Ang eyebags lang ang sign na puyat si Marian Rivera nang humarap sa press kaninang tanghali para magbigay ng update sa mga pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang araw. Pero kahit may eyebags, hindi pa rin nasira ang ganda ng actress at masaya rin itong nakipagkuwentuhan sa press, kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal).
Alas-singko ng umaga ng Sabado nakauwi si Marian mula sa taping ng "safe house" scene sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at alas-onse ng umaga hanggang ala-una ng hapon, nakipagtsikahan siya sa mga reporter. Dumiretso siya sa rehearsal ng S.O.P. at pagkatapos noon, saka pupunta sa branch ng Karimadon sa Robinson's Galleria para sa isang ribbon-cutting ceremony. Pagkatapos noon, saka pa lang siya magpapahinga para paghandaan ang guesting sa S.O.P. bukas. Sa Lunes, ratsada na naman siya ng taping ng Ang Babaeng... sa dini-develop na resort pa rin sa Baras, Rizal na two hours ang biyahe.
Idi-describe muna ng PEP ang ayos ni Marian kanina para may idea kayo ng kanyang hitsura. Very minimal ang makeup nito na siguradong gawa ng ini-endorse niyang Natasha Beauty products ang ginamit.
Karimadon ang suot na damit, ayos-Proserfina (character niya sa Ang Babaeng...) ang buhok, white with silver trimmings ang Chanel sandals na suot na worth P50,000 at suot ang diamond-studded Christmas gift ni Dingdong Dantes na eternity bracelet.
Ang Chanel sandals ang isa sa footwear na binili ni Marian last December at Christmas gift niya sa sarili. Nakita na rin naming suot niya ang Louis Vuitton black shoes na ayaw naman niyang sabihin ang presyo.
Sa naunang artikulo tungkol kay Marian, sinabi nitong sinabihan na siya ng manager niyang si Popoy Caritativo na siya pa rin ang endorser ng Blue Water Spa (click here to read related article). Pero nito ngang mga nakaraang araw, umugong ang usap-usapang talagang pinalitan na si Marian.
Hindi naman nakausap ng PEP si Popoy dahil nasa Cebu City ito at sinamahan si Dennis Trillo, pero sa kanya aalamin ng PEP ang katotohanan sa isyung ito. Sa press lang nalaman ni Marian na si Karylle ang ipinalit sa kanya at makakasama na ni Piolo bilang endorser ng spa.
Usapang endorsement pa rin, noong isang araw, nag-shoot si Marian ng TVC ng isang produkto na dati na niyang in-endorse at muli siyang kinuhang endorser. Any day now, lalabas na ang TVC na ito at susunod sa April ang labas ng TVC ng bago niyang endorsement na bawal pang sabihin kung ano, pero ang clue ay may kinalaman sa pagkain.
TV SPECIALS. Rason pa sa pagharap ni Marian sa press ay para ibalitang ipalalabas na sa March 22, ang GMA News and Public Affairs Global Recession Special na Walang Pera. Siya ang papapel na Juana dela Cruz na biktima ng recession.
"Dalawang araw rin akong nag-taping sa iba't ibang locations at kung anuman ang rason na kinuha ako ng GMA-7 na isama kay Mike Enriquez, natutuwa ako. Ni-request nila ako at okey naman ang project."
Sa Black Saturday, sila ni Dennis Trillo ang tampok sa Lenten special ng APT Entertainment na mapapanood sa April 11. Pinamagatang Sugat ng Kahapon ang special kung saan kasama nila sina Gardo Versoza at Perla Bautista. Matutuwa nito ang viewers ng Kapuso network na matagal nang nagre-request na mapanood sila sa telebisyon na nagda-drama.
Kahit may katagalan pa, ibinalita na rin ni Marian na ang next soap niya sa Channel 7 ay pambata na uli.
"Hindi pa sinasasabi sa akin ang project, pero pambata na uli at yun ang gusto ng fans. Okey nang na-try namin ni Dingdong na kaya namin ang matured role, balik kami sa pambatang project next time para mas marami ang masaya."
Ano ang mga napatunayan niya sa pagganap sa role ni Proserfina?
"Marami, gaya nang kaya ko palang mag-action at puwede rin ako sa comedy. Kaya ko rin palang magsuot ng sexy dresses na hindi ko ginagawa dati. Kumportable na rin akong naka-shorts dahil dati, ang feeling ko, hindi ako bagay mag-shorts, pero after Ang Babaeng..., kaya ko na pala."






Kazandra
March 15, 2009
18:44 PM
Ngeek TNS.. Ang TNS ay kinuha ang service MORES to cinduct TV ratings at ang chairman ng MORES ay si Alden Castaamp;37777;da, vice president/ABS-CBN Broadcasting Corp.; at si Gary de Ocampo, PRO general manager/TNS Philippines. di ba ang galing ng Tandem...
i hate blue water day spa na tuloy! hahaha!
masarap...
hehehehe...
labas na ako.
bagay na bagay din pala si marian ke dennis, naku baka sila pa magkatuluyan niyan...
makalabas nga at bumili ng balot...
naglalaway na kasi ako sa balut eh lalo na pagka me sili ang suka...
khiamme
March 15, 2009
18:40 PM
yong ang mga taong super duper inggit kay MR.. peru tingnan mo kahit anong lait nila wa effect, mas lalo pang nadagdagan ang fans ni MR,,, kasama na ako dun... pati nga nanay ko fans rin nya.. yong AUNT ko na nasa US and Australia gustong-gusto si Marian.. Basta MR hanggat palaging kang magpakatotoo at di lalaki ang ulo mo nandito kami para sau... WE LOVE YOU SO MUCH.. mwaaahhhhhhh
elo elo hehehe. Sige out muna ako, may puntahan lang sa mall hehehe.
Yes I agree. Marian dapat ipair naman sa ibang leading man.
president pala. Mas gusto ko yung malaya akong makapagcomment at walang magsasabi na kasi ganito ganun hehehe.
ping babasehn nu ang english,FYI mga taong marunong mg english pero di marunong sumagot.....
np wow ako sa mga sagot nya tlagng professional ka marian........
thingking of Akihiro Sato? hmm yummy swerte mo marian
Ngek. Ayoko maging presideng ng any fans club hahaha. Basta I will just give comments.
Besides may work ako at yung raket ko na legal sympre hehehe eh baka panay seminar or meeting so baka 12 na ako makauwi eh di rin ako makapag internet.
Sa office pwede ako makacomment pag di busy hehehe.
Mas ok yung walang obligation or responsibilities para wala akong inhibition pag mag comment hehehe.
Kaysa may ganun pa eh may reservation ka kung ano sabihin mo mo hehehe.
simplynora
March 15, 2009
18:27 PM timang kapalmuks
hehehe, pang asar ko lang yan sa mga taong ayaw kay...MR...
...
hehhhehe... di naman siguro maisip ni MR na lumipat sa Frozen station..... peru kung lilipat man sya dalawa na sila ni Angel Laosin dun...
hehehe, pang asar ko lang yan sa mga taong ayaw kay...MR...
simplynora
March 15, 2009
18:20 PM mga bitter lang mga kapamilya kay Marian, hayaan ninyo baka mag ala Angel den sya, mapunta sainyo...hehehehe...
...
kung mangyari yon,, im sure magsisi si MR if lilipat sya sa Frozen Station... at todo puri naman ang mga chewers na kesyo magaling na umarte si MR... etc..etc..hahhahah