Katrina Halili inspired to work harder because of her two houses


"Mas lalo akong naging matapang. Mas lalo akong naging matatag. Kasi dati, kapag wala akong work, wala na, uwi na lang akong Palawan. Ganoon lang ang pag-iisip ko, sobra... Pero ngayon, mas gusto kong lumaban. Mas naging matatag ako at mas nagkaroon ako ng pangarap sa buhay ko," says Katrina Halili.

Katrina Halili inspired to work harder because of her two houses

Rose Garcia

Rating

Live na nag-guest si Katrina Halili sa Showbiz Central kahapon, March 15. Si Raymond Gutierrez ang nag-interview sa kanya.

 

Si Katrina na yata ang isa sa pinaka-controversial young actress ngayon dahil sa pagkakasangkot niya sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

 

Sa lahat ng ito, pinipilit ni Katrina na maging matatag, lalo pa nga't kasabay raw ng kanyang pagmu-move on ay ang bago niyang inspirasyon—ang bago niyang bahay.

 

"Actually, hindi naman dahil sa isyung yun," paglilinaw ni Katrina. "Nagpapagawa naman po talaga ako ng bahay. Tapos na siya, dun sa farm, may bahay na. Gawa na. Tapos ngayon, kumuha po ulit ako ng bahay sa may New Manila."

 

So, you have two houses?

 

"Oo, sa Palawan at saka dito."

 

Yun ba ang inspiration mo to work harder?

 

"Opo. Actually, kahit tanungin n'yo po yung iba, dati sinasabi, bakit ka nagre-rent? Kasi, five years na po akong nagre-rent, pero ayokong bumili ng bahay. Kasi sinasabi ko na anytime, kapag wala na akong work, gusto ko nang umuwi ng Palawan. Gusto ko na dun. Doon na lang ako magtatrabaho. Pero ngayon, bumili ako ng bahay. Binigyan ko ang sarili ko ng inspirasyon. Kaya kailangan kong mag-work. Hindi pa ako puwedeng mag-retire."

 

But would you say, it's part of moving on kasi sa girls, kapag nadi-depress, they go shopping. So, ikaw, talagang big time lang, bahay ang binili mo?

 

"Hindi naman!" natatawang sabi ni Katrina. "Kasi ako, yung pinagtatrabahuhan ko, yung pinaghihirapan ko, nakikita ko. Mawalan man ako ng work, at least, may bahay na ako. May kotse na ako, happy na ako."

 

Before the holiday season, during holidays and New Year and until a few weeks ago, yung pangalan mo, sangkot talaga sa isang napakalaking controversy. Was there ever a time that in the past few months, you wanted to quit?

 

"Actually, noong dumating yung isyu na yun, aminin ko na, kaya ako bumili ng bahay, mas gusto ko nang magtrabaho. Mas lalo akong naging matapang. Mas lalo akong naging matatag. Kasi dati, kapag wala akong work, wala na, uwi na lang akong Palawan. Ganoon lang ang pag-iisip ko, sobra... Pero ngayon, mas gusto kong lumaban. Mas naging matatag ako at mas nagkaroon ako ng pangarap sa buhay ko."

 

Raymond said he knows that the interview is about moving on, but he couldn't help asking, is Katrina still a Belo endorser?

 

"Hindi na po," sagot ni Katrina. "Ako nagpupunta run at wala naman po kaming contract ni Dra. Vicki Belo."

 

I heard na magbubukas ka raw ng sarili mong clinic?

 

"Ang daming dagdag! Hindi naman, hindi po totoo yun," tanggi niya.

 

Wala munang plans for a business venture?

 

"Wala po akong plans, pero hindi ko rin naman po alam, di ba? Ayoko namang mag-close ng door."

 

Who is Katrina now compared to Katrina before?

 

"Siguro masasabi ko ngayon na mas nag-mature ako ngayon. Mas marami akong gustong gawin sa buhay ko. Kasi dati, wala, bata lang. Gusto ko nang umuwi sa Palawan, dun na lang. Pero ngayon, parang mas may gusto pa akong patunayan sa mga tao, so mas gusto ko pang mag-stay."

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
63 Comments
page    1    2   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement