news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98224 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 1171  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    03/24/2009 | 08:48 AM
    basta Manny, dapat manalo ka kay Hatton! kung gusto mo lumipat sa dos, wala akong pakialam! basta lang dapat manalo ka... sau na lang bumabango ang pangalan ng Pilipinas... kaya bahala ka, mapressure ka jan... dapat manalo ka! hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1170  snow_country

    03/24/2009 | 08:47 AM
    Monkey!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1169  iloveyou1234

    03/24/2009 | 08:47 AM
    manny isa kang kahihiyan sa mga pinoy...una mong nilaglag ang GMA ng lumapit ka sa ABS...tas nag palabas ng statement ang GMA na dissapointed sila sa iyo...ngayon ang ABS naman ang nilaglag mo...nakakahiya ka MR. MANNY PAQUIO!!!!isinuka mo na ang GMA kinain mo ulit!!!kadiri ka!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1168  sexy_kapuso

    03/24/2009 | 08:47 AM
    life is like a wheel
    nun isang araw ang kapuso ang asar

    now ang mga kapamilya ang inis

    abangan ang susunod na kabanata
    kapuso na naman ang asar bukas kay manny hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1167  jutaime

    03/24/2009 | 08:45 AM
    1060
    josheph
    March 24, 2009
    08:27 AM
    -------
    Halatang halata ang pagiging bitter mo day ahahahahhahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1166  sikwati

    03/24/2009 | 08:43 AM
    walang hiya ka manny.. ang ginawa mo sa Golden boy promotion noon between Top rank, ginawa mo rin between Solar and ABS, naku manny.... if hatton will win in this duel, it wont be a surprise anymore, it's your fate, kasi wala kang kwenta... ewan ko ba.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1165  igorot21

    03/24/2009 | 08:43 AM
    HIRAP MONG INTINDIHIN NAKAKALITO KA MANNY!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1164  incumbent

    03/24/2009 | 08:43 AM
    Grow up Manny...ikaw ang lumapit sa ABS na parang nilaglag mo na ang Solar at Gme..ngayon ABS naman ilaglag mo?!! In this fight with Hatton, I dont think you can beat him... shame on you..Id rather watch Bastkeball TV..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1163  chinesefoodmakesmesick

    03/24/2009 | 08:43 AM
    see? see? seee? mga taga dos sobrang bitter! tas kung nakalipat si manny am sure sasabihin nila, oh welcome manny, tama lang ang desisyon mo! nek nek nyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1162  apolloadama

    03/24/2009 | 08:42 AM


    I guess ABS will stop Dyan Castillejo will stop following Manny like puppy from now on. Oh this is such priceless.


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1161  iloveyou1234

    03/24/2009 | 08:40 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1160  sikwati

    03/24/2009 | 08:39 AM
    kahit anu paman, wala talagang kwenta si manny, ang ginawa niya sa ABS any ginawa din nya noon sa Golden Boy Promotion at wag nyung sabihin ang ang katulad ni Oscar Dela Hoya ay manunulot kung sinulot man si manny ng ABS... sayang ka talaga manny sayang katulad ng ibang mga kapus O dito.. at alam kung tama talaga si Korina Snchez noon, na napaka-BOBoooooooooooohhhh mo talaga.... at sa pagkaka alam ko rin ay number na ulit ang ABS ngayon sa Mega manila at NUTAM, kaya nga walang inilabs na rating eh, ang PEP talaga ohh, kala ko walang kinikilingan, NAKU.. basta sa boxing lang kita I dol manny, the rest ewan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1159  dadi37

    03/24/2009 | 08:39 AM
    wala naman sanang problemang lumipat....kung walang kuntrata kaso meron pa at alam yan ng abs ....

    sa tingin ko gusto na ni manny na magretire bilang boxer . gustong tumakbo sa politika kaya lang alam nyang hindi sya susuportahan ng GMA kasi di nila gawain ang ganyan kaya sya lumapit sa abs..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1158  kapamilyang_kapuso

    03/24/2009 | 08:38 AM
    hahaha sabik na nga ba,pakana ng ABS to eh! syempre malakingpera to kung sakali lilipat s manny s kanila, kaya they promise manny quot;somethingquot; in the next election! FREE AND FULL SUPPORT via TV ads, print ads for his upcoming plans to run n nxt year election! kaya ang kawawang manny umo-O naman kaagad at c ABS gawa kaagad ng statement for manny to say on TV! hahahaha masyado kc minamadali nila pero naudlot pa at nakakahiya s public!

    MONEY amp; lots of money sana kung saka-sakali.

    well sana matuto kana rin manny wag kang masilaw s pangako lang!


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1157  shoti

    03/24/2009 | 08:37 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1156  proudtobe1

    03/24/2009 | 08:36 AM
    ngekk another palpak ng abs cbn tsk tsk tsk

    goodluck na lang manny sa fight mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1155  yantyn

    03/24/2009 | 08:35 AM
    ngek ano ba manny wla kang isang salita turn.off ako sa yo, go abs huwag ng icover mga fights ni pacquiao tingnan lng natin....
    ok lng naman kng nasa gma yung mga kapamilya nanonood pa din naman but kng ganito naman yung mga pinagsasabi niya mabuti huwag na panoorin, obvious naman na gus2 niya lumipat sa abs mag.aral ka muna manny pra sa kabutihan mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1154  apolloadama

    03/24/2009 | 08:35 AM


    ABS, Manny, you're all dirty. Users, all of you. Endless cycle. Karma is just around the corner. I will laugh my a off if Ricky punches your lights out this may.


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1153  iloveyou1234

    03/24/2009 | 08:34 AM
    manny di ka ba nasusuka sa mga pinagagawa mo????at sasabihin mo pang para sa pinoy ang laban mo..pero nanlaglag ka ng mga kapwa mo pinoy...nakakahiya ka!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1152  sikwati

    03/24/2009 | 08:34 AM
    ohh, i bet 500 dollar for hatton majority desisyon or TKO... sino ang lalaban dyan???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About