PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former PBB housemate Bodie Cruz at home with Kapuso network

Bodie talks about past relationship with PBB housemate Gee-Ann Abrahan.
by Rommel R. Llanes
Published Mar 22, 2009
"Ako mismo nagulat nung nakita ko yung role ko dito! Kaya nagpapasalamat po ako sa chance na ibinigay ng GMA sa akin, sana, sana magtuluy-tuloy po," says Bodie Cruz about his role in Zorro.

From ABS-CBN ay nasa GMA-7 na ngayon ang panganay na anak ng aktor na si Tirso Cruz III—si Bodie Cruz. Mahigit isang taon ding nagtagal si Bodie sa bakuran ng Kapamilya network mula sa pagiging housemate sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 2.

"I stayed there for a little over a year. Bale yung contract ko with them is one year. My contract with ABS ended March last year," pagbibigay-impormasyon ni Bodie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ngayong nasa GMA na siya, paano niya ito ikukumpara sa isang taong ipinamalagi naman niya sa ABS-CBN?

"Before kasi, sumasama na kami sa mga taping... Sina Tita Redgie Acuña Magno [GMA-7's senior program manager], nakakasama ko na. Masaya ako dito kasi parang pamilya na yung turing nila sa akin. Kakulitan ko na sila nung lumalaki ako. Masaya po ako dito."

Exclusive ba ang contract ni Bodie sa GMA-7?

"Per project po ako dito," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit per project siya at hindi exclusive?

"Siguro pag-uusapan po 'yan in the future. Pero ngayong bago pa lang, per project muna."

Bakit siya umalis sa ABS-CBN?

"They have more projects po dito [sa GMA]," mabilis niyang sagot. "And tulad po nung nasabi ko kanina, sina Tita Redgie, sina Tita Winnie Reyes, nakakasama ko na before."

Pero gustong linawin ni Bodie na wala siyang kahit kaunting sama ng loob sa ABS-CBN.

"Wala naman pong galit," aniya. "I'm very thankful sa chance na ibinigay nila sa akin. I think it's just time to move on to more projects, and I think ibinibigay po sa akin yun ngayon ng GMA."

THE DECISION. Ang ina niyang si Lyn Ynchausti-Cruz ang tumatayong manager ni Bodie. Ang ina rin niya ang nagma-manage ng career ng ama ni Bodie na si Pip.

Pinag-usapan daw nila ng kanyang mga magulang ang tungkol sa paglipat ni Bodie sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We talked about it, kami po ng parents ko. And yun, sabi nga po nila, it would be nice to try out other stuff, kaya po nandito ako ngayon."

Kung talent fee naman ang pag-uusapan, halos pareho lang daw ang natatanggap niya mula sa dalawang giant networks.

"Pareho lang po, same-same lang. Tumaas po ngayon, pero same-same po sa starting."

Masaya si Bodie sa GMA-7, pero thankful din naman siya sa chance na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Wala siyang regrets whatsoever.

"Nag-enjoy naman ako sa experience sa PBB, at yun nga, kung mag-aantay ka, may darating tulad ng opportunity na ito sa Zorro. So, yun."

REBEL WITH A CAUSE. Unang napanood si Bodie sa GMA-7 sa fantaseryeng Gagambino ni Dennis Trillo. Ngayon naman, sa Zorro siya mapapanood sa isang mas mahaba at mas markadong papel. Malaki ang pasasalamat ni Bodie na napasama siya sa isang matinding proyekto na tulad ng Zorro, na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Very thankful po," sabi niya. "Ako mismo nagulat nung nakita ko yung role ko dito! Kaya nagpapasalamat po ako sa chance na ibinigay ng GMA sa akin, sana, sana magtuluy-tuloy po."

Gumaganap si Bodie bilang si Agustin Manalo, ang rebel leader ng mga Indios.

Sa tunay na buhay, may pagkarebelde rin ba si Bodie?

"Siguro kapag alam ko lang na nasa tama ako, ipaglalaban ko yun," aniya.

Ano ang pinakamatinding pagrerebelde na nagawa ni Bodie sa buong buhay niya?

"Sa totoo lang, wala pa, e."

When he auditioned for PBB before, hindi siya nagpaalam sa parents niya. Mako-consider ba niyang pagre-rebelde yun?

"Yeah, pero eventually nagustuhan din naman nila yung idea."

FORMER HOUSEMATES. Speaking of PBB, may communication pa rin ba si Bodie sa mga dati niyang housemates?

"Yeah, ang madalas kong nakakasama ngayon sina Wendy [Valdez], sina Bruce [Quebral]... Si Bruce flight steward na siya, nasa Emirates na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta ang lovelife ni Bodie?

"Sa ngayon, wala muna. Focus muna sa trabaho."

Last year ang huling relasyon ni Bodie. Ito ay kay Gee-Ann Abrahan na nakasama rin niya noon sa sa loob ng Bahay ni Kuya.

Bakit natapos?

"Magulo, busy sa work, hindi magkaintindihan," sagot ni Bodie.

Wala na raw silang communication ni Gee-Ann, although maayos naman ang kanilang hiwalayan matapos ang ilang buwan nilang relasyon.

"Okay naman, pero, I mean, hindi yung nagkukumustahan. Kapag nagkita, ganun, okay naman."

Ngayon ay wala pa bang dine-date na iba si Bodie?

"Wala pa naman, focus muna sa work."

Ang mga dati niyang housemates, kino-convince ba ni Bodie na lumipat sila sa GMA?

"Wala naman, hindi naman. Si Say [Alonzo] nandito din. Pero hindi ko siya ka-batch, she was in the first batch. Kami pa lang ang nandito, sa pagkakalam ko."

Kung maibabalik ang panahon, sasali pa rin si Bodie sa PBB?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo. I would still join, kasi it was a fun experience and hindi ako nagre-regret na sumali ako dun."


HIS FATHER'S SON. Having a famous father, tanggap ni Bodie na hindi siya basta-basta makakaalis sa anino ng kanyang ama.

"Sa ngayon siguro, I'd say hindi pa masyado. Pero I hope eventually. Tinutulungan din naman ako ng dad ko. Eventually sana, sana," sabi ni Bodie.

May advantage din naman kasi na anak siya ng isang Tirso Cruz III.

"Definitely, kasi ang dami niyang tips na binibigay sa akin. Tinutulungan niya ako, he reads my script, ito dapat, ganito dapat... At least kumbaga, in a way, may umaalalay sa akin," pagtatapos ni Bodie.

Ang Zorro ay mapapanood gabi-gabi simula bukas, March 23, sa GMA Telebabad.

Read Next
Read More Stories About
Bodie Cruz, Tirso Cruz III
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako mismo nagulat nung nakita ko yung role ko dito! Kaya nagpapasalamat po ako sa chance na ibinigay ng GMA sa akin, sana, sana magtuluy-tuloy po," says Bodie Cruz about his role in Zorro.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results