Anjo Yllana: "Kami ni Pareng Kiko, 1998 pa kami magkasama niyan sa pelikula, sa TV at sa kung anu-ano pa. Hindi namin ini-expect ang ganito na mangyari. Nagulat kaming lahat. Si Kiko kasi, hindi mo malalaman kung may problema siya kasi hindi niya pinapahalata. Noong malaman naming may sakit siya, sinabi ko na kaya niya ito. Matapang 'yan, e. Pero siguro nga, ayaw na niyang magkaproblema pa ang pamilya niya. Above all kasi, ang pamilya niya ang pinaka-concern niya. Kaya saan man ngayon si Pareng Kiko, mahal ka namin at don't worry, kami bahala sa pamilya mo."
Ogie Alcasid: "I know that Kiko is in a better place now. Lagi ko siyang ipinagdarasal. Noon pa kasi kami niyang nagkakatrabaho. Nagsisimula ako at nagsisimula rin siya noon sa rap music niya. We worked in so many shows together. The Kiko that I knew then ay gano'n pa rin up to now.
"Noong malaman ko nga ang nangyari, pumunta ako agad sa Medical City. I wanted to be there and see Kiko for the last time. Niyakap ko siya and it was very painful para sa aming lahat na mangyari ito. Kiko was a good man at sa huling pag-uusap namin, sinabi pa niya na, 'Don't worry Ogie, I will still have coffee with our grandchildren'. I know that God has certain plans for all of us and we all have to accept it kahit masakit pa ito."
Ruby Rodriguez: "Since 1994, magkasama na kami ni Kiko sa Eat Bulaga!. Makulit 'yan, e, kasi marami siyang naiisip na mga bagong puwedeng gawin sa show. We've bonded so many times kaya noong sinabi nga nilang wala na si Kiko, hindi ko mapigilang umiyak sa show. Parang ayoko nang mag-host noong araw na 'yon. Masakit kasi dahil alam namin na lumalaban si Kiko.
"Pero naisip ko nga ang sinabi noon ni Kiko, 'The show must go on.' Kahit ano pa 'yan, ituloy mo ang buhay. Hindi namin makakalimutan si Kiko lalo na kapag may show kami sa ibang bansa. Hindi na kami magdadala ng kamera kasi nandiyan si Kiko para kunan kami ng mga litrato. Lahat ng ibinigay niyang mga kuha ko ay lalo kong ite-treasure.
"Kung may dasal ako kay Kiko, gusto ko lang sabihin sa kanya na huwag na siyang mag-alala sa kanyang pamilya dahil nandito kami para tingnan sila at makakaasa siya sa kanyang anak na si Maxene. Kiko is proud of her dahil napakaresponsableng bata at alam niyang kaya nitong alagaan ang kanilang mommy at mga kapatid."
Keempee de Leon: "Malaki ang naging influence sa akin ni Kuya Kiko lalo na when it came to music. Isa siya sa nag-push sa akin to develop my talent in singing. Noong una ngang lumabas ang first album ko, si Kuya Kiko ang unang nagsabi na maganda, at masaya siya because I gave it a try. Lahat ng hingin kong advice sa kanya ay sinusunod ko. Kaya nga nakakalungkot noong matanggap ko ang balita. Akala ko joke lang, pero totoo na pala. Umiyak kaming lahat dahil importanteng tao sa amin si Kuya Kiko. Wherever is he, alam naming masaya na siya at wala na siyang mararamdaman na sakit."
THE MASTER RAPPER. Sumakabilang-buhay si Francis Magalona, o mas kilala sa palayaw na Kiko sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan, dahil sa sakit na acute myelogenous leukemia kahapon, March 6, ng alas-dose ng tanghali. He was 44 years old.
Ipinanganak bilang Francis Durango Magalona noong October 4, 1964, si Kiko ay isa sa siyam na anak ng kanyang sikat na magulang na sina Pancho Magalona at Tita Duran. Sina Pancho at Tita ay isa sa pinakasikat na screen tandems sa Sampaguita Pictures noong '40s at '50s. Ang lolo ni Kiko na si Enrique Magalona ay nanilbihan sa Philippine Senate mula 1945 hanggang 1955.
Nakapag-aral sa San Beda College si Kiko bago niya pinasok ang mundo ng showbiz during the '80s. Una siyang ipinakilala sa pelikulang Bagets 2 (1984) ng Viva Films, kung saan nakasama niya ang original cast (except for Aga Muhlach), including Ramon Christopher and the late Jonjon Hernandez.
Nasundan pa ito ng mga pelikulang Doctor, Doctor We Are Sick, Ninja Kids, Family Tree, Action Is Not Missing, Hati Tayo Sa Magdamag, Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, Joey Boy Munti, Gumapang Ka sa Lusak (kunsaan nakakuha siya ng Urian Best Supporting Actor nomination), Iputok Mo Dadapa Ako, Mama's Boys, Estribo Gang, Engkanto, Ano Ba 'Yan, Tong-Its, at Kamada. Huli siyang napanood sa indie films na Anak ni Brocka at Astigmatism.
Unang naging TV show ni Kiko ay ang sitcom na UFO: Urbana, Felisa, and Others ng GMA-7 kung saan bida sina Nanette Inventor at Mitch Valdes.
Si Francis din ang isa sa original members ng youth-oriented musical show na That's Entertainment.
Sa larangan naman ng musika, unang gumawa ng pangalan si Francis nang pasikatin niya ang bagong tunog, ang Pinoy rap. Kaya nga siya ang tinaguriang Master Rapper or King of Pinoy Rap.
Ipinakita niya ang kanyang husay sa pag-rap sa mga TV shows na Loveliness (kunsaan una siyang naging resident rapper), Vilma!, PST: People Staying Tuned, That's Entertainment, at sa Eat Bulaga! kung saan tumagal siya ng mahigit 15 years.
Naging phenomenal hit ang album ni Kiko na Yo! kung saan sumikat ang mga rap songs na "Mga Kababayan Ko," "Cold Summer Nights," "Gotta Le 'Cha Know," "Man From Manila." Ang Yo! Ang itinuturing na first rap album in Philippine music history. Nasundan pa ito ng iba pa niyang hit album na Rap is Francis M, kunsaan sumikat ang hits ang "Mga Praning," "Halalan," at "Tayo'y Mga Pinoy."






Salamat sa musika, Francis Magalona.
RIP
you will be missed master rapper.