Young actor JC de Vera will celebrate his 23rd birthday on a happy note as news came out that he will remain a Kapuso. This came about after his manager, Annabelle Rama, had a meeting with GMA-7 big boss Atty. Felipe Gozon and GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.

Photo: Noel Orsal

Mamayang gabi, March 9, ang salubong birthday party ni JC de Vera sa Barrakz Bar sa Tomas Morato, Quezon City, kung saan part-owner din siya. Twenty-three years old na siya bukas, March 10.

Pinagsusuot ng puti ang mga imbitado sa party ni JC at aakma ito sa kasasagap lang na balita ng (PEP) Philippine Entertainment Portal dahil magmimistulang thanksgiving party rin ang magaganap mamaya, hindi lang para sa kanya kundi para sa iba pang alaga ni Annabelle Rama. Hindi na kasi matutuloy ang pag-alis ni JC sa GMA-7.

Napag-alaman ng PEP na maayos na nagtapos ang meeting sa pagitan ng manager ni JC at ang mag-amang Atty. Felipe Gozon at Annette Gozon-Abrogar—Chairman-President-CEO of GMA Network and President of GMA Films, respectively—kaninang hapon sa Manila Polo Club.

Napag-alaman din ng PEP na sa usapang alaga ni Annabelle, idadaan na ang lahat kay Ms. Annette.

Malamang na maglabas ng official statement ang GMA Network tungkol sa nangyaring meeting kanina.