PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jean Garcia stays away from love affair of daughter Jennica

Jean dismisses "utang issue" with ex-boyfriend Polo Ravales.
by Archie de Calma
Published Mar 18, 2009
"Ayoko lang makialam, at wala naman akong dapat sabihin. Kasi personal affair na 'yan ng anak ko. Kung may mga nasasabi man siya sa akin, sa amin na lang dalawa yun. It's a mother-and-daughter thing. Basta ang alam ko, masaya ang anak ko. Yun lang ang concern ko," says Jean Garcia about the rumored breakup of her daughter Jennica and Mart Escudero.

Hindi na talaga nakakawala si Jean Garcia sa GMA-7. Mula nang lumipat siya sa Kapuso network ay hindi na siya nawalan ng trabaho, gaya na lang ng current dramatic thunderbolt na All About Eve. Sunud-sunod ang assignments niya at walang dudang mas gamay niya ang pagtatrabaho rito kesa noong nasa ABS-CBN pa siya.

"Ako naman ay trabaho lang talaga, walang personalan," sabi ni Jean. "Kahit noong lumipat ako sa GMA, hindi ako nagsalita ng kahit ano against ABS. Kasi pinapahalagahan ko pa rin yung pinagsamahan namin ng mga taong naging kaibigan ko doon, na hanggang ngayon nakakausap ko pa rin.

"Hindi kasi ako yung tipong nakikipagkaibigan lang dahil sa may interests sa trabaho. I don't forget to get in touch, kung mayroon din lang time. Alam 'yan ng mga kaibigan ko sa ABS.

"Kaya ang point ko riyan, kahit saan, pupuwedeng may maireklamo, e. Wala namang perfect set-up. Kung sa GMA-7, kung ano ang mayroon sa kanila, masaya naman ako. Ganoon din ako noong nasa Dos pa ako. All the more na hindi ko na kailangang ungkatin pa yung mga hindi ko nagustuhan noon dahil hindi na ako nagtatrabaho sa ABS. Ganoon lang yun," tuloy-tuloy na sabi ni Jean sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

All the more na naging masaya siya dahil hindi lang siya ang sinusuportan sa GMA-7. Kasama na rito ang anak niyang si Jennica Garcia.

"Nagkataon lang na ganoon ang set-up, more convenient," nangingiting sabi ni Jean. "Thankful ako sa wala nilang sawang pagbibigay ng trabaho sa amin. Kaya nga, ang lagi kong paalala sa anak ko, mahalin niya ang trabaho niya.

"Hindi rin lahat ng young stars sa GMA-7 ay nabibigyan ng break ng gaya sa kanya. Kaya kung anuman 'yan, pahalagahan niya. Doon sa parteng yun, nagagawa ko naman ang part ko bilang ina niya."

JENNICA-MART BREAKUP. Kumalat ang balitang wala na nga raw sina Jennica at ang boyfriend nitong si Mart Escudero, isang bagay na ayaw pag-usapan ni Jean.

"Ayoko lang makialam, at wala naman akong dapat sabihin. Kasi personal affair na 'yan ng anak ko. Kung may mga nasasabi man siya sa akin, sa amin na lang dalawa yun. It's a mother-and-daughter thing. Basta ang alam ko, masaya ang anak ko. Yun lang ang concern ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw ring mag-comment ni Jean dahil may lumalabas na balitang nagkakaimbiyernahan sila ng manager ni Mart na si Popoy Caritativo.

"A, sa ganyang bagay, wala talaga akong sasabihin, kasi gulo lang 'yan," sabi ni Jean. "I don't have a problem with Popoy, at saka yung tungkol kay Mart, business yun, e. Sa kanila yun at wala akong dapat sabihin.

"The same way, sa point na ito, I will just go after the welfare of my daughter. Wala akong masasabi kay Mart dahil mabait din siya sa akin, maayos ang naging friendship nila ni Jennica. Hanggang doon lang naman ang pupuwede kong sabihin."

Basta sa kanila ni Jennica, lagi nang kinu-consider ni Jean ang ikabubuti nito.

"At ang ikabubuti niya, yung panindigan ang sarili niyang desisyon, at pagtiwalaan ko siya. Naririto lang ako for some advice and to guide her, pero hindi ako makapagdidikta ng gusto niyang gawin. Iba ang generation namin sa generation nila, and I don't underestimate them. Alam ko kasi, napalaki ko naman nang matino ang anak ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung sinasabi nilang nangyari sa akin, malakas ang paniniwala kong hindi mangyayari kay Jennica yun dahil sa simula pa lang, alam na niya ang hindi maganda doon, e. Nakikita yun ng mga anak ko, and I don't deprive them of the truth, para hindi nila ako sisihin, di ba?" makahulugang sabi ni Jean.

JEAN'S LOVELIFE. Mabuti rin naman daw at hindi na masyadong kontrobersiyal ang lovelife ng aktres ngayon. Pagkatapos ng chapter sa kanila ni Polo Ravales, parang nanahimik muna ang lovelife ni Jean.

"Wala naman kasi talaga, at yung mga na-link sa akin in the past, walang napapala ang press sa akin. Kasi kung ano lang talaga yung dapat nilang malaman, yun lang ang nalalaman nila.

"Naiinis nga kayo, kasi feeling ninyo, nagde-deny lang ako. Pero ganoon talaga. Like yung tungkol daw sa amin ni Polo, inamin ko naman na we got along well, pero hanggang friendship lang talaga. Kaya bakit ako magku-comment na parang nagkaroon kami ng relasyon, e, wala naman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mas nakakainis yung kung anu-ano pa ang sinasabi ko, e, sa umpisa pa lang, sinasabi kong wala naman talaga," katwiran ni Jean.

To the point na kumalat ang balitang ang dahilan daw ng pinaghiwalayan nila ni Polo noon ay inutangan siya ng aktor, at nang hindi niya pagbigyan, hayun, bigla na lang lumabas na may bago na itong girlfriend, si Krissa Mae, na kasama pa man din ni Jean sa Gagambino noon.

"May ganoon?" natawa nang malakas si Jean. "Okay naman kami ni Krissa Mae. Ano ang right kong mag-react? Para kasing noong makita ko sila, hindi ba't magkakasama kami sa Gagambino? Natigilan lang ako at nasabi ko na lang sa sarili ko, 'Hmmm, sila na pala!'

"Ganoon lang. Pero wala yun. At saka yung utang issue, walang ganyan. Bakit naman gagawin ni Polo ang mangutang sa akin? May pera naman siya, huh! Wala naman yata sa tipo ko ang maglulustay ng datung para lang sa lalaki!" at natawa pa siya nang todo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

E, bakit nga kasi parang bigla na lang silang nanlamig sa isa't isa?

"Ever since, ganoon naman ang ugali ko. Parang hindi na kayo nasanay. Hello! May time na I really enjoy the company of a person. For whatever reason, nawawala yun. Baka may iba na siyang pinagkakaabalahan. Pero wala namang problem sa amin ni Polo. Kaya tanggapin na lang sana na hindi na kami nagkikita palagi dahil busy na kami sa kanya-kanyang buhay," tila pinagtawanan na lang din ni Jean ang kanyang mga nasabi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ayoko lang makialam, at wala naman akong dapat sabihin. Kasi personal affair na 'yan ng anak ko. Kung may mga nasasabi man siya sa akin, sa amin na lang dalawa yun. It's a mother-and-daughter thing. Basta ang alam ko, masaya ang anak ko. Yun lang ang concern ko," says Jean Garcia about the rumored breakup of her daughter Jennica and Mart Escudero.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results