news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98274 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 1071  dosperados

    03/24/2009 | 06:23 AM
    hay naku talo na umaapela pa. kahit ano gawing depensa, walang napatunayang violation kaya di pa pwede lumipat. hintay na lang nila na mag expire at solong solo na nila si pacman. yun nga lang baka retired na sya that time hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1070  yanette

    03/24/2009 | 06:22 AM
    Point is... inamin pa rin ni Manny na desisyon niya ang paglipat sa ABS... Pero in the guise of emotional instability -daw.... Napaka-lame yata ng sagot na ito dahil sa isang seasoned fighter na katulad niya, hindi uso ang pagiging emotional lalo na sa paggawa ng malalaki at importanteng desisyon... Aba Manny, kung emotional ka pala na tao... eh baka matalo ka nyan ni Hatton...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1069  bisayasatate

    03/24/2009 | 06:21 AM
    Ohh Boy ANO BA TALAGA KUYA???
    Dapat itong maging lesson sa lahat ng tao. Huwag magpadala sa emosyon and frustration over something or someone. Di ba Tita Annabel and Mam Wilma???
    Kung sabagay may pattern naman talaga si Manny to change his mind eh so abruptly. Ok na lang din at least makikita ang fight nya sa Pinas, be it be GMA or TV 5 or Channel 9.
    Sana manalo pa rin si Manny para sa Filipinas at sa mga Pinoy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1068  pepticulcer

    03/24/2009 | 06:21 AM
    Billions of pesos coupled with naivete/lack of education make one a prime target for users. This is the reason why Manny is always taken advantage of....poor guy......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1067  sexy_kapuso

    03/24/2009 | 06:19 AM
    mga lawyers ng ABS-CBN talagang PUMUNTA PA SA U.S para lang ma ambush si PACMAN

    kakaawa naman. ATAT NA ATAT sinalakay ng walang bantay si PACMAN

    syempre yun SOLAR at GMA pumunta sa US para ayusin not becoz sila ang naghahabol...sa kanila naman may contract si PACMAN

    ABS-CBN parang kawatan ang labas EWWWWW
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1066  yanette

    03/24/2009 | 06:17 AM
    Bakit walang statement na inilabas ang ABS? Dahil naiintindihan nila na ang mga statements ni Manny ngayon ay pawang mga LEGAL DEFENSES.. na yun lang ang paraan para malinis siya at mabawasan man lang ng konti ang exposure niya sa legal risk.. They don't want to burn-bridges yet i'm sure they've learned a lesson with this experience.. Ang importante sa kanila ngayon eh ang tagumpay ni Manny sa kabila ng lahat at hindi ang palakihin ang gulo.. Hindi ugali ng ABS ang sugod ng sugod..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1065  sexy_kapuso

    03/24/2009 | 06:16 AM
    scripted daw kasi nga naman gawain ng ABS-CBN kaya alam na alam nila

    daming bulag

    SUPALPAL, NAPAHIYA AT NABUKING
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1064  dosperados

    03/24/2009 | 06:14 AM
    sinabi nang maghintay at binubulatlat pa kung lumabag sa kontrata ang solar e atat nang ibrodcast ang paglipat. ayan tuloy BUTATA. pahiya kayo noh hehehe

    haay naku ang mga abogado na dapat magtanggol sa katotohanan ang number 1 sinungaling.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1063  jokermania

    03/24/2009 | 06:14 AM
    di ba ginawa mu na rin yan sa golden boy promotion ni oscar dela hoya,pu,dun ka unang pumirma ng kontrata,den lumipat ka sa top rank! asus palusot ka pa ngaun, paulit ulit nalang.naduduling ka na nga pati ba utak mo duling na rin?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1062  bellestariray_hk

    03/24/2009 | 06:12 AM
    sino daw lumapit. nasan ba c pakyaw nung pumirma? parang nasa states yata at nag e ensayo. hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1061  jokermania

    03/24/2009 | 06:11 AM
    manny naduling ka ba nung mag decide kang lumipat sa dos?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1060  sexy_kapuso

    03/24/2009 | 06:10 AM
    madam charing ano na naman kapalpakan toh
    lagi na bang ganun na lang? wala ka sa eksena para kunwari mga tauhan mo lang may sala?

    illegal department ng ABS-CBN
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1059  yanette

    03/24/2009 | 06:09 AM
    Ang punto dito.... SINO BA ANG LUMAPIT?? ... ang pagawa nung video ay normal na kalakaran sa telebisyon lalo kung ang subject mo ay hindi readily available like MP... kung totoong tuso ang ABS... sana pinrotektahan na nila ang sarili nila sa umpisa pa lang ng hindi sila nababaligtad ni Manny ngayon.. I'm certain that sila mismo ay na caught off-guard sa mga statements ni manny ngayon... Uulitin ko, SINO BA ANG LUMAPIT?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1058  Cloud_7

    03/24/2009 | 06:08 AM
    xphrex,

    grabe.....namnamin mo na lang ang pagbuking ni Manny sa panunulot ng ABS, haha!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1057  bellestariray_hk

    03/24/2009 | 06:08 AM
    well...kung scripted yun, aba, dapat lang na magbigay ng statement ang ABS!

    eh bakit tahimik yata sila?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1056  xphrex

    03/24/2009 | 06:04 AM
    hay makauwi na nga at mashopping pa ako sa walmart..lumabas na ang TWILIGHT dvd..im sure enjoy ako mamaya manood..

    mahirap makipag talo sa mga bobita at uto uto gaya ni manny at gme..ehehe

    bye guyz!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1055  moroy

    03/24/2009 | 06:04 AM
    as if... it seems binaliktad ni manny ang kanyang desisyon and he is making excuses, ang masama pa parang abs cbn ang culprit..tingnan nyo naman the executives from solar and gma kandarapa pumunta sa US just to make sure that manny will stay with them, and i am sure they made significant offers to manny, remember manny was questioning regarding financial matter from solar sports...it is no doubt these two companies were alarmed.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1054  xphrex

    03/24/2009 | 06:02 AM
    pathetic talaga ang mga kapusoy

    gumawa lang ng accusation sa manny kinagat agad. hahaha mga uto uto..niloloko lang kayo ng explanation ni manny siyempre pampalubag loob..hhahahahahah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1053  xphrex

    03/24/2009 | 06:00 AM
    pansin, ko lang, bakit gme is having problem with it's talent, and saka dealing with it, papasok ang mga gozon?

    sa abs, mga lopezes u never heard them dealing with the stars directly? professionals at classy kase mga lopezes compared sa kacheapan na gme..hehhehehe

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1052  xphrex

    03/24/2009 | 05:59 AM
    last friday pumunta ang executives ng gme at solar sa kay manny sa states. lahat ng sinabi ni manny benebrefing na ni wilma para hindi mapahiya ang gme..hahaha style nyo bulok. siyelmpre, bumalik siya so hanap siya ng paraan..kaya ayan scripted na lahat sinabi ni manny against abs para hindi mapahiya ang gme dahil sampal sa kanila ang ginawang paglapit ni manny sa abs ng kusang loob. ahahah..walang magawa si manny dahil tinakot ayon nag-ingay against abs para may mablame..pathetic ka manny ang gme..kahit kailan wa-class kayo..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About