"Nakikiusap ako sa kanila na huwag namang gamitin... Wala namang kinalaman yung asawa ko. Yung asawa ko lang naman ay sumusuporta sa akin. Kung nasaan ang mga husband, andun din ang mga asawa, nakasuporta," saad ni Manny.
Ano yung pinakamalaking leksiyon na natutunan niya sa lahat ng nangyari?
"Siguro mas matalino na ako kesa kahapon!" natatawang sabi ng boksingero. "Ang natutunan ko ay huwag padadala sa emotions mo. Kailangan mo munang pag-isipan."
Pagkatapos nito ay nagpasalamat si Manny sa pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 sa "pag-intindi, pag-unawa kung anong mga sitwasyon. At sana'y kalimutan ang lahat and we have to move on."
Bilang tugon ay nagbigay rin ng kanyang mensahe si Atty. Gozon para kay Manny.
"Manny, wala kaming hangad sa iyo kung hindi ang kabutihan mo at maipanalo mo itong laban mo kay Hatton. Hindi lamang para sa iyo at sa iyong pamilya kung hindi para sa buong bayan natin. Tapos na ang nangyaring 'yan, kalimutan na natin 'yan, and let's go forward. Mag-training kang mabuti at lahat ng mabubuting hangad namin ay nasa iyo. Mabuhay ka, Manny!" pahayag ng big boss ng Kapuso network.
Sa huli ay ito ang mensahe ni Manny: "Maraming-maraming salamat sa pagtitiwala at pagdarasal at ang fight ko na 'to ay alay ko sa ating mga kababayan at mga minamahal kong kababayan sa lahat mang sulok."
Sinubukan ng PEP na kunin ang panig ng ABS-CBN tungkol sa mga pahayag ni Manny, pero ayon sa Corporate Communications nila ay hindi sila maglalabas ng statament ngayong araw na ito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1791 gorgeous_mommy
1790 gorgeous_mommy
1789 going_through
1788 pinoypower99
1787 menggay117
1786 film_p
1785 kapalmilya
1784 arki_redge
1783 matheresa15
1782 matheresa15
1781 kapalmilya
1780 zxcvb
beautifulmari
an
March 24, 2009
16:01 PM
thimsdubai
Sorry ka! It is not GMA's nature na magdikta.
----
talaga? remember wilma galvante telling her writer to write something against kris a?
1779 kapalmilya
1778 agi07
1777 xspring
1776 thirdofakind
1775 ruas19
1774 soapie
asan ba ako at di ko ito napanood sa TV???
nagbabasa pala ako ng book!!!!!!
may isyung diktahan pala!!!!!!!!!!
1773 level_up
1772 honestgabby
more comments