news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98203 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 1491  checkababe

    03/24/2009 | 12:08 PM
    1365
    mtrcb
    March 24, 2009
    12:06 PM

    utak putik.

    mega-sardines diet.
    --------- salamat sa pag amin mo...kaya pala ganyan ka mag comment dahil kina lawang na pala yang utak mo....hahahha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1490  idontknowmuch

    03/24/2009 | 12:08 PM
    1334

    kakahiya ang abs. lalo pa nilang ipnigkalat sa buong mundo na corrupt talaga ang pilipinas dahil sa corruption nila!

    world class corrupt talaga. kaya sa international award rites:

    ...and now, the WORLD'S MOST CORRUPT TV NETWORK AWARD goes to... from the philippines, abs-cbn!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1489  allmylife

    03/24/2009 | 12:07 PM
    Supalpal ang ABS CBN Grabe NAPAHIYA ANG MGA UTANGERA LOLS!

    LUBOG NA LUBOG NA LUBOG NA LUBOG SA UTANG LOLS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1488  steelwings

    03/24/2009 | 12:07 PM
    haay naku, super mali ang ABSCBN

    wag na magpalusot mga kapampams noh!

    Paano nyo pinagtatakpan ung stampede ng wowowee at da yaan? Sorry na lang ba yun at thank you?? tapos ngayon tiklop kayo at ginamit nyo pa si manny na wala naman alam yan sa usaping batas at kontrata.

    sobrang planado ng abscbn to para pahiyain ang gma7 na sobrang namamayagpag sa pilipinas! dirty talaga ng abscbn!

    pahiya kayo ngayon kay manny at mukhang ibubuking pa kayo sa mga scripted na plan ng abscbn! nabunutan na raw ng tinik si manny after this controversy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1487  brightgirl

    03/24/2009 | 12:06 PM
    Basta maeny, ipanalo mo ang laban kay hatton. You have my support and prayers. Kahit sa dos pa ipalabas yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1486  mtrcb

    03/24/2009 | 12:06 PM
    utak putik.

    mega-sardines diet.

    that's kapuso at its best.


    hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1485  dingyan4ever

    03/24/2009 | 12:06 PM
    ok, sino ang paniniwalan at dapat paniwalaan ng tao. Si Manny na maraming na tutulungan na mahihirap na tao sa pilipinas o ang ABS na puro pandadaya, pag pipirata at pagsisinungaling ang ginagawa. Tatak naman talaga ng ABS ang mamirata, di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1484  checkababe

    03/24/2009 | 12:05 PM
    1361
    captain_under
    pants
    March 24, 2009
    12:02 PM

    hay naku PACMAN, hindi ka mananalo sa eleksyon kung mananatili ka sa GMA...ang ABS nationwide at worldwide ang audience

    unless na sa MEGAMANILA ka lang tumakbo, lol
    -----------

    oo worldwide nga ang audience ng abs, bakit maka buto din ba sila kung sakali tumakbo si manny?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1483  sexy_kapuso

    03/24/2009 | 12:03 PM
    si Pacman sa laban nya sa May 2 milyonaryo pa din manalo or matalo

    ABS-CBN talo na now ng milyon milyon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1482  captain_underpants

    03/24/2009 | 12:02 PM
    hay naku PACMAN, hindi ka mananalo sa eleksyon kung mananatili ka sa GMA...ang ABS nationwide at worldwide ang audience

    unless na sa MEGAMANILA ka lang tumakbo, lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1481  expression

    03/24/2009 | 12:02 PM
    what abs did is unethical yun lang. having someone signed a contract who is still under contract with another entity, by misleading the person involve and w/o his atty. during the alleged signing, is WRONG.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1480  idontknowmuch

    03/24/2009 | 12:02 PM
    1351

    much like the case of intel against amd.

    hindi patas lumaban ang abs at dinadaan sa pera at influence/power.

    may hangganan din ang lahat...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1479  shobizaddict

    03/24/2009 | 12:01 PM
    yung mga galit kay Manny, 'wag nyo namang hilingin na matalo sya, tandaan nyo pag nag wish ng masama sa kapwa may kapalit yan.

    hilingin nyo na lang na tabla ang laban. o di ba di naman masama yan. walang talo, walang panalo.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1478  dulcinea

    03/24/2009 | 11:59 AM
    1334
    captain_under
    pants
    March 24, 2009
    11:49 AM


    kaya WALANG IBANG KAWAWA DITO KUNDI ABS-CBN, na palaging GINAGAMIT ng mga kapuso para kumita ng mas malaking pera, mahiya naman kayo!

    ----

    ay ganun, ibig sabihin hindi sila nag-iisip, hindi nila pinapagana kokote nila? kasi batay sa sinabi mo, lagi silang ginagamit?! so looser -- nagpapagamit sila e ...

    lol ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1477  checkababe

    03/24/2009 | 11:59 AM
    1351
    rexbobmonzon
    March 24, 2009
    11:57 AM

    the image that abs is projecting to the filipino people and the whole world is bad very bad...their business ethics has gone to filthy waste can...what a shame,,,a big compnay thinking always to put down their competitor in dirty tactics..you can consider it an economic sabotage...and wat else?? their malicious intent and game fixing..
    ---------------

    VERY WELL SAID...MABUHAY
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1476  idontknowmuch

    03/24/2009 | 11:59 AM
    1352

    pansin ko nga rin. nade-delete na kasi yung ibang comments kaya nag-iiba yung number.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1475  carugdog

    03/24/2009 | 11:59 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1474  shobizaddict

    03/24/2009 | 11:58 AM
    'wag na po kayong maghintay ng official statement ng ABS tungkol dito, di daw sila maglalabas.

    yung paglabas ng video footage, parehong may mali ang ABS at si Manny. kung hindi umapir si Manny sa video wala silang ilalabas. ang ABS naman atat na atat kaya ayan ang napala nila.

    tapos andun si Dyan Castillejo, nakatanghod kay Manny. isa pang wrong move ng ABS yan, hindi ba nila naisip na hindi muna magpapa interview sa kanila si Manny dahil magpapa pogi points pa?

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1473  brightgirl

    03/24/2009 | 11:58 AM
    1347
    ---------
    wag naman sana matalo, para sa bayan ang laban na toh! heheheheh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1472  sweetie_pie

    03/24/2009 | 11:57 AM
    1333
    idontknowmuch
    March 24, 2009
    11:49 AM 1325
    weetie_pie

    di mo ba nabasa post ko sa 1319?

    di naman para sa abs kundi para dun sa comment ni kapusosmostawanted patungkol kkina manny at jc.

    gma personalities ang involved at hindi ang abs.

    ====sorry, hehehe, nagiba iba kasi ang numbering, and the number you are pointing referred to my post....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About