news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98217 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 1811  kapuso_sosyal

    03/25/2009 | 12:58 PM
    sana tapusin na lang ni manny ang contract nya sa GMA at lumipat na sya sa EBSCBN. ayaw ng mga kapuso ng mga HINDI LOYAL sa network.

    Galingan mo na lang sa laban mo at sana manalo ka for the honor of our country. and after that, LIPAT NA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1810  edc2k8

    03/25/2009 | 12:14 PM
    Kaya biglang baligtad si Manny kasi talagang illegal yung ginawa nila ng ABS-CBN [sabwatan sila] ...tapos SOLAR entertainment at GMA network pa ang kakalabanin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1809  edc2k8

    03/25/2009 | 12:10 PM
    Naku Manny, Gumawa ka ng sarili mong ikababagsak. Dumikit ka pa kasi sa ABS-CBN eh, ayan tuloy ang nangyari, puro Negative comments natatanggap mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1808  abc0101

    03/25/2009 | 12:01 PM
    advice ko lang manny, before you enter politics,you have to think thousand times,hindi padalosdalos,hindi lang emotions mo ang pakikinggan mo, lots of research, good and experienced advisers. you are really good boxer,you excel on that field, but not yet in politics, kung sa sarili mong company,no organizations at coordination sa mga staff mo,how much more if you will be in congress? law maker is not just being in a boxing arena. sana stand by your words,nasa mas matalino ka na ngayon,kesa kahapon.Use your head sometimes, not your kamao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1807  abc0101

    03/25/2009 | 11:56 AM
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1806  milkymike

    03/25/2009 | 11:50 AM
    hindi ako nanonood ng snn, na ginaya nila ang format sa entertainment tonight, lumulundag pa ba si karis kiris? nagsuot na ba ng wig si baboy abundat?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1805  ICUM2U

    03/25/2009 | 11:46 AM
    Malinaw ang sinabi n Pacman gumawa sila ng sariling Video na hindi pa dapat ipalabas....Gumawa ng ingay ang ABS akala nila lilipat na c Pacman at totoo na ang ABS ang gumawa lahat ng sinabi n Pacman sa Video dahil lagi sila sa tabi niya ang mga ASO ng ABS sa L.A kahit busy sa Practice c Pacman.......hindi talaga malinis mag trabaho ang ABS may malaking AHAS parang ANACONDA.....Paging po sa GMA hindi pa yan ang huling Plano ng ABS marami pa silang gustong sungkitin sa bakuran ng GMA kaya Alert......Sana paalala lang sa ABS mag isip muna bago gumawa ng action nakakahiya....napapanood pa naman kayo ng buong mundo ay buong Planet pala kahit sa Mars at Jupiter mga ALIEN gustong bumaba at sila na lang daw kunan ng Video ng ABS.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1804  francheskg

    03/25/2009 | 11:22 AM
    to going through...

    alam mo ba ang ibig sabihin ng BITTER? or have you seen the statement of Mr. Gabby Lopez last night? Kung tutuusin nag give way na talaga ang ABS on this issue kasi they're still concern sa fight ni Manny kasi baka madistruct pa sya because of this issue. Anong bitter dun? eh tama naman ang sinabi nya. Unawain mo muna bago ka mag react ng ganyan. It's so obviousa na napakitid nag utak ng mga pro GMA,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1803  prettymaniac

    03/25/2009 | 10:22 AM
    naku 'MONEY' kaw talaga may kasalanan. Paramg nagmumukha ka ng pera eh. Aminin man natin o hindi mayaman alam nating myaman ang ABS na pwedeng sinuhulan talaga si MONEY!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1802  cryst

    03/25/2009 | 09:19 AM
    manny has been playing for money ever since, boxing title is not a big deal for him as long as he has a good deal of payoff-win or loose.

    This issue is nobody's fault except Manny himself. Nadamay lang mga networks at Solar Sports.

    He already chunks of millions, and he wants more...greediness nga naman oh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1801  lbeneke

    03/25/2009 | 06:49 AM
    ay manny ngayon laban mong ito ay matatalo ka, God will put you down,
    mukhang pera,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1800  man_inda_box

    03/25/2009 | 04:59 AM
    ...helping others, and most of all, your family. Naiintindihan mo ba bay? lol...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1799  man_inda_box

    03/25/2009 | 04:47 AM
    Kasi naman Manny, magfocus ka na lang sa pagboxing mo. Kung ABS nangako sayo na support ka nila and help you campaign for the next election, it will never happen. That is against sa Omnibus Election Code dyan sa pinas. Kahit naman dito sa states bawal isang tv network to support a candidate sa politics. We all know marami kang natutulungang tao but you don't have the character to be a politician. Mabait kang tao, ang mga politicians dyan sa pinas mga BUWAYA. I repeat, MGA BUWAYA, kaya di ka bagay sa mga yon. They want you to run sa parties nila syempre sikat ka at marami kang pera. They're going to use your fame and money. Pagwala ka ng pera, iiwanan ka na sa ere ng mga gunggong na yan. Don't play too much of a nice guy, be smart with your money. Man, you've fulfilled your dreams and received the greatest achievements of your life. Don't let it all wash away by entering the dirty life of politics. You can easily lose what you've achieved all these years. Just focus on your businesses, helping ot
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1798  bellestariray_hk

    03/25/2009 | 12:59 AM
    ay, sori! me sagot na pala. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1797  bellestariray_hk

    03/25/2009 | 12:54 AM
    idiniin ni pakyaw ang abs. ang nakakapgtaka, kung hindi totoo ang sinabi ni pakyaw, bakit hindi pabulaanan ng abs? parang yung sabi ng mga kapamilya nun. SILENCE means YES.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1796  galore

    03/25/2009 | 12:13 AM
    going through: bo bi ta ka no? gma mong bano ang parang inagawan ng kendi. sugod mga kapusod ang ginawa nila dito sa L.A. para himukin pabalik sa kanila si mani pakyaw. kailangan nila money ni mani pakyaw, pambayad sa mga walang kalidad na mga artista nila. o ano di bah?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1795  matetdionusa

    03/24/2009 | 10:05 PM
    again and again...si moni pakyaw ang lumapit sa abs...have u seen his interviews sa LA? as simple as that...alangan naman na abogado na naman ang gumawa ng statements niya doon...yong mga nagsasabing b o b o ang abs ay sila ang b o b o dahil it is clear na si moni ang may kasalanan...bakit hindi nyo na lang tanggapin na ang idolo ninyo ay kulang sa kaalaman? pabigla bigla ang decision and how he was blaming abs sa mga pangyayari...napaka professional si mr lopez...he did not say anything offensive to anyone esp to moni pakyaw...mabait sya...prediction ni madam auring....mamalasin si moni pakyaw...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1794  luckyyorker

    03/24/2009 | 09:43 PM
    Kay Calayan na lang sya mag endorse back to back sila ni Boy Abundat sa billboard at ilagay sa EDSA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1793  kapamilya4rever

    03/24/2009 | 08:37 PM
    kung ang mga abogado mn ang nagsulat ng pahayag ni manny e bubo tlaga sya..e bakit sya pumayag..?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1792  kapamilya4rever

    03/24/2009 | 08:34 PM
    i think mamalasin c manny ngayon..sana nga malasin sya para matuto sya ng leksyon...cguro nung inoperan c manny ng abs cguro medyo malaki ang offer..ganyn nmn talaga ang business..paanu ka nmn kikita kng wlang strategy na gagawin and then tinanggap ni manny cguro kasi kailangan nya ng malaking pera para sa pagtakbo nya sa 2010..ngayun cgurado ako matatalo na nmn yan..dahil sa kanyang inconsistent na mga pahayag o mga desisyon..e kung sya na ang nka upo na congressmn sa kanilang district paano nya ehandle ito..naku manny magboksing ka nalang...baka mahigitan mo pa ang yaman ng ng mga LOPEZ..MUKHANG PERA..PERO PANGIT PARIN kahit mn lang mag pa ayos sya ng kunti ky dra. belo..hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About