news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98243 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 1831  marian_pandit

    04/12/2009 | 12:31 PM
    engot nagsasabing abs nanira. si pakyaw lumapit no kasi mas sikat abs.. bulok kasi gma. si pakyaw at gma nga naninira sa abs. matalo sana si pakyaw kasi masama ugali.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1830  henryramos

    04/03/2009 | 01:32 AM
    Idol!I hope you will not join other politician someday,mag iiba ka. Imbes na legal ka na kumikita ng pera.honest na kita sa hirap mo makipag boxing.Yung iba gusto ka mapull down sa mali
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1829  krissybabe_11

    03/31/2009 | 09:58 AM
    HOY PACQUIO! AT SA MGA PAMPAM NA NANINIWALA SA YOgt;gt; para ka nang si gullum na consume ka na ng RING..

    sabi nya si dyan ang nagsuggest na lumipat sya nagsuggest lang si dyan ngayon.. quot;SUGGESTIONquot; ibig sabihin may choice ka kung icoconsider mo o hindi yung suggestion

    you clearly stated na choice mo yun, kahit binasa mo lang yung statement mo it is still your choice nung pumayag kang basahin yun.

    kung pakikielaman ng abs cbn yung laban ni pacquio bakit nayon lang.. hatton is not as big as paqcuios previous contenders.

    at para sa mga nagsasabing sinira c pacquio ng abs hindi kaya mas malaking damage ang ginawa ni pacquio ng gma at ng solar sa abs.. which makes me wonder.. meron kayang conspiracy na naganap to make ABS CBN look like the bad guy..

    either way.. abs still wishes pacquio well for his fight... kaya manny nxt time wag ka ng pampam ha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1828  swiss

    03/30/2009 | 12:20 PM
    Basta kapag ILLEGAL - TALO!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1827  subtleelegance

    03/29/2009 | 03:51 PM
    its 50 dollars on h.b.o. pay per view! hindi free unlike sa phils.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1826  subtleelegance

    03/29/2009 | 03:50 PM
    1670 matheresa15

    fyi, hbo ang nage-air ng mga fights ni pacquaio here in the US. its 50 on pay-per-view. its neither gma nor tfc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1825  ratratan

    03/29/2009 | 03:40 AM
    nabobo si manny sa pangungumbinsi ng abs-cbn!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1824  honeyred

    03/29/2009 | 12:33 AM
    Bravo!!! bravo..abscbn..nagwagi kayo..ngwagi kayo sa paninira kay pacman...galing nyo..bilib na bilib ako sa inyo..waahhhh....basta abscbn..magling sa paninira...hahahahaha..kapag nabuking magling sa lusutan....go abscbn...tuloy nyo yan..ng ma karma kayo ulet...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1823  dreamsatellitetaiwan

    03/27/2009 | 09:09 AM
    hay naku manny ilang beses mong sinabi sa video footage mo na mapanood ang laban mo ABS...ikaw naman ang lumalapit sa ABS at hindi ang ABS ang lumalapit sayo.....kung di pa siguro ka pinuntahan dyan ng taga GMA at pangakoan ng kung ano-ano siguro di na mag-iba isip mo....ikaw din ang mali...may advance payment na pala sayo tapos ikaw pa ang lumalapit sa ABS.....wise ka rin manny....in-announced mo agad na mapanood ang laban mo sa dos para maraming manood....alam mo na kasi na mas maraming televiewers ang ABS kesa GMA kaya naisipan mong bumalik sa dati mong pinanggalingan.....

    naku manny sana manalo ka.....
    pero parang 50-50 kang manalo.....
    sana dinggin ang dasal mo na manalo ka
    sinisisi mo pa ang ABS sa pinagagawa mo
    sayang...anyway di rin naman kita mapanood kasi family day namin yan...
    GOODLUCK sayo wag sanang maBADLUCK
    laban mo kay hatton
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1822  ratratan

    03/27/2009 | 07:17 AM
    inuumpisahan na ng abs-cbn ang paninira kay pacquiao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1821  ratratan

    03/27/2009 | 07:14 AM
    sino kaya ang pasimuno ng kaguluhang ito? alangan namang si pacquiao na busy sa ensayo. itong abs-cbn ang buntot nang buntot kay pacquiao at kung anu-anong pangako na kesyo tutulungan sa kandidatura kasi napakalakas cgnal ng abs-cbn sa teritoryo ni pacquiao. cnong lolokohin ninyo, wala nang ibang pagulo - abs-cbn!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1820  love_it

    03/26/2009 | 11:21 PM
    sana matalo si pacman kay hatton para ma realize nya ang mga kahunghangan nya!!!!hindi ka dapat naging pambansang kamao...ikaw ay pambansang kasinungaligan!!!

    Go Hatton!!!sana manalo ka!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1819  california_10

    03/25/2009 | 11:40 PM
    MALI si Manny dapat di sya lumapit sa ABS. Tapos ngayon ABS pa sinisisi nya..Hahaha what a move Manny. DOnt burn bridges baka di ka na maka balik pa sa DOS Manny. esep..esep...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1818  rose_petals

    03/25/2009 | 05:53 PM
    manny has existing contracts both with solar and gma... it is therefore justifiable and right for solar and gma to go to the usa and talk to manny to talk things over and clear things out... mas mabuti ng maayos ng maaga kesa lumala pa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1817  akosigotti

    03/25/2009 | 05:21 PM
    si Manny ay papalapit nang maging isang Rolando Navarette.

    Unang sinyales - ang pabago bago ng isip.
    Ikalawa - sobrang ganid as salipi at posisyon.
    Ikatlo - paggiging uto uto... kuno..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1816  matheresa15

    03/25/2009 | 04:47 PM
    BITTER TLGA MGA YN..SOLAR AT FANS NG GMA.NGSALITA N C GABBY LOPEZ,AS IN MSKI SYA LM NYA N C MANNY ANG LUMAPIT ATSKA NUN C MANNY ANG LUMIPAT NDI NGHABOL ABS..MGA TGA GMA LNG ANG BITTER S MGA GNYAN SITUATION...PNO S PINAS GMA ANG MGPPLABAS NG LABAN NI MANNY PRO PG S ABROAD AT WORLWIDE TFC ANG MGCO-COVER KC NDI KYA NG GMA...KYA KHT MAN LNG S PINAS CLA ANG MGCOVER IPIPILIT NILA.PWES ICOVER NYO PRO PGDTING S PINAS WAGI ANG TFC...ATSKA CNO ANG MARUMING LUMABAN??BKIT UN EXECTIVE B NG GMA MALINIS???REMEBER BINULGAR SYA NI BISAYA N TANGAP NG TANGAP NG SUHOL,PNO LIIT LNG ATA SWELDO NYA DYAN KYA GNYAN CLA...HEHEHE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1815  yhearry37

    03/25/2009 | 04:33 PM
    makaka asa ka manny ipagro rosaryo kita at ipagtitirik ng kandila para MATALO ka sa laban mo, hekhekhek!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1814  my_sayad

    03/25/2009 | 02:19 PM
    sino ang nag-udyok? sinong taga abs ang nag-tempttumuksokay manny para lumipat sa abs? sinon?????

    si kris?
    si dyan c?
    sino ba talaga?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1813  stargate_atlantis

    03/25/2009 | 02:10 PM
    1667
    avidcommentor
    March 25, 2009
    13:46 PM

    may udyok kasi yang ni chavit kaya gusto lumipat sa dos, hehehe, anyways dati ba nung umalis si paquiao sa dos remember yung ilang laban ni paquiao morales-pacquiaoeh may narinig ba tayong parang naghahabol yung dos nung lumipat siya sa siyete? wala diba? bitter kasi gma pag may umaalis sa kanila, lol
    =======================================
    eh bakit bah umalis si Manny sa Dos???? siniraan, tapos ngayon liligaw-ligawan nila ngayon yong tao at ngayon sila na ang lumalabas na naghahabol sa tao, pinapirma nila agad si manny ng KONTRATA ng di man lang kinakausap ang Solar na may hawak sa kanya. Eh ngayon nilaglag sila ngayon ni Manny sa ere. Sino ngayon ang mas bitter? Ikaw ba alam mo ang ibig sabihin ng CONTRACT/KONTRATA??? hangat hindi mo pa yan natatapos VALID pa yan at hindi ka basta-basta pwedeng pumirma sa iba kung hindi mo pa yan natatapos. Kahit pa ba NILAPITAN sila ni Manny sana man lang nag-isip sila at nagtan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1812  avidcommentor

    03/25/2009 | 01:46 PM
    may udyok kasi yang ni chavit kaya gusto lumipat sa dos, hehehe, anyways dati ba nung umalis si paquiao sa dos remember yung ilang laban ni paquiao morales-pacquiaoeh may narinig ba tayong parang naghahabol yung dos nung lumipat siya sa siyete? wala diba? bitter kasi gma pag may umaalis sa kanila, lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About