Dalawang videos ang kasalukuyang pinagpipistahan sa Internet.
Yung isa ay ipinakitang lumuhod sa harap ng customer ang isang empleyado ng Duty Free Philippines. Walang audio ang nasabing video at nakatalikod ang customer sa camera. Pero kinilala ito ng mga nakakita sa YouTube bilang si Boyet Fajardo, isang fashion designer.
Yung isa namang video ay may kinalaman sa pakikipagtalo diumano ng komedyanteng si Bayani Agbayani dahil nabangga nito ang sasakyan ng isang hindi kilalang lalake. Malabo ang kuha ng camera phone, pero malinaw ang audio at dinig na dinig ang takbo ng usapan sa pagitan ng isang tinatawag na "Paps" at isa pang lalaki.
Umaani ng mga batikos ang hindi makataong pagtrato diumano nina Boyet at Bayani sa kanilang mga naging "biktima."
BOYET'S "TANTRUM." Ayon sa account ng blog na Sasha Says, nagalit daw si Boyet sa cashier, na pinangalanang Marvin Fernandez, dahil hindi nito nagustuhan ang paghingi sa kanya ng ID para sa verification ng kanyang credit card na walang pirma.
Noong lumapit ang store manager, na kinilalang Susan Gonzales, ng Duty Free Philippines ay inilabas daw ni Boyet ang kanyang cell phone at sinabi nitong "tatawagan ang mga kilala niyang taong mataas ang posisyon sa gobyerno."
Ayon pa kay "Sasha," ang dialogue ng fashion designer (na may RTW line sa Robinsons Malls, SM Supermalls at The Landmark), ay: "Mga leche kayo! Hindi n'yo ako kilala? Ako si Boyet Fajardo! At itong p*t*ng-ina na babaeng ito [pointing to lady officer] at ang baklang ito [pointing to cashier] ay walang kuwentang mga tao! I want them fired!"
Nang aluin siya ng manager, saka raw nito sinabing "lumuhod ang cashier sa harapan niya para masampal daw nito."
Kung titignan ang akto ng cashier sa video ay mangiyak-ngiyak ito nang lumuhod sa harapan ng lalaki na sinasabing si Boyet. At nang matapos gawin ang pagluhod ay tila nanginginig pa siya sa pagkapahiya.
Nilinaw ng blogger na una niyang narinig ang insidente mula isang "concerned citizen" at sa kanyang kapatid, na nabasa as blind item sa isang People's Tonight column ni Itchie Cabayan noong March 18.
Dagdag pa ni "Sasha" sa kanyang updated blog entry: "When I read this same blind item at 'Seen/Scene' of Pilipino Star Ngayon, I made some searches and found the Concerned Citizen's petition to boycott Boyet Fajardo."
Dalawang beses sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kuhaan ng pahayag ang fashion designer sa pamamagitan ng telepono.
Sa una naming tawag bandang alas dos ng hapon, sinabi ng babaeng nakasagot na nakita na nila ang video. Tinanong namin kung sino siya pero tumangging ibigay nito ang kanyang pangalan. Tinanong din namin kung si Boyet Fajardo nga ba ang lalaking nakatalikod, ang mga salitang binitawan niya ay: "No comment..."
Makalipas ang ilang minuto, tumawag uli ang PEP para kumbinsihin sila na magbigay ng opisyal na pahayag, ang sabi niya: "Huwag na lang...No comment."






Hindi mgkakaganyan o mggalit ng gnyan si bayani kung hndi dahil s pgprovoke ng lalakeng un.. bkt hndi pinkita sa video ung gnwa nung lalake?
bkit ung kay bayani lang? ano un?
hay.. sobra kau..
Kapuso aq pero laging hirap din aq kya naiintindhan ko si bayani..
1. Substance
2. Initials
3. Boyet Fajardo
Kay Fajardo ang mga yan....WAG BIBILHIN.
Magkaisa tayong lahat.
sa mga opisyal na nakaupo sa gobyerno, lalo na ang sinasabing kamag-anak ni boyet fajardo na mataas na opisyal ng gobyerno..gising gising ho tayo at maginat inat sa kinauupuan..ipakita nyo sa sambayanan na pwede pa kayo asahan sa ganitong sitwasyon at hinde kayo nagbubulag bulagan sa ganitong klaseng bulok na pagiisip at katwiran ng quot;ilanquot; sa mga mas nakakaangat na tao sa bayan, dahil ang pagiging mapangutya at paglapastangan sa dangal ng isang mahirap na trabahador o mamamayan ng isang maimpluwensyang tao ay maaring maging virus sa lipunan at buong bayan! maaring nyong sabihin maliit na issue ito para sa gobyerno na pagaksiyahan ng panahon ngunit hinde ba ang malaking problema na kinakaharap ng pilipinas ay nagsimula din sa maliit?