PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jed Madela to be a judge in the World Championships of Performing Arts in the U.S.

Jed suggests Frenchie Dy and Bituin Escalante as representatives.
by Alex Datu
Published Mar 14, 2009
Singer Jed Madela was invited to be a judge at the World Championship of the Performing Arts (WCOPA ) in Hollywood. The organizers also offered him a career in Hollywood. But Jed nixes the offer. "Napag-isipan ko kung anong naghihintay sa akin sa Hollywood kung tatanggapin ko ang mga inaalok sa akin noon pa. Siyempre, I will be starting from the bottom, mangangapa ako, kaya, why should I leave my career here na puwede natin sabihing very flourishing?"

Muling lilipad patungong U.S. si Jed Madela, hindi para tanggapin ang alok ng World Championship of Performing Arts (WCOPA) organizers na magsimula siya ng career sa Hollywood, kundi para maging isa sa mga hurado para sa darating na taunang pandaigdigang patimpalak na ito.

Sa pakikipag-usap ni Jed sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na album launching niya sa Eastwood City kamakailan, sinabi niyang mas gusto talaga niyang i-pursue ang career dito sa Pilipinas, kaysa tanggapin ang alok ng WCOPA na career management sa Hollywood.

"Napag-isipan ko kung anong naghihintay sa akin sa Hollywood kung tatanggapin ko ang mga inaalok sa akin noon pa. Siyempre, I will be starting from the bottom, mangangapa ako, kaya, why should I leave my career here na puwede natin sabihing very flourishing. Hihintayin ko na lang kung hindi na ako sikat, let's wait for the right time. Anyway naghihintay lang naman 'yong alok sa akin doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LINKED TO LAARNI. Pinabulaanan naman ni Jed na kaya ayaw nitong patulan ang alok sa kanya sa Hollywood ay dahil mayroon siyang ayaw maiwan sa Pilipinas, at ito ay walang iba kundi ang sinasabing "apple of the eye" niya ngayon na si Laarni Lozada.

Aniya tungkol dito, "We're just friends and both of us are busy. The last time we met was two weeks ago and we just said 'Hi'. Sobrang busy siya at ganun din ako sa promo ng aking bagong album."

FRENCHIE AND BITUIN. Hindi pa alam ni Jed kung sino ang mga ipadadalang representatives ng ating bansa sa international talent competition na ito, pero nang tanungin kung sino sa palagay niya ang karapat-dapat na ipadala, agad niyang nabanggit ang mga pangalang Frenchie Dy at Bituin Escalante.

"Bilib ako sa kanilang talent, they are the performers na hindi masyadong pinapansin pero pagdating sa performance sa stage, sa kanila na ang mundo, hawak na nila ang kanilang audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We have singers na talagang sumikat dahil sa kanilang kasikatan bilang artista, pero we have singers also na hinahangaan sa kanilang kahusayan sa pagkanta, sila yung totoong mga mang-aawit. Sila yung mga singers na kapag nasa stage na sila, hindi mo mapapansin ang laki ng stage kundi ang kahusayan nila sa pagkanta. Let's admit it, may mga singers tayo na mas napapansin ang maluwang na stage kasya sa kanilang pagkanta."

CHARICE IS NOT QUALIFIED. Tinanong ng PEP kung bakit hindi niya na-consider ang YouTube singing sensation na si Charice

"Bata pa kasi si Charice at iba na ang category niya ngayon, international na nga siya, e. Noon, napapanood ko siya at bilib din ako sa kanyang kahusayan sa pagkanta and I'm proud of her dahil sa ginagawa niyang pagdadala ng honor to the country. Malaki ang chance niya, but let's leave her to where she's now."

Jed is busy now sa promotion ng kanyang bagong album titled Jed Madela...Songs Rediscovered 2: The Ultimate OPM Playlist which carries 16 tracks of emotional and nostalgic songs. Ayon sa kanya, puro memories ang dala ng mga awiting nakapaloob sa album kaya may mga pagkakataong napapaiyak siya noong nire-record niya pa lang ang mga awitin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mga awiting nakapaloob sa album ay ang mga klasikong "To Love Again," "I Need You Back," "Give Me A Chance," "Friend Of Mine," "A Friend," "Can Find No Reason," "A Smile In Your Heart," "You," "Got To Let You Know," "I'll Always Stay In Love This Way," "Special Memory," "Let The Pain Remain," "Can't We Start All Over Again," "Hold On," "Maybe" and "Everyday."

Dalawang CD ang nakapaloob sa rectangular album package, ang una ay naglalaman ng mga kanta at ang ikalawa ay mga minus one ng nabanggit na mga kanta.

Read Next
Read More Stories About
Jed Madela, WCOPA
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Jed Madela was invited to be a judge at the World Championship of the Performing Arts (WCOPA ) in Hollywood. The organizers also offered him a career in Hollywood. But Jed nixes the offer. "Napag-isipan ko kung anong naghihintay sa akin sa Hollywood kung tatanggapin ko ang mga inaalok sa akin noon pa. Siyempre, I will be starting from the bottom, mangangapa ako, kaya, why should I leave my career here na puwede natin sabihing very flourishing?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results