PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chito Roño says T2 gives realistic portrayal of "engkanto" encounters

Direk Chito and Maricel Soriano reunite after 14 years.
by Melba R. Llanera
Published Mar 20, 2009
"Realistic, kasi malayo siya sa fantasy. The way we portray engkantos are based on sworn statements, experiences, and claims of real people. Kung ano ang nangyari sa kanila. Yung mga na-abduct, yung mga sumama. Kumbaga yung mga kuwento nila, yung mga iba't ibang statements nila, kumbaga dun namin binase," says Director Chito Roño about his new horror-drama T2.

The director of horror hits Feng Shui and Sukob is back again doing horror films after taking a break from scaring moviegoers (Sukob was shown in 2006) to helm two family-oriented movies (Lastikman in 2007 and Caregiver in 2008). Chito Roño now presents T2, his newest horror-drama project starring the one and only Diamond Star Ms. Maricel Soriano.

Sa nakaraang presscon ng T2, agad na tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Chito kung nakakadama ba siya ng pressure na mapantayan ang laki ng kinita ng huling horror niya na Sukob.

"Yes and no. May pressure siya because, of course, yung last [horror] movie ko, yung Sukob is really, really tough to follow, but at the same time, di naman Sukob ang ginawa ko sa T2. Kumbaga, I'm excited na mapanood siya ng tao. Kung anuman ang reaksyon nila, would be the reaction to T2. Sabi ko nga, deliberately, nilayo ko siya sa style ng Sukob. I'm excited to find out [the reactions] 'cause I think people will find it na iba ang approach niya, it's horror-drama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa batikang direktor, drama talaga ang movie, pero dahil may supernatural na tema at context ang movie, horror na ring lumalabas ang istorya nito.

Umiikot ang istorya ng pelikula sa buhay ng mga ordinaryong tao na nakaranas ng mga supernatural beings tulad ng mga engkanto. Pero maagap si Direk Chito sa pagsasabing hindi isang fantasy lang ang pinagkuhanan nila ng istorya for T2. Hinango raw talaga nila mula sa mga totoong pangyayari at patotoo ang istorya ng movie nila. Realistic nga raw na maituturing ang portrayal nila ng mga engkanto sa movie.

"Realistic, kasi malayo siya sa fantasy. The way we portray engkantos are based on sworn statements, experiences, and claims of real people. Kung ano ang nangyari sa kanila. Yung mga na-abduct, yung mga sumama. Kumbaga yung mga kuwento nila, yung mga iba't ibang statements nila, kumbaga dun namin binase. All the accounts of these people."

"So, the movie's story is... kung paano yung mga tao, kung ano ang gagawin nila pag nakaengkuwentro sila ng di natin katulad, such as engkantos. Encounters between human beings and engkantos. How these creatures relate to people, at kung anu-ano ang mga conflicts nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang T2 ay reunion movie rin nina Direk Chito at Marya after Dahas na ipinalabas pa noong 1995.

"We also worked several times before, kumbaga sanay na sanay na ako sa kanya. Sanay na rin siya sa akin. We work well, we worked well before. I can say na kapa na namin ang isa't isa."

T2 will be shown on April 11.

Read Next
Read More Stories About
Chito Rono, Maricel Soriano
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Realistic, kasi malayo siya sa fantasy. The way we portray engkantos are based on sworn statements, experiences, and claims of real people. Kung ano ang nangyari sa kanila. Yung mga na-abduct, yung mga sumama. Kumbaga yung mga kuwento nila, yung mga iba't ibang statements nila, kumbaga dun namin binase," says Director Chito Roño about his new horror-drama T2.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results