PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pia Arroyo-Magalona recited song for Francis before he passed away

Pia thanks everyone who symphatized with them.
by Glen Sibonga
Published Mar 9, 2009
"For them, you know, for everyone, na sana laging beautiful. The sun has risen. It's like a dream, like it's laging peace, parang representative of St. Francis, October 4. So, somehow, very peaceful talaga siya. Peace-loving. Wala siyang kaaway, lahat kaibigan niya. And I would like to say na I'm so proud na ganun siya," says Pia Arroyo-Magalona about what husband Francis Magalona meant in the song he wrote for her and for his band.

Malaking bahagi ng The Buzz kahapon, March 8, ang inihandog ng programa bilang tribute sa yumaong Master Rapper na si Francis "Kiko" Magalona. Bukod sa mga features on Francis, naghandog naman ng special song numbers para kay Kiko sina Sarah Geronimo, na kumanta ng "A Light Of A Million Morning," at si Christian Bautista na kumanta naman ng "To Where You Are."

NO EXCLUSIVE COVERAGE. Bagamat nagkaroon ng opportunity ang The Buzz co-host na si Kris Aquino na ma-interview ang naiwang asawa ni Francis Magalona na si Pia Arroyo-Magalona sa Christ the King chapel sa Green Meadows, Quezon City, nilinaw ni Pia, na wala naman talagang exclusivity ng coverage.

Patuloy ni Pia, willing naman silang i-share sa lahat ang pinagdaanan ni Francis sa kanyang mga huling sandali, gayundin ang coverage ng paglalamay. Open to everybody ang opportunity na makausap sila dahil gusto rin nilang ibahagi sa buong Pilipinas ang taos-puso nilang pasasalamat sa pakikiramay ng lahat sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ang interview kay Pia ay tinanong kasi si Kris ni Ruffa Gutierrez na nasa ABS-CBN studio with Boy Abunda, kung nakausap na ba niya si Pia.

Nauna nang nasabi ni Kris on television na, "No, unfortunately she's inside and resting. And I think, tayo, Boy and Ruffa, we should respect the fact and understand na si Francis was working for GMA Network. So, kung kanila yung istorya at kanila yung exclusive na interview, pumunta na lang tayo rito para makiramay bilang mga Kapamilya."

PIA'S STRENGTH. Kaya naman nang magkaharap na sina Kris at Pia ay kaagad na nagpasalamat si Kris kay Pia sa pagbibigay ng chance na ma-interview siya at makapag-cover ng wake ni Francis.

Itinanong ni Kris kung saan nanggagaling ang katatagang ito ni Pia.

"I always say nga na I have to be this way nga, kasi it is but natural for me. When you are a mother, you know what to do. You know how to make a good example to your children. So, siguro if I'm not like this, what about my children, they also might not have that enough strength. So, it just comes out naturally talaga that I think of them first before me," sabi ni Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muli ay inulit ni Pia ang pagko-correct sa sarili niya kung saan na-misquote siya noon sa pagsasabing matagal na nilang nakikita ang sintomas ng sakit ni Francis bago pa siya na-diagnose.

Ayon kay Pia, August of last year lang talaga nila nalaman ang tungkol sa sakit ni Francis nang ma-diagnose nga siya. July lang nang makita nila ang symptoms ng fever at pamumutla ni Francis, after ngang makabalik ng Pilipinas ng Eat Bulaga! group noon galing U.S. na kasama nga si Francis.

Next na tanong ni Kris kay Pia ay kung naging very honest ba talaga yung mga doctors ng Medical City sa kanya tungkol sa sakit ni Francis.

"Oh, yeah, they were very honest," sagot ni Pia. "What I'm thankful...also the doctors... I mean, it was the way the doctors tell you naman, e. You always want honesty naman, di ba? So, you have to deal with it. You have to be mature."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wednesday [March 4] daw miniting kayo ng mga doktor. Ano ang sinabi nila?" Kris asked.

"They said that... Kasi from the start, sinabi talaga na it's the worst type of leukemia. So, alam mo na yun from the start. So, lagi mong ine-expect na pag ganun talaga ang nangyari, alam mo na ganun talaga yung disease. So, nung sinabi sa amin na eto na yung mga choice ninyo. Kasi chemo nga minsan hindi naman nagwo-work, nagre-relapse. Bumabalik lang yung cancer cells. Pero sinabihan kami talaga na huwag na masyadong mag-expect talaga na magwo-work. Kasi nga they give you yung percentage, ganyan. Pero aside from that, ang mahirap talaga yung complication, yung pneumonia."

Kris: "Ano yung naging mensahe niya para sa iyo at sa mga anak n'yo?"

"Wala naman talagang huling habilin. Let's put it this way, kasi we always talk naman. Kasi nga madami sila [mga anak], di ba? So, maaalala niya sila one at a time or two at a time. He realizes more siguro. Si Francis kasi is so active, e, he's all around. Once na nandun lang siya sa hospital room, mas nakakapag-isip siya. Sasabihin niya yung interest niya sa photography. Kasi nga he loves photography.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro ang tinitingnan niya kung magiging katulad niya yung mga anak niya. Nakikita niya kung ano yung mga interest nila. And siguro it's not saying, word per word na, ang plano ko, ang gusto kong gawin. Sasabihin lang niya, 'Si Ano, magaling yan sa ganyan, ha.' So, parang ako na lang yung magde-decipher nun na ano ba yung ibig niyang sabihin. Ibig niyang sabihin siguro is i-encourage mo."

THANK YOU, PIA. Did he ever get the chance to say, "Pia, thank you, ha?"

"Nasabi niya talaga sa akin na you're the best mom. Thank you for bringing up my children the way you did. Yun nakita niya siguro pag bumibisita sa hospital. I don't really tutor them, pero somehow may discipline. Gusto lang niya yung ganun na at least nakakapagtrabaho siya. Wala siyang problema."

Kris: "You as a wife, ano ang sinabi niya sa iyo bilang asawa niya?"

"Bilang asawa? Siguro nakita niya rin, kasi, di ba, yung mga Filipino men, gusto nila yung inaalagaan sila? Grateful naman siya kahit nung malakas pa siya, na alam niya ako yung nag-aalaga sa bawat need niya. Pero it's different kapag nasa hospital. Kasi ako lang talaga yung parang caregiver niya. Lalo na bawal siyang bisitahin, e. Reverse isolation. So, ako lang talaga yun nandun most of the time. If may bibisita, sandali lang talaga. So, day in day out, lagi siyang, 'Thank you, Mama, for taking care of me.' Gumaganun siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kris: "Nakatanggap ako ng text na imbes na flowers ang ipadala, kung kaya rin naman ay mag-donate na lang ng blood sa Red Cross."

"Kasi nga yung sickness ni Francis has something to do with blood. So dun na-educate din naman ako sa importance ng pagbibigay ng blood. Kung qualified ka naman ay mag-donate ka para maging healthy din naman ang blood mo. It's also good for you physically kasi nagiging bago rin yung paggawa mo ng sarili mong dugo."

A SONG FOR FRANCIS. Kris: "Is it true that he was able to sing for you?"

"It's the other way around. Kasi nga, the last one to go is yung hearing nga. You have to tell him it's okay for him to go. This is my first experience talaga with death. I never really had, like, a close family member who died."

Kris: "Ano yung kinanta mo?"

"Kasi meron siyang song na isinulat para sa amin. Aside from I sing backup for him in our shows. For me and the band [Francis's backup band the Hardware Syndrome and the Evil Stepsisters kunsaan miyembro si Pia]. It's like, 'Rainy.' Yung sinabi ko nga na, 'I am you and you are me / Rainy days I hope it never ends.' Yung pag rainy days kasi, di ba, pag it rains it pours the blessing, ganyan? He wrote a song na I hope it never ends, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kris: "Is it okay to sing it for us?"

"Hindi ko na isi-sing kasi hindi ko naman sining talaga. But I said the words to him na, of course siya lang yung mahal ko talaga. Thank you, yun sinasabi ko sa kanya. And I said na, 'I am you and you are me / Rainy days are here again / It's the time of year my friend / And hope it never ends for you, for me, for them.'

"For them, you know, for everyone, na sana laging beautiful. The sun has risen. It's like a dream, like, it's laging peace, parang representative of St. Francis, October 4. So, somehow very peaceful talaga siya. Peace-loving. Wala siyang kaaway, lahat kaibigan niya. And I would like to say na I'm so proud na ganun siya."

Pinasalamatan din ni Pia ang lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya.

"Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nakikiramay at nakikidalamhati sa akin. Sinasabi nila meron silang experience with Francis M. Parang andiyan pa rin siya talaga kasi they carry him kapag nagkukuwento sila ng experience nila. So, maraming-maraming salamat sa inyong paniwala sa kanya. And sana ipagpatuloy n'yo yung mga dreams niya para sa mga Filipino people."



Click HERE to view PEP's tribute to the the Master Rapper Francis Magalona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Click HERE to view PEP's tribute to the the Master Rapper Francis Magalona.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"For them, you know, for everyone, na sana laging beautiful. The sun has risen. It's like a dream, like it's laging peace, parang representative of St. Francis, October 4. So, somehow, very peaceful talaga siya. Peace-loving. Wala siyang kaaway, lahat kaibigan niya. And I would like to say na I'm so proud na ganun siya," says Pia Arroyo-Magalona about what husband Francis Magalona meant in the song he wrote for her and for his band.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results