Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.
Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.
Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).
Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)
Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.
Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.
"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.
Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.
"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'
"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.
"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.
Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.
Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'
"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.
Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1451 matetdionusa
1450 brightgirl
1449 redgirl
1448 kapamilya247
ABS kasi kilala yan sa pagka ano---
na may maibalita lang at para mapag usapan. malinaw naman ang sinabi ni manny. buti na lang malakas si manny kay Ms. Wilma Galvante at Redgie Magno, at mabait ang GMA na handang kalimutan lahat pati na ang mga videos na naipalabas sa ABS.
===================
yung interview ni manny live yata yun saka kung gawa gawa lang ng ABS bakit 2 beses pa siyang nag painterview.
nakakaawa naman si manny naghuhugas kamay para lang hindi malaman ng tao na siya talaga ang nagkamali. kaya ABS nxt time na lumapit si manny tanggihan niyo na yan kapal ng mukha niyan
1447 dulcinea
sweetie_pie
March 24, 2009
11:26 AM
===how would you know, that ABS has full knowledge?they are not privy to contract Manny signed and they might have acted on Manny's representation...jinky's statement only proved that there was no involuntary servitude done on the part of Manny as what he represented sa presscon ng GME, and that, what have been done, were done in mutual consent...and not on coercion
-----
e di para mo na ring sinabing obob nga ang mga lawyers ng dos. kasi ang laking tao ni manny, tapos hindi man lang nila inalam kung ano ang mga contratang involved siya, ang naman, solar sports, alangan namang wla contrata ang solar sports? -- hindi kilala ng lawyers ng dos ang solar sports?! hindi alam ng lawyers ng dos na laging may contrata ang serbisyo ng solar sports?
then the lawyers of dos, really have to review their obligations and contracts na subject sa college [maganda yung libro ni de leon, madalin
1446 sexy_kapuso
napahiya tuloy si kris. dedma ang beauty dedma na lang din sana ng mga kapamz
1445 sweetie_pie
idontknowmuch
March 24, 2009
11:27 AM 1302
wala naman silang sinabing idedemenda ah. pinapaala lang naman yung kontrata.
sa kapamilya pala ang paalala, demanda na!
===infairness, natawa ako, magbest friend pala ang GMA at ABS at pinaaalalahan nila ang ABS, hahhahahah
GME's irresponsible statement was clearly made to put ABS on the bad light.....at hindi un paala ala, hehhe
1444 brightgirl
1443 pnay_say_hoy
1442 sexy_kapuso
clap clap kasi kayo kasi PAC is BACK....
BACK TO GMA AND SOLAR
clap clap clap
1441 expression
1440 kapusosmostwanted
1439 idontknowmuch
yung comment kung yan ay para dun sa post ni kapusosmostwanted patungkol kina jc at manny.
wlang kinalaman yan sa abs.
1438 ako_ito_eh_bakit_ba
1437 sweetie_pie
ung corporate stand ng ABS will make or break sa tie nila with Manny kaya maingat cla noh....
1436 brightgirl
1435 jutaime
1434 sweetie_pie
1433 kapusosmostwanted
1432 sexy_kapuso
pinag iisipan pa talaga pano ang diskarte
kasi pag wala kang tinatago...instant may masasabi ka kasi eh
sila...mag vo-volt in muna. hahaha
power rangers!
more comments