news

(UPDATED) Gov. Vilma Santos-Recto to receive Ulirang Artista award from PMPC

by Mell T. Navarro posted on March 13, 2009  STATS: 396 Views | 167 Comments

Vilma Santos-Recto started as a child star, grew up as an award-winning actress and now is an outstanding public servant performing her duties as Governor of Batangas. She will receive the Ulirang Artista Lifetime Achievement Award this coming May from the Philippine Movie Press Club (PMPC).

Photo By: Noel B. Orsal

Ang Star for All Seasons at Batangas Governor na si Ms. Vilma Santos ang unanimous choice ng members and officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. ngayong taon, bilang recipient ng isang natatanging gawad—pagkilala sa isang tunay na alagad ng sining—ang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.

Every year ay ibinibigay ito ng nasabing entertainment writers' club sa kanilang PMPC Star Awards for Movies presentation, sa nararapat  tawaging "Ulirang Artista" ng Philippine show business.

Kabilang sa criteria ng Club para sa karangalang ito ay ang kanyang "outstanding body of work in film, remarkable achievements in Philippine Cinema, unquestionable credibility, impeccable reputation in the movie industry, integrity, and if she has touched the lives of the Filipino people from her humble beginnings up to her present status."

Masasabing espesyal ang pagpaparangal na ito sa multi-awarded actress na si Vilma Santos, dahil nagkataong Silver Anniversary (25 years) ngayon ng PMPC. 

Just last week sa general meeting ng PMPC, may iba pang mga na-consider na mga batikan at beteranong aktor at aktres para sa Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.

At tulad ng laging nangyayari taun-taon, may demokratikong delibration among the  PMPC officers and members, kung sino ang gusto nilang i-nominate. Ang pangalan na nga ni Ate Vi ang lumabas na halos unanimous choice.

Ang kauna-unahang recipient ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay si Ms. Anita Linda noong 1987. Wala pang ganitong category mula 1984, ang birth year ng PMPC Star Awards for Movies, hanggang 1986.

Ang iba pang past Ulirang Artista honorees ay sina: Dolphy, Eddie Garcia, Joseph Estrada, Susan Roces, Ramon Revilla Sr., Armando Goyena, Boots Anson-Roa, Perla Bautista, Eddie Rodriguez, Charito Solis, Armida Siguion-Reyna, Gloria Romero, German Moreno, Chichay, Gil de Leon, Leopoldo Salcedo, Alicia Vergel, Mona Lisa, at Rosa Rosal.

Last year, ipinagkaloob ang parangal na ito (posthumous) sa namayapang actor-producer na si Rudy Fernandez. Tinanggap ito ng kanyang kapatid sa awards night sa Ateneo University Theater noong June 27, at nagkaroon ng delayed telecast sa ABS-CBN noong June 30.

Last March 10 nang gabi, pagkatapos ng taping ni Governor Vi ng Deal or No Deal (last episode) sa ABS-CBN studio, personal na inabot ng ilang PMPC officers (headed by president Roldan Castro) ang formal letter informing her of the recognition.

"Wow, nakakatuwa naman ang balitang 'yan," masayang bungad ni Vilma, habang binabasa ang formal letter.  "Pagkagaling namin sa U.S., sige, magsu-shoot na kasi kami... Kelan ba ito? 'Wag lang Linggo please dahil di ako puwedeng ma-late sa flag ceremony sa amin (Batangas) ng Monday morning," dagdag niya, na inoohan naman agad ng PMPC representatives at aayusin ng mga ito ang schedule, ayon sa availability ng mahusay na aktres.

Tuwang-tuwa si Governor Vi sa nasabing mataas na karangalan, nag-congratulate pa siya sa grupo for its 25th year, at masayang kinumpirmang darating sa Gabi ng Parangal upang personal na tanggapin ang kanyang trophy.

"Congrats sa inyo dahil Silver na pala kayo... Yung Oscars, nakakatuwa nung napanood ko, talagang sa pagbanggit ng nominees sa major categories, in-invite nila ang past winners, di ba? Ang ganda! Talagang mararamdaman mo yung respeto sa kapwa artista nila," comment pa ni Vilma, na tila nais nitong ipahayag na sana'y gano'n din ang respetong igawad sa mga tunay na artista sa Pilipinas, sa mga okasyong tulad nito.

Sa personal na pagtanggap na yun ni Governor Vi, nagsipalakpakan pa nga ang PMPC representatives sa tuwa. Nang iparating ng PMPC sa production team headed by Director Al Quinn ang mainit na pagtanggap ni Gov. Vi sa parangal ay natuwa silang lahat.

Si Vilma Santos ay isa nang haligi ng movie industry at hindi matatawaran ang nagawa niyang mga kontribusyon sa daigdig ng pelikula. 

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

167 Comments

  • 167  batobatosalangit

    04/09/2009 | 01:45 PM
    Gagamitin na naman si Vilma Santos para maibalik lang sa limelight ang walang himalang nilalang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 166  philgem

    04/03/2009 | 08:30 PM
    hintayin natin ang sasabihin ni vilma as per instructed by the pmpc REGARDING HIMALA. huwag naman sanang masamid. he he he. sports naman si vilma i think, owww? ano kaya ang nakasulat sa citation, cool lang kayo mga vilmanians, nasa inyo na ang tropeo noon, panahon ito ng himala. huwag mapipikon pero kung ako tatanungin at ang mga naniniwala, tiyak sasabihin nila, mas masarap ito kesa sa grandslam. he he he
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 165  philgem

    04/03/2009 | 08:23 PM
    kailangang tanggapin ng lahat na natagpuan na ng himala ang kanyang lugar sa kasaysayan ng showbiz. MASARAP LASAHAN ITO dahil na matatahimik si bernal hanggat hindi nagaganap ang katarungan para sa pelikulang hindi kinilala noon. walang dapat sisihin, nakahihinayang lamang, sapagkat ang kinikilalang mahusay noon ay iyong masalita. subukang ngayon natin pagsabayin ang relasyon at himala, tiyak na maiiwan ang relasyon. mahusay si vvilma sa paningin noon, pero hindi ngayon. ngayong bibigyan ng pmpc ang himala ng special recognition, mapipigilan na ang pagbangon ni bernal sa hukay. tunay na natagpuan na ng himala ang nararapat sa kanya. anuman ang mga katwiran noon, ito na ang pinakamalaking tagumpay ng himala at ng isang pinoy movie sa kasaysayan ng pelikulang pilipino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 164  philgem

    04/03/2009 | 08:14 PM
    ang himala lang ang nag-challenge sa lahat ng movies sa philippines. ma-pa pelikula noon o ngayon. tanggapin na lang na may pagmumulat na nagaganap sa bawat panahon, sinasabi na HIMALA WAS AHEAD of its time sabi mismo ng direktor. THE RIGHT WORD NOW IS VINDICATION. tHE Vilma camp will not accept this, pero sa ayaw man nila at sa hindi, ito lang ang pelikulang naghanap ng panahon para patunayan ang malapropetikong sinabi ni BErnal, na nauna sa kanyang panahon ang HIMALA, at ito nga ang kanyang panahon, TOTOOng mahusay sapagkat, the right recognition have been given already, sa kung sino ang mas mahusay, nora o vilma. MAS MASARAP ANG kakaibang PANALO ng himala kaysa sa panalo ng grandslam ni vilma. at alam ni vilma ito, it humbling para sa kanya lalo at siya pa yata ang maghost ng citation para sa HIMALA sa pmpc this year. NAKAKA-excite ito, dahil napa-interesting ang mga bibitiwang salita para karangalan ng HIMALA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 163  oscar

    04/01/2009 | 07:45 PM
    walang sense of correct judgement ang magsasabing talo ni aling ve ang pagganap na pinamalas ni nora aunor sa himala over relasyon...wala sa KALINGKINGAN ang husay ng himala sa relasyon...kahit pa tanungin niyo ang CNN!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 162  oscar

    04/01/2009 | 07:42 PM
    bakit siya...bakit hindi si Helen Gamboa...o kaya ay si Gloria Romero....o kaya ay si Nova Villa....dahil ba siya ay isang gobernadora...ito talgang mga Star Awards people, pera pera talaga ang labanan...mas madali nga namang lumapit ngayon kay gob.Vi dahil sa award na ibibigay nila..tsk tsk tsk...wala akong nakikitang qualification para ibigay sa kanya ang award...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 161  batobatosalangit

    03/16/2009 | 12:35 AM
    Thanks busero 150
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 160  busero

    03/15/2009 | 04:33 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 159  busero

    03/15/2009 | 04:24 PM
    mrfreeze

    Peace! Ako man nabanggit ko din si ate Guy sa mga comments ko kasi magaling din naman talaga sya.

    Idol mo si Nora at idolo naman namin si Vilma na magkumare naman sa totoong buhay.

    RESPETUHAN NA LANG
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 158  mrfreeze

    03/15/2009 | 01:37 PM
    I also remember nang may magpromote nang pelikula sa show niya, kasama si Matet na bata pa. Vilma asked Matet kung anong regalo ang gusto niya, I forgot the occassion, birthday maybe. At eto pa, minsan daw ay nagkasakit si Nora at dumalaw si Vilma, hiling daw ni Nora na lumabas si Vilma sa movie ni Matet, pumayag daw si Vilma at di nagpabayad. Role yata ni Vilma dun ay multo or alien, ang tagal na kasi nang mapanood ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 157  mrfreeze

    03/15/2009 | 01:30 PM
    Peace na, di ako against kay Vilma, she is really a good person. In fact bumilib ako sa kanya when she approached Nora sa Film Academy ba yun? I forgot what movie pero pareho silang may entry. She congratulate Nora and Nora replied, salamt mare, I love you talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 156  mrfreeze

    03/15/2009 | 01:26 PM
    Sige na nga, talo talaga ni Vilma si Nora sa Relasyon. Kung iyan ang makapagpapaligaya sa inyo. Pero aminin, totong madalas walng pelikula si Nora sa buong taon, pero sa mga taon na pareho silang may entry, mas maraming beses na tinalo ni Nora si Vilma sa best actress kaysa tinalo ni Vilma si Nora. Dahil sa halos best actress ni Vilma ay walang entry si Nora. Winner by default ika nga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 155  mrfreeze

    03/15/2009 | 01:17 PM
    139
    blueapple
    March 15, 2009
    07:13 AM

    mrfreeze hindi naman kasalanan ni Vilma kung nalaos si nora at walang pelikula. hayan pati sa box-office reigning supreme pa din ang kumare ni nora.
    ===================================
    Alam mo blueapple, mas bitter ka pa sa akin. May sinabi ba ako na di deserving si Vilma sa Award niya na Urirang Artista? Review mo nga ang mag comments ko. I just reacted dahil may mga Vilmanians dito na gsutong ipull down si Nora, I don't know why at pati name niya nabanggit pa nila. Mag-isip nga kayo kung bakit mas sikat ngayon si Vilma, mas sikat ngayon si Sharon kay Vilma, at mas sikat naman si Sarah kay Sharon. Why? Dahil iyong mga nauna ay pabalik na, d naman sila ang laging nasa itaas. According to showbiz history, 1969 nang sumikat ng todo si Nora, si Vilma ay late seventies na at si Sharon ay eighties.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 154  batobatosalangit

    03/15/2009 | 11:47 AM
    Nandun din daw sa DOND episode na yun daw sila Ryan Christian Recto at si Luis Manzano. Nandun rin kaya si Angel Locsin?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  batobatosalangit

    03/15/2009 | 11:46 AM
    Kasama daw ni Ate Vi si Sec. Ralph sa KDOND episode na yun daw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 152  batobatosalangit

    03/15/2009 | 11:45 AM
    BTW, sino nakakaalam kung kailan ipapalabas ang KDOND ni Ate Vi?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 151  batobatosalangit

    03/15/2009 | 11:44 AM
    Tama ka busero
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  busero

    03/15/2009 | 11:12 AM
    mrfreeze

    Sana hwag kang mabuhay sa nakaraan. matagal na yun. At ang katotohanan na walang lumabas na ganyang balita o kuro-kuro noong manalo si Vilma Santos sa lahat ng awards that year.

    Ang natatandaan ko lang, mga comments lang din ng mga Noranian kasi nga di nila matanggap ang pagkatalo ni ate Guy sa ate Vi ko.

    Move on, panahon na ni Sarah Geronimo at Marian Rivera ngayon.

    Great history na yung first ever Grand Slam ng star for all seasons.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 149  blueapple

    03/15/2009 | 07:13 AM
    mrfreeze hindi naman kasalanan ni Vilma kung nalaos si nora at walang pelikula. hayan pati sa box-office reigning supreme pa din ang kumare ni nora.

    bakit sa CareHome ni nora ni hindi man lang siya nanalo sa kahit saang award giving body? akala ko ba lagi siyang Best Actress kapag may movie siya? mrfreeze hinay hinay sa pagyayabang. doon lang tayo sa katotohanan at may basehan.

    o siya sige sana nga matanggap mo na na TALO si Nora at panalo si Vilma sa Relasyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 148  mrfreeze

    03/14/2009 | 10:42 PM
    Sleep na ako blueapple. Sinabi ko na nga na deserving si Vilma na tumanggap ng award, di ka pa matahimik.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About