Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.
Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.
Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).
Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)
Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.
Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.
"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.
Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.
"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'
"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.
"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.
Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.
Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'
"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.
Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1591 offshore
kung yung simple at unknown na mga artista e pinagaawayan at pinagdedebatehan sa isyung lipatan, si MAnny pa kaya na isa nang national hero at alam ng lahat na pinagkakakitaan at maghahakot ng limpak-limpak na salapi thru advertisements?
what a shame ABS!
nakakahiya din ang mga kapamilya na super lait ngayon kay PAcman..
1590 steelwings
these two die hard fans of abscbn saw nothing wrong about what abscbn did to manny. di nila alam ang kontrata. mahilig mamersonal!
ang kapuso sinuportahan nila si manny kahit nung mga unang laban nito sa abscbn. kaya nga ang taas ng ratings nyan dahil pati kapuso nanood! hindi kayo mapipilit kung ayaw nyong manood dahil pinaiiral nyo ung pagiging fanatic nyo sa s2pid network na abscbn kaysa sa pagiging maka pilipino nyo about his fight!
siguro kayo kayo rin ang nagko cover up sa stampede issyue, sa da yaan issue at sa ratings gimik issues! haaayy.. s2pid fans nga kayo. hoy, wag na lang kayong magcomment ng personal! kasi kahit kelan, di nyo pwedeng ibaligtad ang issue! abscbn is obviously illegal ang ginawa sa kontrat ni mannY!
1589 idontknowmuch
si manny yung contestant na pinaglalaruan ni puppie.
tapos, nang manalo, biglang nagpasalamat sa gma!
1588 oct_9
my my my . . . so many lapses!
1587 1truepep
1586 ako_ito_eh_bakit_ba
1585 captain_underpants
hindi naman sya ang PAMBANSANG UTAK kundi PAMBANSANG KAMAO, ang talent nya napunta lahat sa kamay nya
1584 proudlyfilipina
kahit kailan ang tunay na masamang nilalang at maitim ang budhi ay nasa kabilang istasyon lang..
kahit kailan walang niloloko ang GMA..
kung may reklamo man sila everything is under the law..
di gaya ng abskapams..kahit wala sa batas..ay pilit ginagawa para lang may maipapakita...
what a shame...tinuturuan pa si manny kung anong sasabihin niya..
ganun din kaya si wiwiwilie tinuruan ng mga abogado tungkol sa mga contestants nilang nanalo ng house and lot..kung di nagputak di bibigyan..haha..yan ang tatak kapamilyahas...
1583 jutaime
kapamilya247
March 24, 2009
13:05 PM
-----
EVIL-S-CBN ang tunay na kampon ng kadiliman wala ng tatalo jan. Ano isa isahin ko pa ba ang mga pandurugas pag mamanipulate panlalamang nila? Diba wag na baka lalo kayong mag alburoto e. Last week kala nyo lilipat si manny sa evil station nyo panay ang sabi nyo na suportahan nalang kasi pangalan ng bansa ang dala dala nya. Ngayon tignan nyo yung mga statements nyo nabaliktad na bwahahahahahahhahahahah kakahiya diba?
1582 kapamilya247
steelwings
March 24, 2009
13:03 PM
naniniwala ka na sa sinabi ni manny kasi isa kang tao na galit sa ABS. para sayo totoo ang sinabi ni manny kasi kasiraan ng ABS yun. alam na ng lahat na madaling sulsulan si manny kaya malamang yang pahayag niya ay tinuruan din siya ng GMA. basta kami sobrang disapointed kami kay manny tulad niyo dati nung announce siya na yung laban niya sa GMA. ang panget kay manny naghugas kamay siya at ABS ang pinanagot niya sa pagkakamali niya
1581 Aldrich18ofUSA
Type quot;OHS Best in Show 2009quot;
Click nyu yung sumayaw ng stanky leg, yung pinaka una!
That girl can dance! Hahaha
GO MANNY! kalimutan na yan, at sana huwag na lng maki alam ang ABS sa mga coverage ksi ALAM naman nila na GMA 7 at Solar lng ang may rights!
so GOODLUCK kay Manny!
1580 jijinhee
1579 idontknowmuch
yeah, God forgives, but you still suffer the consequences of what you did.
1578 jutaime
1577 proudlyfilipina
ito naman si manny nakakadisappoint..
hindi naman ginamit ang isip..hayzz.
nagpadala sa mga masamang elemento sa kabila..alam naman niya na pugad doon ng maitim na mga tao..
kaya manny mag-isip isip ka muna..at mag suri suri sa paligid na hindi ka ma tempt ng masasamang espirtu sa kabila...
1576 idontknowmuch
mga bading yan noh,
1575 kapamilya247
jutaime
March 24, 2009
12:50 PM Muli nanamang natalo ang kasamaaan. Kahit kailan hindi mag tatagumpay ang mga kapmon ng kadiliman...... TKO ahahahahhahaha
===================
hindi pa natatalo ang kasamaan kasi yung mangagamit na manny bumalik sa masamang station ang GMA7. OK lang yan ABS hindi niyo naman ikahihirap kung wala sa inyo si manny atleast mas nakilala ng tao ngayon ang isang manny pacquiao. ewan ko lang kung may sumuporta pa diyan. ang tanging supporters na lang ni manny ay yung mga kapuso
1574 steelwings
wheres your knowledge about contract?
masyado ka naman personal magcomment kay manny, bakit di mo ba binasa ng husto ang issue?
gma7 has the contract that will expire sa 2011. ang abscbn alam yan, bakit nila sinulot? gma7 reminded manny about that and manny will really face the court if he still continue to go with abscbn, yun pala, abscbn planned the whole thing for manny.
bakit di nyo iderive ung conclusion at masyado ka personal umatake kay manny?
thimsdubai, fanatic ka ba ng abscbn? kahit sino, walang tama ang abscbn, gma7 pa ang manguu to? gma7 is doing in legal terms, bakit yang abscbn? di mo nakita ung mali nila?
1573 delray_beach
thimsdubai
March 24, 2009
13:02 PM At yung mga statement na iyun, actually, hindi naman ako gumawa nun. ang gumagaw nun, ang mga abogado ng ABS-CBN. actually sila rin nagtuturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko..pagsisiwalat ni Manny..
what?? ilang taon na ba si MANNY P?? 2 years old??
__
yes, 2-years old ang utak.
1572 sudadr
more comments