Dinayo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang taping ng soap ng GMA-7 na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa napakalayong lugar, sa isang subdivision sa Baras, Rizal, kahapon, Friday, March 13. Malayo man, pagdating mo doon ay ang ganda-ganda ng scenery, malamig ang hangin at very warm ang pag-welcome nina Direk Joyce Bernal, Dingdong Dantes, at Marian Rivera. Naroon din sina Paolo Ballesteros at Francine Prieto.
THE BLIND ITEM. Nakausap ng PEP sina Dingdong at Marian habang nagsu-shoot ng ibang scenes si Direk Joyce with Jackielou Blanco and Mart Escudero. Marami kaming pinalinaw na intriga kay Marian. Isa na rito ay ang blind item na halatang siya ang tinutukoy; dahil daw sa pagmamaldita niya, ay natanggalan siya ng isang endorsement.
"Ah, iyon po bang Blue Water Spa?" nakangiting sagot ni Marian. "Natapos na po ang contract ko roon at tinanong ko nga po ang manager ko, si Momsie [Popoy Caritativo] kung hindi na sila magre-renew. Tuloy pa rin daw po ako, in fact, nagpadala na sila ng bagong kontrata. Pero hindi na po si Piolo [Pascual] ang makakasama ko, ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato na. Naghahanap na lang sila ng availability ng schedule ko para sa pictorial namin."
Ilan na ba ang mga endorsements niya?
"Bale 25 na po lahat, may tatlo pang bagong lalabas, isang health drink, isang sa pagkain, at isa pa na hindi ko pa po talaga puwedeng sabihin," dagdag pa ni Marian.
NO PROBLEM GETTING BATTERED. Napag-usapan naman ang taping nila ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Hindi ba siya nahihirapan sa mga eksena na halos nag-a-action na siya at madalas sinasaktan sa mga eksena?
"Iyon pong mga bugbog, okey lang po sa akin, ang nahihirapan po talaga ako sa paglalabas ko ng iba't ibang emotions. Iyong nagagalit, 'tapos iiyak, mahirap po. Pero salamat kay Direk Joyce, maayos ko pong nagagampanan ang mga eksena."
Pinansin namin na halos wala siyang makeup, at kahit si Dingdong ay haggard-looking din na tulad niya.
"Ito po kasi ang kailangan sa character namin. Minsan nga, pagdating namin sa set, fully made-up na ako, napagsabihan po ako ni Direk Joyce, na nakakulong na raw ako, ang ganda-ganda ko pa, gusto raw niya iyong mukha akong ngarag kasi nga iba-iba ang emotions na nararamdaman ko na inilayo ako sa kapatid ko, kay Ulysses [Mart] at nalaman ko pa na fake pala ang nanay ko sa story [Jackielou]. Marami, marami pa pong revelations sa story. Nasa seventh week pa lang kami, sixteen weeks po tatagal ang aming soap."
PAPA AND DONG. On a lighter side, malapit na ang April, ang month na sinasabing pag-uwi sa Pilipinas ng ama niyang nasa Madrid. Excited na ba siya at ipakikilala ba niya si Dingdong sa papa niya?
"Iyon nga po ang problema, baka hindi siya matuloy umuwi rito, hindi po niya maiwanan ang tatlong restaurants niya roon, kaya baka po ako na lang ang pumunta, para magkita kami at makabalik din ako sa Spain. Four years na po iyong last na nagkita kami ng papa ko, nang umuwi siya rito. Ang maganda po lang ngayon, halos araw-araw na nag-uusap kami sa cell phone.
"Nakakausap na po siya ni Dong, nag-uusap sila in English, Tagalog at Spanish, pero madalas po na hindi kami nagkakaintindihan, hindi na po kasi ako masyadong nakakaintindi ng Spanish. Pero tinatanong po niya ako kung bakit araw-araw daw ako nagtatrabaho, tuwing tatawag daw siya, nasa trabaho ako.
"Kaya nang minsang umuwi ako sa Cavite, pinatawagan ko siya kay Mama at nag-usap sila, in-explain niya kay Papa ang tungkol sa trabaho ko at sabi niya, i-enjoy ko raw kung ano ang ginagawa ko, pero important pa rin ang health ko."
If ever na pupunta siya sa Madrid, isasama ba niya si Dingdong?
"Ewan ko po sa kanya, kung gusto ba niya. Pero ang problema po talaga, kung kailan kami magkakaroon ng time. Maybe pagkatapos po ng taping namin nito o sa Holy Week sana, kung papayagan nila ako, kahit po one week lamang. Kaso, kung minsan, kung wala man po akong taping, may iba naman akong commitment na hindi naman puwedeng hindi ko puntahan."





mgrd
March 15, 2009
22:24 PM asidik
its not enough to say mr had nothing to do with it,dd should say the true reasons and maybe who is involved
-----
they already answered that question, dd and k. what more do you want? you want more probing because of what? put the blame on someone else other than dd and k themselves? think about it. :D
its not enough to say mr had nothing to do with it,dd should say the true reasons and maybe who is involved
just accept the fact that ur idol no longer shines the brightest among her contemporaries. her glory days are over.
And who are you calling quot;noobquot;? Eh it's people like you who are closed minded about what is really going on. She used to be on top but now it doesnt matter what time slot GMA put her in, her ratings remain the same. Is that too hard to swallow, you jerk? lol
naramdaman mo rin ba ang sinbi ni yummy bear sa mga fans niya...napansin mo b noong magsasalita n siya tungkol sa mga fans niya yung mata niya maluhaluha..alm mo lalo ko siyang minahal ng sobra...
mgrd
March 15, 2009
15:17 PM paging dd magsulat ka sa broadsheet, ipakita mo na hindi kalang artista pwedi ka rin pulitiko sa taglay mong talino sayang naman kung hindi mo maibahagi sa bansa natin. at siyempre upang maibigay mo ang panig ni mr sa mga bumabatikos at nagbabalita ng mali at walanmg basehan. marami akong kakilala na dati ay gusto sya pero ngayon sila ay naniniwalang mang aagaw ng bf. pwedi mo maalis sa kaisipan ng mga tao ang mga maling balita sa paghihiwalay nyo ni k. magpakatotoo kana sabihin mo na ang tunay na dahilan. be man enough. hanggang d mo sinasabi, mananatiling hahamakin si mr.
---
aba eh, parang andun yung mga kaibigan mo nang nag-u-unfold ang paglalayo nina dd at k. sino ba ang paniniwalaan, yung mga amuyong na wala naman dun o si dd at k na nagsabi na na walang kinalaman si mr? duh! if they don't get it, help your friends with how to think soundly. take it slow, bec they might be a bit slow na rin, at hindi yan panalalait sa kanila
/
maigsi lang talaga ang story kaya hanggang may lang sya ..wag kayo mabahala dahil may kausnod na project sila ulit..
nakakatawa naman ang iba dito negative masyao..bakit ganun na lang ba kyo inggit sa kanilang dalawa???
touch si yan at dong kanina sa showbiz central at andun ako sa sop kanina...stop saying negative things like laos or disappointed ang GMA..kung disappointed sila di nila bibigyan ng project ang dongyan kaya please lang ibaon na ang pagkainggit at hatred sa kanila dahil sikat na sikat sila hanggang ngayun...
try to read agin my posts.I don't believed mr was the 3rd party.my friends believed it, coz they were not convinced. they watched marimar and dyesebel b4.MR's showbiz detractors keep pointing mr as the 3rd party.The lack of mr defenders paved the way for people to believed her detractors. as a result OTL was only a mild hit. it should have outgrossed the highest earned movie last year. and now,abhsat didn't faired as expected. for as long as dd would not clear the name of mr in their break up, mr will still an easy prey for all her detractors. although mr will still be active in showbiz, her star could have more were if not for dd/k break up.I'm a dd fan b4, now a dd/mr fanatics. after showbiz politics will be dd's next target.it's good that at this early stage dd can show to the fil people that he has what it takes to be future politician. having a colmmn in a broadsheet is one. He can not only speak his mind but also protect mr and himself from their detractors.Good pen againts evil pen. now
Take care, Yummy! Love you and God bless you more! :D