news

Aubrey Miles wants to be released from her manager
by Archie de Calma posted on March 11, 2009  STATS: 19696 Views | 33 Comments

 

 

"Hindi ko nga maintindihan, kasi wala na rin naman siyang naibibigay na work. And besides, wala na rin naman siyang makukuha, kaya wala ring problema sa akin kung bitawan na niya ako. Pero ayaw pa rin nga niya. Pinag-uusapan pa rin namin ang tungkol diyan," says Aubrey Miles about her manager, Dondon Monteverde.

Photo By: Paul Fabregas

Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aubrey Miles sa taping ng Juicy ng TV5 last Monday night, March 9, kaya inusisa na namin siya sa sinasabing pagbabalik-showbiz niya.

"It's true," pagkumpirma niya. "Nagpapa-release na ako kay Kuya Dondon [Monteverde, her manager], pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw pa niya akong i-release.

"Hindi ko nga maintindihan, kasi wala na rin naman siyang naibibigay na work. And besides, wala na rin naman siyang makukuha, kaya wala ring problema sa akin kung bitawan na niya ako. Pero ayaw pa rin nga niya. Pinag-uusapan pa rin namin ang tungkol diyan."

Sa ngayon, nanay na muna ang drama ni Aubrey para sa five-month-old baby nila ni Troy Montero na si Hunter. Ibang-iba na nga kung mag-isip si Aubrey.

"Dati, reckless pa akong mag-decide sa kung anu-anong bagay," sabi niya. "Ngayon, lagi akong nagdadalawang-isip. Baka makaapekto sa anak ko, kay Troy. Lagi ko munang iniisip ang kapakanan ni Troy at ng baby namin.

"Pati nga pagbubuhat na lang sa baby, yung paglilinis sa bata kapag madumi, nagbabago ang perception ng isang parent. Nararanasan ko yun. Mas nagiging mapagpasensya ako."

CONTINUE THE FIGHT. Napag-alaman ng PEP kay Aubrey na nagtangka palang makipag-ayos si Mrs. Rose Flaminiano sa grupo nila nina Ara Mina, Maui Taylor, Aster Amoyo, at iba pa, tungkol sa kasong may kinalaman sa real-estate properties na ang deal ay hindi nasunod, at lumalabas na niloko sila diumano ng nabanggit na producer at talent manager.

"Nakiharap naman kami sa kanya, kaya lang, nakakatawang nakakahiya ang nangyari. Gusto niyang bayaran na lang niya kami ng tigwa-P100,000, e, kung tutuusin, mahigit one million pesos sa bawat isa sa amin ang damage. At yun lang ang ipinaglalaban namin, kaya nga nagkaroon ng kaso.

"Pilit naming iniintindi ang financial situation niya. Pero para namang nagmumukha kaming kawawa, lalo na kung pumayag kami sa halagang ganoon lang, para makipag-ayos, samantalang kami rin naman ang nasira sa kagagawan niya.

"Natatawa nga kami dahil si Ara, pinapapayag sa P200,000, e, sabi nga namin, halaga lang yun ng isang bag na karaniwang nabibili namin. Not for anything else, hindi na ito pera-pera lang. Kung hindi yung gusto rin namin siyang maturuan ng leksyon sa abalang nagawa niya sa amin," lahad ni Aubrey.

Nasabi ni Aubrey na kapalit ng pag-e-endorse nila sa nabanggit na proyektong yun ni Mommy Rose, marapat lang na kung ano ang napagkasunduan, yun ang mapunta sa kanila.

"Walang nangyari sa usapang yun. Ang resulta, nagkaisa kaming lahat doon against Mommy Rose, at pinalakas namin ang aming puwersa laban sa kanya. Hindi namin siya uurungan," pagwawakas ni Aubrey.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

33 Comments

  • 33  canadawdlove

    03/31/2009 | 12:18 PM
    kawawa naman si Rose F user-producer naman pala sabi nga ni Gabby kay Ricky Lo si Rose daw isang taong tumulong sa kanya pero after siyang matulungan ay gusto naman siyang e rape...sana magbago na talaga si Rose F at binayaran pa si Cristy to destroy Nadia.
    So go Aubrey go...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 32  kapamilyaito

    03/12/2009 | 11:27 AM
    totoo namang pangalawang anak nya na ang kay troy montero. she couldnt admit dahil ayaw ng misong ama ng unang anak na ipaamin sa kanya ang tungkol sa first child nya.. lalake din ang unang anak nya. retokada din sya. dibdib nya ginawa noong kasagsagan ng sexy movies nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 31  diotrbc

    03/12/2009 | 06:43 AM
    in fairness she's pretty and sexy but what else you could ask for with no talent is equals to zero
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 30  cassandrafiona1234

    03/12/2009 | 04:01 AM
    malakas ang appeal nito..
    at walang retoke sa katawan..
    noong wa pa siya asawa..dami nagkakagusto dito..
    pangit naman nang picture sa taas..
    kita tanan ngipin...ano ba yan..

    200,000 for an ordinary bag..
    hahhaha..150,000 for a year ago style nang louis vuitton siguro..or a Bottega Veneta.
    hek hek hek..lang lang..
    naku...


    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  pinaypapaya

    03/12/2009 | 03:08 AM
    eto ba yong ikinakahiya ang anak? di ba pangalawang anak na nya yang kay troy? ano ba talent nito? bold star to di ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  Stellathestar

    03/12/2009 | 01:44 AM
    Hello sino pa ba ang gustong kumuha sa iyo? Laos ka na di ba? Magtiyaga ka na lang sa manager mo at baka ma-book ka pa sa mga shows sa probinsya. Huwag ka nang choosy dahil hindi ka na sikat.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  ms_kikay

    03/12/2009 | 01:28 AM
    ngek ba't ganito ba o ganito talaga mukha ni Aubrey??!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  cris525

    03/11/2009 | 11:53 PM
    tsismis lang naman na may anak si Aubrey sa iba napakana ni Cristy Fermin. Later on nag-salita na ang tatay nung bata and sinabi nya na hindi si Aubrey ang nanay nung bata. Hindi rin naman nawala ng matagal si Aubrey..so this was just a gimmick.....

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  itsallinthemind

    03/11/2009 | 09:54 PM
    ay, wala ring HOT sign - cold issue pala to. hehehe. pero we should post kahit isang comment.

    :D
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  dutchgoddess

    03/11/2009 | 09:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  sweetlyre

    03/11/2009 | 09:29 PM
    ang panget n nya ngayon at kung balik-showbiz xa eh ano naman,wala nman xang ibu2ga meron man yabang lang.
    in fairness mas maganda p ako sa kanya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  slms324

    03/11/2009 | 09:13 PM
    hmmm eto pala totoong mukha ni aubrey pagka simpe lang at walang masyadong makeup...


    kita rin pala gilagid nya pagka smile hehehe...

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  mslavender

    03/11/2009 | 09:11 PM
    in fairness, nakasabay ko ito sa plane, iba talaga ang beauty nya, maliit ang face, cute ang mouth,pinay na pinay ang color and oozing with sex appeal..di lang masyadong maganda ang pic nya sa itaas..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  vivapinata

    03/11/2009 | 08:24 PM
    marami na kasing mas sariwa at bata sa yo...kaya kung ako ikaw sa bahay na lang ikaw wala naman kang talent puro katawan lang puhunan...eh ano pa pwde?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  gongyoo

    03/11/2009 | 08:15 PM
    korek walang urungan.... laban kung laban dyan sa sakim na rosie pig na yan... parang magbabarkada ata sina rosie, anavil, cresty at jubert. mga bad people in showbiz.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  maldita_08

    03/11/2009 | 05:58 PM
    parang sumobra nmn cia sa pagka tan, nung binyag ng anak nila ni troy parang ang dumi na tuloy niang tingnan d bagay sa kanya ang kula nia now.

    buti na lng maalaga na cia now sa anak nia kay troy, d ba meron na dn ciang anak b4?na dinedeny nia kaya cla nag away dn ni cristy fermin?

    sana ilabas na nia ung katotohanan.kawawa nmn ung bata.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  angelyou12

    03/11/2009 | 05:54 PM
    dapat pakasal kayo ni troy ok,.........................at more tv series at movie s for her,..........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  akanechan

    03/11/2009 | 05:27 PM
    grabe namang tumawad si mommy rose sebong flaminiano! ANO SYA SINUSUWERTI!hahahaha turuan nyo ng leksyon!para matuto!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  dadi37

    03/11/2009 | 04:26 PM
    iisa yata tayo ng napansin , nag-iba ang fez nya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  vinabayo

    03/11/2009 | 04:01 PM
    ah siya yung bading na nagpa opera xa yung dating hombre miles. hahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About