Ngayong March ay isang taon nang hiwalay ang aktres na si Sheryl Cruz sa asawa nitong si Norman Bustos.
Sa pagdalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng "Ganti ng Puso," ang pilot episode ng SRO Cinema Serye ng GMA-7, ang kanilang hiwalayan ang pinag-usapan namin ni Sheryl. Ayon sa aktres, kahit isang taon na silang hiwalay ay hindi pa siya nakaka-move on.
"It's gonna be fake to tell you that I have moved on," sabi niya. "Yes, almost one year this March, ilang days na lang magiging one year na."
Bakit hindi agad na-announce ang tungkol sa paghihiwalay nila?
"Kasi, I'm waiting for the papers to be finalized," paliwanag niya. "Yung akin lang naman, kung ano lang yung hiniling at napagkasunduan namin, para na lang pareho kaming magkaroon ng peace of mind. At saka para stress-free na rin para sa mga magulang namin na hindi na rin naman bata ngayon. Ayaw na namin na magwo-worry sila. Plus the fact na alam kong private person siya [Norman] and I'm a public personality. I do understand the privacy issues, na para bang I do respect their privacy much more my daughter's."
Ano ang tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Norman?
"Yun din ang aking tanong. Sabi niya, I belong here and he belongs there. Yun lang."
THE DIVORCE. Hindi pa makapagbigay si Sheryl ng mga detalye tungkol sa divorce petition ni Norman. Hindi pa raw kasi bumababa ang desisyon tungkol dito.
"No, not yet. Kasi it still has to be finalized, that's why. Sa akin lang, I really want closure also for myself, di ba?"
Pero aminado si Sheryl na nasaktan siya sa pag-file ni Norman ng divorce. Ito ay sa kabila ng tatlong beses pala silang ikinasal.
"Almost 13 years, it's not that easy for me, especially since we share a daughter," sabi niya. "Gusto naming ayusin muna yung papers namin bago namin pag-usapan yung daughter namin. But of course, we both want shared custody, we want to share the parenting."
Nasa poder ni Sheryl ngayon ang anak nilang si Ashley.
"Siyempre naman. Kasi unang-una, gusto ko naman magkaroon ng structure yung buhay ng bata. I'm not saying na he's [Norman] not naman... Every parent means well naman. Ang sa akin lang kasi, sanay na siya sa surrounding niya dito, meron na siyang schedule na sinusunod. Ayoko yung biglang nalilito yung bata, na maya't maya iba yung kanyang environment.
"I don't have any problems with my daughter going for a vacation, as long as we already have the papers in order. That's why I really can't talk so much about it. Kasi kahit ano pang mangyari, malalaman at malalaman yun ng lahat. Napakaliit ng mundo at hindi na kailangang manggaling sa akin."
JUST LIKE ORDINARY PEOPLE. Marami sa kanilang mga kaibigan ang nanghihinayang sa pagkawasak ng kanilang pagsasama ni Norman. Ano ang masasabi ni Sheryl dito?






hindi nya siguro nakayanan ang buhay dito.
hindi ko mina liit ang sheriff, nagtatanong lang po kung magkano sweldo nila.
well siguro meron sila problema aside sa money.
iba po ang sheriff at police dito sa america..di po tulad diyan sa atin! dito po kinatatakutan talaga at kagalang-galang sila at uulitin ko isa ang sheriff at police sa mga malalaking sweldo dito sa tate!!! hwg maliitin ika nga ng isa dito...dhil paldo ang mga iyan!!! BIG SHOT IKA NGA!!!
corek ka diyan mare! ang mhal ng foot sopa dito...sa totoo ako pgsummer na lng ngpapapedicure ang mahal kasi plus tip pa..tapos sympre papadesign mo pa kuko mo! hehe! iba buhay america akala ng marami masarap...totoo mabibili mo gusto mo kung pag-iipunan pero mag-isa ka lng tlga dito...ikaw lahat gagawa! pagluluto mo pa asawa mong maselan..lolz!!! hay naku she go go na lng kung saan ang tama for u and sa daughter mo tutal rich naman kayo diyan sa Pinas di ba?
anong ginagawa ng child support ni sheriff? at dnt forget nandiyan si tita susan! hehehe!!! good luck she!!!