na tumutulong sa iba. Pati yung eskuwelahan ko, minold kami na parang man for others. Siguro ngayon, at this point, hindi naman ako bago sa showbiz, feeling ko, ang suwerte ko nga, e. Tuloy-tuloy naman, so gusto ko namang mai-share sa others," says Alfred Vargas about entering politics.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results