Former sexy star Klaudia Koronel receives luxury car as engagement gift

Rommel Gonzales
Thursday, March 12, 2009 @ 02:56PM  |  50912 views

'90s sexy star Klaudia Koronel poses beside her two-door Mercedes Benz SKL320 convertible sports car, which was given to her by Chinese-American boyfriend, Andy Zhang.

Photo By: Courtesy of Klaudia Koronel













Uuwi na sa Pilipinas sa March 17 ang dating sexy star na si Klaudia Koronel matapos ang halos isang buwang pagbabakasyon sa U.S. Bukod sa pagbabakasyon, dinalaw rin ni Klaudia ang boyfriend niyang si Andy Zhang na roon na naka-base.

Sa pagdalaw ni Klaudia, isang kotse ang iniregalo sa kanya ng kanyang future husband. Isang mamahaling two-door Mercedes Benz SKL320 convertible sports car ang nagsilbing engagement gift ni Andy sa kanyang future wife.

"Kasi dito sa U.S., mahirap ang walang car. Sabi pa niya, 'Dahil pakakasalan kita, may gift ako sa 'yo,'" kuwento ni Klaudia nang naka-chat siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Facebook kahapon, March 11.

February 26 pumunta ng Atlanta, Georgia, si Klaudia para rin ma-meet  ang kanyang future sister-in-law at ang pamilya nito.

"Mix ang magiging family ko sa Atlanta, Chinese, then mga Americans. Tapos, hahalo na ako sa family nila, na isang Pinay. I am having a great time with my pamangkins-to-be, dalawa sila."

Ayon pa sa dating sexy star, napamahal agad sa kanya ang mga bata sa sandaling pamamalagi niya sa Atlanta.

"Sad ang mga bata nung umalis ako sa Atlanta. Laging sinasabi sa akin ng fiancé ko na sabi ng mga anak ng sister niya na they like me, na 'She's great!' daw."

"Nararamdaman ko naman na gusto ako ng future sister-in-law ko. Kasi naman nakisama ako nang mabuti. Walang maid sa U.S., so super-laba ako ng damit ng mga anak niya. E, dyusko, dito naman sa U.S., 'pag inilagay mo ang mga damit sa washing machine, hindi mo na gagalawin hanggang matuyo! Ayun na lahat, hindi pa gusot. Nakikita nga ako ng future sister-in law-ko na nagkukusot ng sarili kong damit! Ha! Ha! Ha!

"Sabi niya, isama ko na lang sa mga damit nila at siya na raw ang maglalaba. Pero pasimple at patago pa din akong nagkukusot at naglalaba na kamay ang gamit ko. E, yun ang nakasanayan ko, e, ang magkusot ng mga labada! Ha! Ha! Ha! I want to prove na hindi nagkamali ang kuya niya," kuwento ni Klaudia.

Sinabi ni Klaudia na very close kay Andy ang younger sister nito. Kaya naman naging close rin siya sa sister ni Andy.

"Tinanggap naman ako ng family ng fiancé ko. Pinakikisamahan nila ako nang mabuti. Lagi nila akong pinagluluto. Bago ako pumuntang Atlanta, kinausap ako ng fiancé ko. Kasi kabado ako at nag-aalala. Kasi first time ko humarap sa kapatid niya at close sa kanya at very protective ang kapatid niya na babae. Sabi sa akin ng fiancé ko, 'Pag hindi ka nila pinakisamahan at tinanggap, I will give them a hard time!' Sabi pa niya, 'Be confident, 'wag kang mahiya o matakot.'

"Binibigyan ako ng kung anu-ano ng kapatid niya bago ako umalis sa Atlanta, mga lipstick, pabango, at mga lotion. Ipinapakilala ako sa mga kaibigan niya. Ang daming kaibigan na gusto akong makita, kung ano daw ang hitsura ko, kasi daw maselang mamili ng babae ang kuya nila.

"First time ko na makita ang sister niya pero madalas na ako pumunta ng U.S. Last year pa, pangatlo ko na 'to. Pero first time ko ma-meet ang pamilya ng kapatid niya, na ang asawa ay Amerikano. Kaya basta ang ginawa ko lang ay makisama, makihalubilo, hindi ako nag-inarte o nagtatamad-tamad. Kasi hindi uso ang tamad dito. Kaya kung naghuhugas sila ng pinggan, naghuhugas din ako.

"Nung wala pa yung kotseng bigay ni Andy, 'pag gusto kong mamasyal, pinapahiram ako ng kotse ng sister niya. Kaso minsan, gusto ko mag-train para maging familiar ako sa city ng Atlanta. Ang lakas nga daw ng loob ko. Ganito naman ako 'pag nagta-travel. Magba-bus ako at magte-train. Kasi hindi ko ito nagagawa sa Pinas."

Ang parents naman ni Andy ay nasa China.

1  2  Next »

Related Articles

212 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name