Malaking bahagi ng The Buzz kahapon, March 8, ang inihandog ng programa bilang tribute sa yumaong Master Rapper na si Francis "Kiko" Magalona. Bukod sa mga features on Francis, naghandog naman ng special song numbers para kay Kiko sina Sarah Geronimo, na kumanta ng "A Light Of A Million Morning," at si Christian Bautista na kumanta naman ng "To Where You Are."
NO EXCLUSIVE COVERAGE. Bagamat nagkaroon ng opportunity ang The Buzz co-host na si Kris Aquino na ma-interview ang naiwang asawa ni Francis Magalona na si Pia Arroyo-Magalona sa Christ the King chapel sa Green Meadows, Quezon City, nilinaw ni Pia, na wala naman talagang exclusivity ng coverage.
Patuloy ni Pia, willing naman silang i-share sa lahat ang pinagdaanan ni Francis sa kanyang mga huling sandali, gayundin ang coverage ng paglalamay. Open to everybody ang opportunity na makausap sila dahil gusto rin nilang ibahagi sa buong Pilipinas ang taos-puso nilang pasasalamat sa pakikiramay ng lahat sa kanilang pamilya.
Bago ang interview kay Pia ay tinanong kasi si Kris ni Ruffa Gutierrez na nasa ABS-CBN studio with Boy Abunda, kung nakausap na ba niya si Pia.
Nauna nang nasabi ni Kris on television na, "No, unfortunately she's inside and resting. And I think, tayo, Boy and Ruffa, we should respect the fact and understand na si Francis was working for GMA Network. So, kung kanila yung istorya at kanila yung exclusive na interview, pumunta na lang tayo rito para makiramay bilang mga Kapamilya."
PIA'S STRENGTH. Kaya naman nang magkaharap na sina Kris at Pia ay kaagad na nagpasalamat si Kris kay Pia sa pagbibigay ng chance na ma-interview siya at makapag-cover ng wake ni Francis.
Itinanong ni Kris kung saan nanggagaling ang katatagang ito ni Pia.
"I always say nga na I have to be this way nga, kasi it is but natural for me. When you are a mother, you know what to do. You know how to make a good example to your children. So, siguro if I'm not like this, what about my children, they also might not have that enough strength. So, it just comes out naturally talaga that I think of them first before me," sabi ni Pia.
Muli ay inulit ni Pia ang pagko-correct sa sarili niya kung saan na-misquote siya noon sa pagsasabing matagal na nilang nakikita ang sintomas ng sakit ni Francis bago pa siya na-diagnose.
Ayon kay Pia, August of last year lang talaga nila nalaman ang tungkol sa sakit ni Francis nang ma-diagnose nga siya. July lang nang makita nila ang symptoms ng fever at pamumutla ni Francis, after ngang makabalik ng Pilipinas ng Eat Bulaga! group noon galing U.S. na kasama nga si Francis.
Next na tanong ni Kris kay Pia ay kung naging very honest ba talaga yung mga doctors ng Medical City sa kanya tungkol sa sakit ni Francis.
"Oh, yeah, they were very honest," sagot ni Pia. "What I'm thankful...also the doctors... I mean, it was the way the doctors tell you naman, e. You always want honesty naman, di ba? So, you have to deal with it. You have to be mature."
"Wednesday [March 4] daw miniting kayo ng mga doktor. Ano ang sinabi nila?" Kris asked.
"They said that... Kasi from the start, sinabi talaga na it's the worst type of leukemia. So, alam mo na yun from the start. So, lagi mong ine-expect na pag ganun talaga ang nangyari, alam mo na ganun talaga yung disease. So, nung sinabi sa amin na eto na yung mga choice ninyo. Kasi chemo nga minsan hindi naman nagwo-work, nagre-relapse. Bumabalik lang yung cancer cells. Pero sinabihan kami talaga na huwag na masyadong mag-expect talaga na magwo-work. Kasi nga they give you yung percentage, ganyan. Pero aside from that, ang mahirap talaga yung complication, yung pneumonia."
Kris: "Ano yung naging mensahe niya para sa iyo at sa mga anak n'yo?"






idol, master rapper, the man... i hope kung san ka man naroroon ngayon ay masaya ka. your friends will take care of your family. nakakapanghinayang lang na ang isang taong katulad mo, talented, mabait, makabayan, at sasaglit lang sa mundo.
mabuhay ka idol!
i admire pia a.but i think she is hurting talaga inside.na experience ko din yan.my mom died of cancer last year, but you cant show weakness because so many are depending on your strength.it's really draining yung i cheer mo but at the back of your mind,there's this impending death.
Condolence pia.francis is lucky to have u.
1994 dito sa pinas ang ms universe. hindi pinayagan ng abs ang ch7 na mainterview ibang candidates. ok lang. ang Pope pumunta dito, exclusive for ch7 lang. nagalit ang abs, iba na daw yun kasi Pope. bully talaga ch2 sa mga ganun. si nida blanca namatay 2001 meron siyang sitcom sa ch2...bigay sila tribute. tapos live pa burial niya sa anc. pero si kiko nagbigay din sila tribute kanina sa show nila Ai-ai and ruffa...baka sa libing makipag sabayan din sila sa ch7? i hope not...
ganda ng pagcocover nila ng burol..nandun sila para magtrabaho yet nandun yung sinserong pakikiramay at respeto..
keep it up..
Tayo'y mga Pinoy...wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango...
RIP Kiko...