Marian Rivera still has no label on real deal between her and Dingdong Dantes

Nora V. Calderon
Saturday, March 14, 2009 @ 06:37PM  |  39463 views

"Ganoon pa rin po, walang nababago, lumalabas kami, kumakain, nanonood ng sine kapag may oras na libre. Lagi po kaming masaya, laging magkausap, hindi po kami nawawalan ng topic na pag-uusapan kahit laging kami lang ang magkasama," says Marian Rivera on how she and Dingdong Dantes are getting along.

Photo By: Nora V. Calderon













Dinayo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang taping ng soap ng GMA-7 na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa napakalayong lugar, sa isang subdivision sa Baras, Rizal, kahapon, Friday, March 13. Malayo man, pagdating mo doon ay ang ganda-ganda ng scenery, malamig ang hangin at very warm ang pag-welcome nina Direk Joyce Bernal, Dingdong Dantes, at Marian Rivera. Naroon din sina Paolo Ballesteros at Francine Prieto.

THE BLIND ITEM. Nakausap ng PEP sina Dingdong at Marian habang nagsu-shoot ng ibang scenes si Direk Joyce with Jackielou Blanco and Mart Escudero. Marami kaming pinalinaw na intriga kay Marian. Isa na rito ay ang blind item na halatang siya ang tinutukoy; dahil daw sa pagmamaldita niya, ay natanggalan siya ng isang endorsement.

"Ah, iyon po bang Blue Water Spa?" nakangiting sagot ni Marian. "Natapos na po ang contract ko roon at tinanong ko nga po ang manager ko, si Momsie [Popoy Caritativo] kung hindi na sila magre-renew. Tuloy pa rin daw po ako, in fact, nagpadala na sila ng bagong kontrata. Pero hindi na po si Piolo [Pascual] ang makakasama ko, ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato na. Naghahanap na lang sila ng availability ng schedule ko para sa pictorial namin."

Ilan na ba ang mga endorsements niya?

"Bale 25 na po lahat, may tatlo pang bagong lalabas, isang health drink, isang sa pagkain, at isa pa na hindi ko pa po talaga puwedeng sabihin," dagdag pa ni Marian.

NO PROBLEM GETTING BATTERED. Napag-usapan naman ang taping nila ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Hindi ba siya nahihirapan sa mga eksena na halos nag-a-action na siya at madalas sinasaktan sa mga eksena?

"Iyon pong mga bugbog, okey lang po sa akin, ang nahihirapan po talaga ako sa paglalabas ko ng iba't ibang emotions. Iyong nagagalit, 'tapos iiyak, mahirap po. Pero salamat kay Direk Joyce, maayos ko pong nagagampanan ang mga eksena."

Pinansin namin na halos wala siyang makeup, at kahit si Dingdong ay haggard-looking din na tulad niya.

"Ito po kasi ang kailangan sa character namin. Minsan nga, pagdating namin sa set, fully made-up na ako, napagsabihan po ako ni Direk Joyce, na nakakulong na raw ako, ang ganda-ganda ko pa, gusto raw niya iyong mukha akong ngarag kasi nga iba-iba ang emotions na nararamdaman ko na inilayo ako sa kapatid ko, kay Ulysses [Mart] at nalaman ko pa na fake pala ang nanay ko sa story [Jackielou]. Marami, marami pa pong revelations sa story. Nasa seventh week pa lang kami, sixteen weeks po tatagal ang aming soap."

PAPA AND DONG. On a lighter side, malapit na ang April, ang month na sinasabing pag-uwi sa Pilipinas ng ama niyang nasa Madrid. Excited na ba siya at ipakikilala ba niya si Dingdong sa papa niya?

"Iyon nga po ang problema, baka hindi siya matuloy umuwi rito, hindi po niya maiwanan ang tatlong restaurants niya roon, kaya baka po ako na lang ang pumunta, para magkita kami at makabalik din ako sa Spain. Four years na po iyong last na nagkita kami ng papa ko, nang umuwi siya rito. Ang maganda po lang ngayon, halos araw-araw na nag-uusap kami sa cell phone.

"Nakakausap na po siya ni Dong, nag-uusap sila in English, Tagalog at Spanish, pero madalas po na hindi kami nagkakaintindihan, hindi na po kasi ako masyadong nakakaintindi ng Spanish. Pero tinatanong po niya ako kung bakit araw-araw daw ako nagtatrabaho, tuwing tatawag daw siya, nasa trabaho ako.

"Kaya nang minsang umuwi ako sa Cavite, pinatawagan ko siya kay Mama at nag-usap sila, in-explain niya kay Papa ang tungkol sa trabaho ko at sabi niya, i-enjoy ko raw kung ano ang ginagawa ko, pero important pa rin ang health ko."

If ever na pupunta siya sa Madrid, isasama ba niya si Dingdong?

"Ewan ko po sa kanya, kung gusto ba niya. Pero ang problema po talaga, kung kailan kami magkakaroon ng time. Maybe pagkatapos po ng taping namin nito o sa Holy Week sana, kung papayagan nila ako, kahit po one week lamang. Kaso, kung minsan, kung wala man po akong taping, may iba naman akong commitment na hindi naman puwedeng hindi ko puntahan."

1  2  3  Next »

Related Articles

881 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name