Tila ang The Buzz co-host na si Ruffa Gutierrez ang na-tense sa mga matitinding sagot ni Annabelle Rama nang ma-interview niya nang live ang sariling ina para sa "The Buzz Tough Ten" last Sunday, March 15.
Bago pa ang matitinding tanungan ay nagpaalala na si Ruffa kay Annabelle na, "Grabe, ang dami kong pinagbabawal kay Mommy!"
Na mataray namang sinagot ni Annabelle ng: "Bakit ba ikaw ang nasa harapan ko, ang daming bawal!"
"Sabi ko, Mom, my social friends are watching, can you not make me shy? 'Ay naku, lahat ng mga bakya kong friends nanonood din!'" ani Ruffa tungkol sa pakli ng ina.
"Lahat ng mga fans ko nanonood din ngayon. Excited sila!" bulalas pa ni Annabelle.
At sinimulan na ni Ruffa ang pagtatanong... '
Tough Ten Question No. 10: Kilala ang mga ina sa pagiging eksperto sa mga maraming bagay sa bahay. Saan ka pinakamalakas at pinakamahina pagdating sa gawaing bahay?
"Pagluluto, yun ang aking favorite, Ruffa. Mahina ako sa paglalaba. Kasi yung likod ko, sumasakit kapag naglalaba ako. Pero lahat ng klaseng gawaing-bahay, pagluluto ang number one sa akin," pag-amin ni Annabelle.
Singit naman ni Ruffa, "Ma, meron na tayong washing machine at saka dryer. Hindi na uso yung labang pangkamay."
"Di ba, lahat ng mga underwears mo Ruffa, pinapalabhan mo?" pagbubuko ni Annabelle.
Bagay na ikina-react nang husto ni Ruffa, "Ma! Oh my God! Nakakaloka ka, Ma!"
"Palabhan mo pa sa labandera!" pagpipilit ni Annabelle.
Todo tanggi naman si Ruffa, "Of course not! I never put it in the labahan. Oh my gosh!"
"Don't tell a lie Ruffa!" sabi pa ni Annabelle.
"Alam mo, Ma, nakakaloka ka! Tito Boy [Abunda)] help me!" pabirong paghingi ng saklolo ni Ruffa.
Tough Ten Question No. 9: Kanino mo ipapamana ang yaman mo? Paano ang division? My God, may yaman ka palang itinatago!
"Ruffa, hindi ako mayaman. Mayaman ako sa mga kaibigan. Maraming nagmamahal sa akin," ani Annabelle. "Kung meron mang akong natitira, sa iyo ko ipamana yun."
"Wow, I'm so touched! Can I cry? Grabe!" reaksiyon ni Ruffa sa sinabi ng ina.
"Kasi ikaw may dalawang anak. At saka mahal ko yung mga apo ko," wika ni Annabelle.
Tough Ten Question No. 8: Ma, diretsang tanong, totoo bang ang halaga ng teeth mo ngayon ay more than one million pesos?
Imbes na sagutin ay nagpasalamat na lang si Annabelle sa kanyang dentista sabay sabing, "Kaya maganda ang ngiti namin ni Eduardo [asawa niyang si Eddie Gutierrez]. Hindi ba ako mukhang bungi, Ruffa?"
"No!" sagot ni Ruffa.
"Kasi may gumagaya sa akin, bungi e," pabirong sabi pa ni Annabelle. "Okay, mabuti maganda pala ako. Thank you, doktora."
Tough Ten Question No. 7: Sa palagay mo, sino sa mga apo mong sina Lorin at Venice ang nagmana sa iyo?
"Venice, napakatapang ng batang yun. Nagmana sa iyo at saka sa akin, Ruffa. At saka kay Yilmaz. Kaya imadyinin mo na lang ang tapang ng batang yun, 'no!" pagsisiwalat ni Annabelle.
"Pero si Lorin, malambing naman siya," paalala ni Ruffa sa ina.
"Malambing si Lorin sa akin," pagsang-ayon ni Annabelle.
"Si Venice, hindi?" tanong muli ni Ruffa.
"Hindi masyado," prangkang sagot ni Annabelle.
"God, kawawa naman ang anak ko. I love you, Lorin and Venice!" lambing ni Ruffa sa mga anak on air.
Tough Ten Question No. 6: Sa balitang nakikipaghalikan ang kapatid kong si Raymond kay Carla Humphries, ano ang unang-una mong naramdaman?
"Di tuwang-tuwa na ako, Ruffa. Biro mo kahalikan niya, Inglesera, disente. Mukhang disente ang pamilya. Pag mga sinu-sinong babae lang, talagang mag-react ako. Pero kung disente yung girl, okay lang sa akin," sabi ni Annabelle.
Tough Ten Question No. 5: Yung totoo, nung may labas na article na may photo ng isang foreigner na fake na katabi ko sa U.S., ano ang unang-unang pumasok sa isip mo? Ako pala itong question na ito.
"Naku, Eduardo, another PG [patay-gutom] ang kinukuha ng anak mo!" pambubuking ni Annabelle.
Sobrag ikina-react naman ito ni Ruffa, "Ano ba?" Maging ang mga tao sa studio ay naghiyawan sa sagot ni Annabelle.
"Nasira ang araw ko, alam mo 'yan, Ruffa. Tinext mo ako, di ba pinagalitan kita?" sabi ni Annabelle.
"Fake naman yun, di ba?" ani Ruffa.
"Care ko kung fake yun. Basta, sabi ko, another PG!" pahayag pa ni Annabelle.
"Oh my, God! Nakakaloka ka, Ma!" ang tanging nasabi na lang ni Ruffa.
Tough Ten Question No. 4: Halimbawa, bigla kitang gulatin ng isang balita, 'Ma, I'm getting married again!' Ano ang sasabihin mo sa akin?
"Kaya bang palamunin ng lalaking yun ang mga anak mo at saka ikaw? Kaya ba niyang pakainin kayong mag-iina? Yun lang naman ang tanong ko, Ruffa," wika ni Annabelle.
Paano kung mahalin ako?
"Hindi puwede yung mahal ka lang, Ruffa. Kung kaya kang buhayin pati ang mga anak mo, yun ang sagutin mo."
"Actually, ang pipiliin ko yung lalaking magmamahal sa akin," ani Ruffa.
Pagpipilit ni Annabelle, "Hindi nabubuhay sa puro love, Ruffa. Kailangan yung bubuhayin ka."
"Tito Boy, ikaw na dito kaya! Bakit kasi puro sa akin ang tanong?" comment ni Ruffa.
Tough Ten Question No. 3: Ito careful ka rin, Ma, ha. Isang araw, paano kung biglaang lalapit si Richard [Gutierrez] sa iyo, sabay sasabihing, "Ma, sorry. Magiging tatay na ako!"
Anong mararamdaman mo?
"Ngayon pa lang, Ruffa, hindi ako makasagot," pag-amin ni Annabelle. "Pag-pray ko lang, simba ko lang, huwag mangyari yung ganun. Knock on wood, ang ibig kong sabihin."
"I think Richard naman is careful," sabi ni Ruffa.
"Careful talaga siya," sabi ni Annabelle. "I always tell him, careful, careful. Pag type ko yung babae, 'wag nang mag-careful-careful!"
Tough Ten Question No. 2: Kung kukuwentahin lahat-lahat ng suot mo ngayon, magkano ang suma total?
"Ruffa, hindi ako nako-compute. Basta ako, nag-e-enjoy lang ako sa mga suot-suot ko. Ito ang happiness ko sa buhay ko," sagot ni Annabelle.
"Wow, in fairness, maganda ang sagot mo," papuri ni Ruffa sa mommy niya.
Nagsigawan ang mga tao sa studio ng, "Estimate?"
"Estimate daw sabi ng mga fans," pilit ni Ruffa.
"Kayo naman!
"Basta totoo lahat 'yan," patotoo ni Ruffa.
Tough Ten Question No. 1: Kung gagawin ang life story mo, sino sa palagay mo ang nag-iisang may karapatan na gumanap na ikaw? At ano ang magiging title nito?
"Actually, Ruffa, para sa akin, nag-iisa lang ang Annabelle Rama. Wala nang iba. Ngayon, kung may producer na interesadong mag-produce sa buhay ko, that's the time na mamimili pa ako ng gaganap sa akin. Kasi para sa akin, ako nag-iisa lang sa mundong ito, wala nang iba!" matapang na sagot ni Annabelle.
"Kasi kaninang umaga, nagbe-breakfast kami, 'Sino kayang gaganap ng Annabelle Rama kapag isasapelikula ang buhay ko?' sabi ni Mommy," salaysay ni Ruffa.
"Lahat naman ng pinili mo, hindi ko gusto, 'day!" pagtataray ni Annabelle.
"Oo nga, huwag mo nang banggitin," ani Ruffa.
"Wala siyang karapatan, okay! Kung sikat pa siya, baka pa!" matinding pahayag ni Annabelle.
"Hindi yun ang point ko. Ang point ko, sabi ni Daddy, 'Sino ba ang magpo-produce ng movie mo?' Kaya pala ikaw nag-iisip kasi taong pala ngayon dito yun," wika ni Ruffa.
Nang magpasalamat na si Ruffa sa kanyang mommy, muling sumabat si Annabelle, "Napakaigsi naman, Ruffa. Wala na, yun na lang? Bitin ako, 'day, bitin ako!"
"Bitin ka? Ay, ano raw ang magiging title ng movie?" pahabol na tanong ni Ruffa.
"Ang gusto ko lang Monster Mom 2," ani Annabelle.
"Okay, thank you, Ma. Good sport ka. At kahit hindi ko gusto yung ibang sagot mo, okay lang din dahil mommy kita," huling wika ni Ruffa.