news

A sad and happy goodbye for Francis Magalona

by Ruel Mendoza posted on March 11, 2009  STATS: 648 Views | 81 Comments

 

Two escorts guard Francis Magalona's coffin during the last night of his wake. Francis's remains were cremated earlier today, March 11.

Photo By: Noel Orsal

Hinatid na sa kanyang huling hantungan ang Master Rapper ng Pilipinas na si Francis "Kiko" Magalona. Kaninang madaling-araw, bandang ala-una, March 11, naganap ang cremation ng kanyang mga labi.

Nagkaroon ng isang espesyal na misa sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City, bago hinatid ang urn na naglalaman ng mga abo ni Kiko sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. Naging maayos at tahimik ang naganap na misa dahil puro family members at close friends ng pamilyang Magalona ang present.

Sa misa, sinabi ng pari na kahit nakakalungkot ang biglang pamamaalam ni Kiko, maging masaya pa rin sana ang mga nagmamahal sa kanya dahil nagawa naman daw ni Kiko ang dapat niyang gawin sa mundong ibabaw. "Mission accomplished!" at "Rap in peace!" ang mga salitang binitawan ng pari para sa Master Rapper.

Kapansin-pansin din ang suot na t-shirts na may nakasulat na "One Love" ng pamilya at mga kaibigan ni Kiko. Ito raw ang shirt design na naisipang gawin ni Kiko bago siya namaalam.

Noong huling gabi ng burol ni Kiko, bumaha na naman ng luha sa necrological service dahil sa Eulogy na bigay ng mga taong malapit sa puso ni Kiko. Naging punong-abala ang malapit na kaibigan ni Francis na si Michael V sa naganap na huling misa para sa yumaong Master Rapper.

Bago natapos ang public viewing para kay Kiko ay dumating ang iba pang mga kaibigan at katrabaho ni Kiko. Kabilang na rito ang ang King of Comedy na si Dolphy, na sinabing malaki ang utang na loob niya sa yumaong ama ni Kiko na si Pancho Magalona dahil ito ang nagbigay ng unang break niya sa pagiging artista.

Dumating din si former President Joseph Estrada na nag-abot ng kanyang abuloy mula sa Mowelfund; former First Lady Imelda Romualdez-Marcos; Batangas Governor Vilma Santos-Recto; Senator Jinggoy Estrada; Senator Kiko Pangilinan; Susan Roces at ang anak nitong si Grace Poe-Llamanzares; Rosa Rosal ng Red Cross; GMA-7 SVP Wilma Galvante; Richard Gomez and wife Lucy Torres; Aga Muhlach and wife Charlene Gonzalez; Ely Buendia; Janno Gibbs; Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo; Richard and Raymond Gutierrez; Jet Pangan; Rica Peralejo; Sarah Geronimo; Boots Anson-Roa; Vice Mayor Teri Onor; Geleen Eugenio; Sexbomb Girls; EB Babes; Gladys Guevarra; Alicia Mayer; ang buong Eat Bulaga! family; at marami pang iba.

Pinarangalan din si Kiko ng posthumous Medal of Merit mula sa Malacañang Palace dahil sa kanyang contribution sa larangan ng musika at sining. Dahil na rin ito sa pagsama ng kanyang nationalism sa bawat awitin niyang isinulat sa loob ng maraming taon.

Kasabay ng pagbibigay ng award na ito kay Francis ay ang pagbigay ng medalya para sa tatlo niyang mga anak na sina Elmo, Arkin, at Clara Magalona. Nagtapos kasi with honors ang tatlo niyang anak at pinuntahan pa sila ng teachers at school administrators nila sa burol para isabit ang mga medalya nila.

Hindi kasi naka-attend ang mga anak ni Kiko ng awarding ceremonies sa kanilang school dahil sa burol ng kanilang ama. Sinabi ng mga bata na tuwing may school activities sila ay parating present si Kiko kahit na may trabaho ito. Sinabi rin ng maybahay ni Kiko na si Pia Arroyo-Magalona na pinakaimportante ang kanilang mga anak para sa kanyang yumaong asawa.

Sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, hindi rin pumayag ang mga tagahanga ni Kiko na hindi nila masaksihan ang paghahatid sa kanilang idolo sa kanyang huling hantungan.

Gustong magpasalamat ng Magalona Family sa lahat ng suporta na ibinigay ng kanilang mga kamag-anak, kaibigan, at mga tagahanga ni Kiko na walang-sawa na bumisita at nakiramay sa kanila for the past five days and nights.

"Overwhelmed kaming lahat sa ipinakitang suporta ng lahat ng mga taong na-touch ni Kiko ang buhay," sabi ni Pia. "This is proof that Kiko has accomplished a lot of things in his lifetime. Kami ng mga anak ko, nagpapasalamat kami sa lahat ng mga taong nakiramay, nakipagpuyatan, nakiiyak, at nakingiti sa amin through those many days and nights. Hindi namin ito malilimutan. Kiko is happy because naging maayos ang lahat. Just like the way he wants it to be.

"Kung ano ang plano namin after this? Wala pa naman. We will continue praying for Kiko. Sabi nga niya, the show must go on. Hindi pa naman nagtatapos dito, e. This is only the beginning of a new life for us without him physically present. Nandiyan lang siya and still guiding us sa lahat ng gagawin namin.

"Kiko would like us to continue his work as an artist and as a lover of our country. We will not fail him sa mga naging trabaho niya. Magtutulung-tulong kaming lahat because this is what he wanted. So his legacy will live on and on. Makakasiguro si Kiko that everybody will know him and the wonderful work that he has done for our country," saad ni Pia.



 Click HERE to view PEP's tribute to the the Master Rapper Francis Magalona.

Click HERE to view PEP's tribute to the the Master Rapper Francis Magalona.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

81 Comments

  • 81  balayanbatangas

    03/14/2009 | 05:19 PM
    Francis M. hanggang sa huli matapang mong hinarap. Saludo ako sa iyo. And you are now with our Creator. Your legacy will live on.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  balayanbatangas

    03/14/2009 | 05:17 PM
    tulo luha ko habang nagbabasa sa pep. dto na lang ako nakakabalita andto na ako sa england. pusong pinoy ako tulo luha ko. sana magkaisa na tayong mga Pilipino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  salsalindak69

    03/14/2009 | 04:19 AM
    GOD BLESS U PIA AND YOUR KIDS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  superkid

    03/14/2009 | 04:01 AM
    ONE LOVE FOR THE NATION
    ONE LOVE FOR THE FUTURE
    ONE LOVE FOR PROGRESS....
    ONE LOVE FOR THE THE BEAUTIFUL COUNTRY..
    ONE LOVE FOR THE PHILIPPINES...
    MORE POWER Francis M.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  superkid

    03/14/2009 | 04:00 AM
    Francis M... Farewell...
    You will be remembered
    Kung anuman ang mga iniwan mong pangarap para sa bayan mo... sana ay magpatuloy at maisabuhay ng lahat ng Pilipino...
    IWASAN ANG INGGIT
    TAYO AY MAGKAPIT-BISIG
    ANG MAGKA-AWAY IPAGBATI...
    LAHAT NG PILIPINO.... ONE LOVE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  walau_we

    03/12/2009 | 01:32 PM
    rap in peace, master kiko!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  yukacute

    03/12/2009 | 07:31 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  yukacute

    03/12/2009 | 07:23 AM
    PIA WAG KA NG MAG ASAWA ULIT HA.CONTINUE NA LANG SA MGA BAGAY NA GUSTO PANG GAWIN NI KIKO.WE WILL SUPPORT YOU FOR THAT....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  dagirl

    03/12/2009 | 04:45 AM
    may you rest in peace francis....may God bless your family....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  nyleg1623

    03/12/2009 | 04:12 AM
    godbye kiko we will miss you..hope ur happ now together with our creator..you will always in our hearts and mind..salamat sa lahat ng memory na binahagi mo sa lahat ng tao..RIP idol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  southerngirl

    03/12/2009 | 02:16 AM
    Tequila, thanks sa info. Nabasa ko somewhere dito na may sister siya sa LA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  ganda_babae

    03/12/2009 | 01:53 AM
    Battle is over,Kiko WON,his now with our Creator,You will be Miss
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  palachika08

    03/11/2009 | 09:48 PM
    i've never been affected this way by any other artist who passed away...si francis magalona lang ang nakapagpaluha sa akin ng ganito...i can't help the tears that keeps on falling from my eyes...nakakapanghinayang talaga that someone like francis can contribute that much patriotism and nationalism in his songs yet sounding cool and acceptable...an incomparable talent...a dedicated father...loving husband...loyal friend...and DABARKADS...you will sorely missed...RAP IN PEACE, MASTER RAPPER...rap with our MASTER.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  angel_kapalmukz

    03/11/2009 | 09:35 PM
    Sobrang lungkot ko kanina habang nanonood ng Eat Bulaga, kahit replay lang ito ng show nila last sat eh pinanood ko ulit. Iyak ako ng iyak sa eulogy ng mga taong close kay Kiko. Grabe, buti hindi nagising ang anak ko na natutulog katabi ko sa bed habang nanonood ako ng EB.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  simplynora

    03/11/2009 | 09:14 PM
    Paalam Kiko...di ka namin makakalimutan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  fozz

    03/11/2009 | 08:50 PM
    DAbaRkadS!
    saNa c eLmo makaSama nio sa eat buLaga!
    or kahit n cnong anak ni maSter Rapper'

    the sHow muSt g0 on....'
    sobrang Sad'
    nkakamiSs k taLaga IDOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  mookistar

    03/11/2009 | 08:39 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  fozz

    03/11/2009 | 08:38 PM
    s0 saD=
    tiLL now hiNDi ako makapaniwaLa n waLa n c Mater RaPper.....


    we wiLL miSs yOu...
    iLoveyou IDOL'
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  tequilla

    03/11/2009 | 06:57 PM
    61
    southerngirl
    March 11, 2009
    18:09 PM Bakit hindi man lang nabanggit ang mga ibang family ni Francis, like siblings, parents , kung buhay pa? anybody knows?

    Matagal na wala ang Parents nya,for sure kasama nya na ngayon... pero di ko sure if may kapatid sya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  justine_tiu

    03/11/2009 | 06:16 PM
    condolence 2 d hul fmily of francis m...we will be missing francis at eat bulaga so much... may he rest in peace with the Lord.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About