Eddie Gutierrez on wife Annabelle Rama: "What you see is what you get."

Rose Garcia
Tuesday, March 17, 2009 @ 12:31PM  |  16855 views

"Annabelle is 'what you see is what you get'. Wala ka nang idadagdag. Wala na... Yung sinasabi n'yong magaganda niyang traits, masasama, lahat yun, lantad na," says Eddie Gutierrez about wife Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal













Hindi maitago ang pagiging proud ng dating matinee idol na si Eddie Gutierrez sa kanyang anak na si Richard Gutierrez, na siyang bida sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Pinoy adaptation ng Zorro.

Pagkatapos ng bonggang launching ng Zorro—kung saan kasama rin sa cast si Tito Eddie bilang Gobernador Luis Aragon—kagabi, March 16, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang veteran actor.

Ayon sa kanya, "Siyempre, magiging proud ka sa anak mo. He's now the biggest star in television and movies. Kami noong araw, movies lang. Walang television."

Nakikita niya ba ang sarili niya kay Richard?

"Sometimes. Meron siyang mannerism at kilos na naaalala ko noong bata pa ako. Yung mga movements niya, the way he deals with people. Sa babae naman, pareho kami, one-woman man!" natatawang sabi ni Tito Eddie.

Sino sa tingin niya ang mas chickboy sa kanila ni Richard?

"Pareho nga kaming one-woman man!" nakangiti niyang sabi. "Kahit naman 'yang si Richard, kapag nag-girlfriend 'yan, one at a time, hindi naman kami nagsasabay-sabay ng girlfriend. Kahit naman noong araw, ganoon din ako, isa lang. Kapag nag-break, dun ako hahanap ng bagong love affair. Pero hindi ako nagsasabay-sabay ng dalawa, tatlo, never!"

ANNABELLE-WILMA RIFT. Nasa gitna na naman ng kontrobersiya ang misis ni Tito Eddie na si Annabelle Rama dahil sa away nito sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante. Bilang asawa ni Annabelle, apektado rin ba si Tito Eddie sa away na ito?

"Ako, hindi ako naapektuhan," sagot niya. "Kasi nag-away na sila noon, e. Tapos, nagbati. Sa tingin ko naman, magkakaayos din sila...in time."

Pero suportado ba niya si Annabelle?

"Well, I weigh things kung ano ang tama, sinasabi ko sa kanya. Kung ano ang hindi niya dapat gawin at ano ang dapat niyang gawin. Open naman ako sa lahat ng ginagawa niya."

Nakikinig naman ba ito sa mga sinasabi niya?

"Minsan!" natatawang sagot ni Tito Eddie.           

Sa bagong away na ito nina Annabelle at Ms. Wilma, mas gugustuhin ba ni Tito Eddie na hindi na lang nangyari at napag-usapan para hindi lumabas sa media?

"Alam n'yo ako, I'm a very peaceful man. Wala kang mababalitaan na meron akong inaway or nanggulo ako. Gusto ko, maging peaceful din sila," sabi ng aktor.

1  2  3  Next »

Related Articles

57 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name