news

Francis Magalona finally laid to rest

by Rommel R. Llanes posted on March 11, 2009  STATS: 626 Views | 140 Comments

 

Francis Jr. and Elmo, sons of Master Rapper Francis Magalona, raised the urn containing the Master Rapper's ashes for everyone present at the interment of Francis's ashes at the Loyola Memorial Park in Marikina City.

Photo By: Rommel R. Llanes

At around 11:30 a.m. sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, inilagak na ang abo ng yumaong rapper, aktor, TV host, at businessman na si Francis Magalona.

Dumating sa lugar ng paglilibingan ang mga labi ni Francis na nakapaloob pa sa isang metal na kahon na nakalagay naman sa loob sa isang glass chamber.

Present sa libing ang kanyang pamilya, mga kamag-anak, at ang kanyang Eat Bulaga! family sa pangunguna nina Tony Tuviera, Malou Choa-Fagar, Vic Sotto, Joey de Leon, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Ciara Sotto, Jose Manalo, Pauleen Luna, at Lougee Basabas. Naroon din ang singer-composer na si Ogie Alcasid.

Mas marami sa kanila ang nakaputi kesa nakaitim na suot tanda ng pakikidalamhati sa pamilya ni Francis.

Mahigpit din ang seguridad sa paligid at hindi nga basta-basta lang nakakalapit ang kahit na sino sa tent ng libing, maging ang mga miyembro ng press.

Naroon din ang ilang miyembro ng Philippine Army para gawaran ng military honor si Francis dahil sa pagiging patriotic nito at bilang miyembro rin ng Reserved Officers Training Course (ROTC) unit ng Armed Forces of the Philippines.

Pagkatapos ng maikling misa at pagbasbas ng Holy Water sa urn ni Francis ay inalis na mula sa glass chamber ang urn upang sa huling pagkakataon ay mayakap ng asawang si Pia Arroyo-Magalona at mga anak ni Francis ang kanyang mga labi.

Matapos ang maramdaming tagpong ito ay pinapasok na sa tent ang mga miyembro ng militar na naroon upang ipakita ang kanilang pakikiramay sa pamamagitan ng pagbibigay ng tiniklop na watawat ng Pilipinas kay Pia.

Pagkatapos ng military honors kay Francis ay nag-recite ng maikling tula ang dalawang maliliit na anak ni Francis na sina Arkin at Clara Magalona. Ang buod ng tula ay ang kanilang patuloy na pagmamahal, pag-aalaala, at pagpapatuloy ng pangarap ni Francis para sa kanila. Habang tumutula ang dalawang bata ay binibigyan ng puting square envelopes sina Pia at ang kanilang mga anak ni Francis.

Pagkatapos ng tula nina Arkin at Clara ay pinakawalan nila mula sa square envelopes ang mga paru-paro na nakapaloob doon. Gaya ng binanggit sa tula ng dalawang musmos, sinisimbolo ng mga paruparo ang patuloy na pagmamahal at pag-alaala nila kay Francis.

Inimbita rin ng in-charge ng libing ang 50 miyembro ng pamilya ni Francis na naroon para magpakawala ng puting balloons sa langit, simbolo ng pamamaalam nila at paghahatid ng pagmamahal sa namatay na rapper.

Nang matapos magpalipad ng lobo ay naging emosyunal muli ang pamilya ni Francis dahil ito na ang oras para ilagay sa vault o libingan ang kanyang mga labi. Hindi na napigilan pa nina Francis Jr. at Elmo ang mapaiyak habang itinataas nila ang urn ni Francis sa gitna ng palakpakan ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Naghagis ng mga bulaklak sina Pia at mga anak, mga kamag-anak at mga kaibigan ni Francis bago ibinaba sa lupa at tinabunan ang mga labi ni Francis.


Click HERE to view PEP's tribute to the the Master Rapper Francis Magalona.

Click HERE to view PEP's tribute to the the Master Rapper Francis Magalona.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

140 Comments

  • 140  pakiss_muna

    03/14/2009 | 06:06 PM
    condolence sa mga naiiwan ni francis m.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 139  wicked

    03/13/2009 | 09:14 PM
    Vaya con Dios, Francis M!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 138  satsatera

    03/13/2009 | 05:31 PM
    kamukha nya yung anak nya na may hawak ng urn
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 137  kapuso_sosyal

    03/13/2009 | 01:30 PM
    eversince nagkaisip ako, crush ko n tlg c francis m kaya halos lahat ng naging bf ko hawig nya. ngayon isa na lang ang natitirang crush and idol ko, c EMINEM! hehe!!!

    eniweiz, i will surely miss u kiko my crush, my idol! may u rest in peace.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 136  Opinyon_Ko_Lang

    03/13/2009 | 12:25 PM
    I LOVE YOU KIKO!
    Salamat sa pag-papasaya mo sa mga pilipino! Salamat sa pagiging ikaw!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 135  pakongpasaway

    03/13/2009 | 12:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 134  angel_ashanti

    03/13/2009 | 11:49 AM
    IDOL... daig ko pa namatayan ng kamag-anak.
    Until now parang ndi pa rin nagsi-sink in sa akin na wala ka MASTER RAPPER.

    Nung nag ZIRKOH kami, ang lakas lakas mo pa. Ikaw ang primetime guest nun. Pina akyat mo ko sa stage kasi nga napansin mo na lahat ng kanta mo memorize ko. Di ko makakalimutan na nung pina akyat mo ko sa stage, kinanta mo yung GIRL BE MINE.. lumuhod ka then sabi mo CMON GIVE ME A HUG. grabe.. IDOL.. sobrang bango mo nun. Kaya talagang ma mi miss kita IDOL.. Saludo ako sa pagiging mapagmahal mong asawa at tatay sa mga anak mo. Napaka bait mong tao. Sa lahat ng achievements mo ndi ka yumabang. Til now im listening ng paulit ulit ng songs mo. PANALO yung cold summer nights and girl be mine. batang bata pa boses mo dun..
    RIP Francis M. I know it's selfish sabi nga ni MAXENE pero we all wish you're still here.. But God loves you so much he does not want you to suffer physical pain anymore.. masakit man but you really have to go.. No goodbyes for you.. LOVE LIVE MASTE
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 133  pepaddiktus

    03/13/2009 | 11:26 AM
    nakakaiyak sobra!!! i know ur happy up there Sir Francis..u will be sorely missed by everybody!!! RIP Master Rapper..+++
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 132  rubymax

    03/13/2009 | 05:04 AM
    nakakaiyak talaga, rest in peace francis m,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 131  wwww

    03/13/2009 | 03:29 AM
    i love you kiko Rest in peace!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 130  superkid

    03/13/2009 | 02:20 AM
    Kapuso Kapamilya ONE LOVE...
    Kapamilya Kapuso ONE LOVE...
    Eat Bulaga Wowoweee ONE LOVE...
    Wowoweee Eat Bulaga ONE LOVE...
    ABS-CBN GMA ONE LOVE...
    GMA ABS-CBN ONE LOVE...
    TFC PINOY TV ONE LOVE...
    PINOY TV TFC ONE LOVE....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 129  superkid

    03/13/2009 | 02:18 AM
    escee q congrats at nasasakyan mo ang mga mensahe ni Francis M.
    Isa ka sa mga nakaka-intindi ng mga iniwang mensahe ni Francis M. katulad ka ni Vic Sotto na nasakyan ang gustong iparating ni Francis M.
    IWASAN ANG INGGIT
    TAYO AY MAGKAPIT-BISIG
    ANG MAGKA-AWAY IPAGBATI.

    Kapuso Kapamilya lahat tayo Pilipino.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 128  rockenroll

    03/12/2009 | 11:50 PM
    Master Francis... I cannot help mah self but cry. Kakabigla ka! grabeh youre the best eversince. You will always be remembered. sayang di man lang kita nakita dito sa dubai in personal kc naman po sobrang trapik nung pumunta dito ang eat bulaga at super sold out ang ticket niyo. We will continue your legacy ang mahalin ang bansang pilipinas at proud maging pinoy. Sayang ala na ko ka octoberfest bertday na cool.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 127  sexyshine225

    03/12/2009 | 10:34 PM
    correction sa words ko eulogy pala.oo nga naman sana ang mga masama nalang ang namatay.pero ok na rin atleast ngkakaisa din pala tayo pagdating sa ganito.ng babangayan sa senseless na bagay pero my malambot na puso din pala pgdating sa ganitong bagay.may tru blood parin tayo na pinoy kasi may malambot parin na puso hindi tulad ng ibang lahi na kahit sariling familya walng sa kanila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 126  tasia4U

    03/12/2009 | 10:18 PM
    escee-121...korek ka jan..bongga ang comments mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 125  sexyshine225

    03/12/2009 | 10:12 PM
    grabi ng uunahin luha ko sa eurology ni micheal v.kaiyak talag
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 124  sexyshine225

    03/12/2009 | 08:43 PM
    nakakaiyak kasi parang nakakabigla na wala na sya. ang buhay nga naman hindi natin alam talaga kung kilan tayo kunin ng master of the earth.kaya sana marealize yan ng lahat na mga tao na gumagawa ng masama jan sa pilipinas.sana marealize nila na ang mabuhay ay isang bises lang at dapat isasabuhay nila ito na naayun sa kagustuhan ng panginoon hindi kay satanas na sinasayang lng nila ang buhay nila at buhay ng iba dahil sa paggawa ng masama.
    my condolences to the family he had left behind.rest in peace idol.i love you and the philippines.proud to be pinoy pa rin ako.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 123  escee_q

    03/12/2009 | 08:40 PM
    Sa totoo lang...majority ng mga past comments natin dito ay kababawan. di ba? commentaryo sa mga chismis, balitang artista,etc. Most of the nag-aaway pa. But this time maligaya ako dahil ONE LOVE tayo. It's overwhelming to know na ang dami pala nating nagmamahal kay Kiko.Ang daming namaalam na artist pero bakit ba tayo pinaka-affected this time? Umiiyak pa tayo...di naman natin kilala personally si Kiko, right? His music...rhymes with reasons...his persona as a father and a husband...his numerous talents...his raw love for this country...tsaka ung childlike appeal na rin siguro niya.Di ba si Kiko parang di tumanda ang itsura.Nakakalungkot. Dapat 'yong mga korakot, kriminal, home-wreckers, pusher at ibang salot sa lipunan nalang ang namatay!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 122  sixtogracia

    03/12/2009 | 06:08 PM
    He is not just a Master Rapper!His a Legendary King Of Rap Music!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 121  malditangadik

    03/12/2009 | 05:57 PM
    i'm really touched w/ this photo seeing his sons crying over his ash...

    lalu pa pag napanood ang video wherein binigyan sya ng last standing ovaziennn.

    hagulgol nako d2... waaaaah!

    see u again kiko!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About