"Itatanong ko lang sa mga nagsasabi niyan, alam ba nila kung kailan mangayari itong nangyari kay Francis? Alam ba nilang mayroon kaming napag-usapan ni Francis before na sinabi ko sa kanya na time will come for him, pero hindi ko in-expect na mangyayari ito? Tapos nga, nangyari ito," says German "Kuya Germs" Moreno.

Photo: Noel Orsal

Last March 6 ay pinagluksa ng buong industriya ang pagpanaw ng Master Rapper na si Fancis Magalona. Hindi man kinikilala pa bilang isang National Artist, pararangalan naman ng Presidential Medal of Merit ng Malacañang si Kiko sa Wednesday, March 18, dahil sa kontribusyon nito sa larangan ng musika at telebisyon.

Samantala, pinupukol ngayon ng batikos at pagpuna si German "Kuya Germs" Moreno kung bakit ngayon lang daw niya naisipang isama si Francis sa Walk of Fame sa Eastwood kung kailan patay na raw ito.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kuya Germs sa second anniversary ng Parade of Stars sa Mowelfund ay hiningan namin siya ng komento sa batikos na ito sa kanya.

"Itatanong ko lang sa mga nagsasabi niyan, alam ba nila kung kailan mangayari itong nangyari kay Francis?" buwelta ng veteran TV host. "Alam ba nilang mayroon kaming napag-usapan ni Francis before na sinabi ko sa kanya na time will come for him, pero hindi ko in-expect na mangyayari ito? Tapos nga, nangyari ito. Gusto ko nga yung presence na nandun ka, tulad nung nilagay ko ang mga parents niya, sina Tita Duran at Pancho Magalona, siya yung buhay, so siya yung nag-represent. 

"Last December, in-invite ko siya, pero hindi siya nakapunta. Tinanong niya ako, 'Ako, kailan mo ba ako ilalagay?' Sabi ko, 'Time will come.' Ngayon, nangyari ito, sasabihin ko ba, 'Pag namatay ka, ilalagay kita'?  Hindi ko sinabi yun. 

"Sana yung mga nagsasabi ng ganyan, isipin naman nila kung ano ang mga sasabihin nila. Kung mayroon silang maitutulong, okey. Kung gusto nila, lahat ng mga artista, bahala sila, pero sila ang mag-finance. Ang sakit pakinggan, di ba?

"Ako, ayoko naman na maging ganun. Ako, sinu-shoulder ko ito, hanggang kakayanin ko, gagawin ko. Ako lang ang gumagawa nito, pero tumulong sila, hindi sa pamamagitan ng ganyang pagbabalita. Huwag tayong magmagaling," pahayag ni Kuya Germs.

FOR THE STARS. Dati pa ay naging honest na si Kuya Germs na sumama ang loob niya kay Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista dahil sa hindi nito pagtulong sa isang proyekto na isinusulong ng TV host na may kinalaman sa movie industriy. Nagkita at nakapag-usap na ba sila ni Bistek pagkatapos ng nangyari?

"Hindi pa kami nagkikita o nakakapag-usap," sagot ni Kuya Germs. "Hindi naman ako nagagalit, kundi tampo, yun ang word na ginagamit ko. Sana lang kasi, pag tumatawag ka, sumagot sana sa cell phone. Wala, e, ni ha, ni ho. Kaya nga tayo may cell phone para sa communication 'yan, e, sagutin lang. You go to the secretary, ganun din, ni ha, ni ho, wala. 

"Last December, nilagay ko yung pangalan niya sa Walk of Fame. I was expecting na darating siya, pero walang dumating. Later on, napag-alaman ko na nasa China. Madali lang naman mag-note ng sorry, out of the country. Ang alam kong dumating ay si Romnick [Sarmenta] nang biglaan, nahiya siguro."

May mga artistang sumusuporta naman daw sa magandang adhikaing ito ni Kuya Germs, pero marami rin daw ang hindi at parang wala lang sa kanila ang panawagan ng TV host-talent discoverer.

"Hindi naman sama ng loob kundi tampo lang na you give them importance, pero sila in return, ano ba? Hindi ka naman humihingi ng kahit na ano. Sana lang makita nila kung ano ang ginagawa ni Kuya Germs. This is not for myself, kundi para sa mga kinilala mong kapatid, anak sa industriya na ito.  

"Let's face it, yung mga humahanga, yung mga followers, ano ang makikita nila pag nawala na ang isang artista? May lugar ba para makita natin yung mga memorabilia na tinatawag? Di ba, wala? Ako, kumakayod ako pero wala namang pumapansin. Yung kaunting kinikita ko, sine-share ko sa ganitong paraan," pagtatapos ni Kuya Germs.