Umpisa pa lang ng 2009 ay maingay nang pinag-uusapan ang diumano'y pagtakbo ni Senator Bong Revilla bilang vice president ng bansa sa 2010.
But these past few days, tila apprehensive na si Bong na ituloy ang kanyang unang plano. Ito raw ay dahil na rin sa kahilingan ng kanyang maysakit na ama na si dating Senator Ramon Revilla Sr.
Sa ginanap na 82nd birthday ng ama, nagpaliwanag si Bong tungkol sa bagay na ito sa panayam sa kanya ng Showbiz Central.
Ani Bong, "Actually, sa totoo lang, daddy ko ang pumipigil sa akin sa pagtakbo ko bilang bise presidente kaya medyo nag-slow down ako. Sabi niya, 'Anak, you're still young. Gusto ko, senador ka lang. Bata ka pa, huwag kang magmadali.'
"Kaya siguro, napansin n'yo, medyo nag-lie low ako sa pangangampanya ng VP. Siya talaga ang nagsabi. Ayaw niya, gusto niyang makasigurado ng panalo kasi one-on-one 'yan.
"Sabi niya, 'You're still young, you don't need to rush, anak.' Tapos, umiiyak siya. Kaya nakakapangilabot. So, I'll still run as senator. I'm still young and I'm willing to wait," saad ng actor-politician.
Ayon kay Bong, kahit daw maysakit na ang kanyang ama, nandoon pa rin ang willingness nito na makapaglingkod sa publiko. Matatandaang na-stroke si Senator Revilla noong nakaraang taon habang nagpapa-check-up.
"Sabi niya, magreregalo siya ng half hectare na lupa para tayuan ng hospital. Kaya nagulat kami. Bilang pasasalamat niya sa mga Caviteño, bilang nagsimula siya sa Cavite Pictures hanggang naging Imus Productions at nakapasok siya sa pulitika, utang niyang lahat sa Caviteño.
"Kung makikita n'yo siya, makikita n'yo yung will niya na mabuhay at makatulong. That's why I'm very thankful kay God na binigyan pa siya ng mahabang buhay pa. Ang sabi nga niya, 'Isa lang ang wish ko ngayon, sana makalakad na ako.' So, sana, ipagdasal natin na makalakad pa siya at humaba pa ang buhay niya," pahayag ni Bong.