news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98269 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 1231  sikwati

    03/24/2009 | 09:23 AM
    wala akung paki sa mga utang nila, sa mga pera nila, basta ako sa darating na mayo i bet 500 dollar for hatton oh sinong mag bet kay pacman dyan???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1230  justberyle

    03/24/2009 | 09:23 AM
    Pacman is plyaing safe now just for the sake of the Contract.. and he better to stay para wala ng gulo.. so everybody happy and understand..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1229  sexy_kapuso

    03/24/2009 | 09:23 AM
    kung nagbabasa din mga illegal dept. ng abs

    ANTAYIN NYO NA WALA NG CONTRACT SI PACMAN SA KUNG SAAN SAAN MAN...WAG ATAT okidoki =p
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1228  franchescaryanne

    03/24/2009 | 09:23 AM
    yung mga lawyers ng dos, ano na? anong ginawa ninyo? nakakahiya di ba?

    kayo pala nag-draft ng kung ano ang sasabihin niya, talaga naman!! tapos sasabihin ni man-ne, sariling desisyon ...

    ________

    dulcinea

    u must be so gullible if u believe that statement of manny regarding what the abs lawyers did. do u honestly believe that manny is that STUPID to do exactly what he had been told to do?? do u really believe na mg-isang mkkpg-usap c pacman sa abs??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1227  gmabest

    03/24/2009 | 09:22 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1226  sikwati

    03/24/2009 | 09:21 AM
    basta sa pagkaka alam ko, hindi na masaya si manny pacman sa GMA, yun lang...

    at para kay manny, kung mababasa mo man itong post ko, mag tiis ka muna dyan sa GMA, mag antay ka muna, hayaan mo, ika nga patience is a virtue of waiting..

    to gma -solar -- sana respituhin nyu naman ang mga audience nyu, sana naman wag kayong bastus sa kanila, kasi ang dami nyu ads.. mas madali pang matapus ang bawat round sa boxing kay sasa TVS ads ng bawat round, and to ABS, sana wag na ninyong tanggapin ang ka bulastugan ni manny.. you can stand w/o him, but sad to say na SOlar and GMA cannot... TC always manny...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1225  gweenn

    03/24/2009 | 09:20 AM
    UTAK TALANGKA SI MANNY YUN LANG YUN...

    kung nagbago ang isip nya na bumalik sa gma7 dapat hindi nalang siya nagsalita AGAINST ABS-CBN dahil kahit naman saan siya pumirma ng kontrata pera parin ang pinag-uusapan...at hindi naman siya hinahabol ng abs-cbn,kahit pa inalok siya ng abs na mag-ober da bakod hindi nya papatulan ang alok ng abs-cbn kung talagang ang LOYALTY niya ay nasa gma7...sabi nga ni MANNY,KAGUSTUHAN NIYA ANG DESISYONG LUMIPAT SA ABS-CBN AT SIYA MISMO ANG LUMAPIT SA ABS-CBN...TAPOS ngayon sasabihin niya na hindi siya ang gumawa ng statement na yun kundi ang abogado ng abs-cbn?...ibig din bang sabihin ni MANNY na lahat ng mga sinasabi din ngayon ay utos lang din ng mga abogado ng gma7?....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1224  malayKo

    03/24/2009 | 09:20 AM
    ABS talaga kahit kailan hindi marunong magpakatao...tsk tsk tsk.. Palibhasa alam nila kung pano utuin si Manny. They don't value their words... Ke Manny na mismo nanggaling. Scripted ang sinasabi nia. At ilalabas lang pag napatunayan na na wala na siang sabit sa contract nia sa Solar.

    Ang sama-sama talaga ng ABS. Napaka-EVIL.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1223  expression

    03/24/2009 | 09:20 AM
    pakana pala ng mga abogado ng dos sasabihin ni pacman sa vtr lolz grabe paulit ulit nila ang airing sila naman pala nag orchestrate, you're shameless abs! close to saying na nilalason talaga ng mga alagad nila utak ni manny led by dyan aso.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1222  sexy_kapuso

    03/24/2009 | 09:19 AM
    sikwati wag ka makalimut...ill-advised si Pacman....not bcoz hindi sya masaya lilipat na sya...meron HD hidden desires ang both parties

    si pacman gusto tumakbo sa election so gusto nya wide coverage and full support sa election from abs...while ang abs-cbn...money...they need money
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1221  iloveyou1234

    03/24/2009 | 09:19 AM
    si manny wala palang sariling bait...madaling madiktahan ng kahit sino...siguro ngayon GMA naman ang nagdidikta na ito ang kanyang sasabihin...paano na yan ngayon maniniwala pa ba ang ang sambayanang pinoy sa mga pinagsasabi ng pambansang k...ahihiyan!!!!walang sariling bait...uto uto!!!

    we are all dissapointed...di ba GMA???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1220  franchescaryanne

    03/24/2009 | 09:19 AM
    i can't believe the way some kapuso forumers here are rejoicing that they have manny back. one thing is very clear, manny stayed w/ gma not because of LOYALTY but because of his contract w/ SOLAR.
    i wonder how the kapusos feel about jinkee pacquiao now?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1219  dulcinea

    03/24/2009 | 09:18 AM
    1125
    sweetposh
    March 24, 2009
    09:15 AM

    alam mo sana matalo ka kay Hatton para bumaba yang ere sa utak mo! ska Kris Aquino, kumusta naman kay Mareng Jinkee Pacquiao? Nagsabi pa ba xa syo na gusto nyang lumipat ng ABS? Hahahahaha!!!

    -------

    kunin na si jinkee ng dos, gawan na rin siya ng sitcom/talk show, tutal, magkamukha naman sila ni manny ...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1218  sarimanok

    03/24/2009 | 09:17 AM
    obviously,d ngsa2bi ng 220 c manny,bakit nung wala png umaapela d k ngsalita?tapos ngaun ng nlaman mo n isu2e ka,cnabi mo npilit k lng,ano k bata para pilitin,dont wish that you will have a place in politics,kc nki2ta n madali kng 2ruan,wala k sarili desisyon,sana ma222 k n nga,stick k n lng s GMA,where you belong,ndi ganyan,nawa2lan ng gana ang masa sau,idolo k p nmn,pgbutihin mo n lng pag-eensayo mo,sana manalo k.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1217  alamak

    03/24/2009 | 09:16 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1216  kapamilyang_kapuso

    03/24/2009 | 09:16 AM
    dami na galit kay manny n kapamilya pero nung isang linggo lang puro papuri nila! hahahaha typical kapamilya talaga.



    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1215  dulcinea

    03/24/2009 | 09:16 AM
    yung mga lawyers ng dos, ano na? anong ginawa ninyo? nakakahiya di ba?

    kayo pala nag-draft ng kung ano ang sasabihin niya, talaga naman!! tapos sasabihin ni man-ne, sariling desisyon ...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1214  sweetposh

    03/24/2009 | 09:15 AM
    alam mo sana matalo ka kay Hatton para bumaba yang ere sa utak mo! ska Kris Aquino, kumusta naman kay Mareng Jinkee Pacquiao? Nagsabi pa ba xa syo na gusto nyang lumipat ng ABS? Hahahahaha!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1213  sarimanok

    03/24/2009 | 09:14 AM
    grabe nmn 2ng c jutaime mgsalita,kla mo santo,wag kng mnghusga,baka sau bumalik yang mga cnasabi,nka2hiya k,wag k ng magdasal,kung ngda2sal k nga,dahil ndi gawain ng kristyano yang gngawa mo!...nka2hya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1212  sikwati

    03/24/2009 | 09:14 AM
    1112
    sexy_kapuso
    March 24, 2009
    09:06 AM

    walang masama sa PAGBAGO NG ISIP
    kung para sa ikakabuti mo dapat lang

    only fools dont change their minds

    ------------------------
    sa ikabubuti okay, kasi mas nakakabuti talagang sundi ni manny ang conract nya kasi kung hindi malaking gulo yun, pero sa ikasasaya nya???

    maitanong ko lang, kung talagang masaya si manny sa SOLAR - GMA.. bakit kaya nya maisipang kumalas sa kanila at bakit kaya nag TEXT si Jinky kay Kris na matagal ng balak ni manny na bumalik sa ABS-CBN?? bakit kaya???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About