news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98227 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 1011  ochoochona

    03/24/2009 | 03:47 AM
    Talaga naman happy si Jinkee if they become kapamilya again. class naman abs ano. mga artista dyan, si Richard lang kilala. d rest, never heard. ang papangit pa.Palengkera pa lalo na marimar.hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1010  bellestariray_hk

    03/24/2009 | 03:44 AM
    bakit kaya wala statement na inilabas ang ABS tungkol sa mga PAHAYAG ni pakyaw?

    meaning totoo? tanong lang po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1009  bellestariray_hk

    03/24/2009 | 03:40 AM
    d ko napanood yung big EWAN ni kris nung tanong sya tungkol sa NAUNSYAMING paglipat ni pakyaw.

    para ko ng nakikita pagka irita ni kristeta. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1008  yurilea

    03/24/2009 | 03:35 AM
    hindi po magandang banggitin at isingit s wlang kwentang usapan c Bro..im sure alam nio ren yan mga kapamilya at mga kapuso..small favor lang po..wag nlang po naten Siyang idamay s mga arguments nten..salamat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1007  monztersinc

    03/24/2009 | 03:32 AM
    halu kapusongcreative... ganun din nangyari sakin noong una... just use simple words lang i remember instead of using the exact spelling gawin mong mali ang spelling kasi minsan naka-program yan kaya ayaw pumasok ang comment mo. tnx. pero refrain mo na lang ang mga cursing kasi naka-program siguro yan. tama ba pep? hahaha. sorry ha... nag-observe ko lang noong unang araw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1006  yurilea

    03/24/2009 | 03:30 AM
    wag na daw idamay idamay c jinky kc baka kung ano na nmang masabe..eh cia pa nman ang nagbuko na matagal ng gus2ng lumipat ni manny s abs...hehehe
    naku baka sabhin den nia..idinikta lang sken ng abs ang i tetext ko kay mareng kris..anyway..goodluck paren s laban mo pacman..magdiwang n mga kapuso! bumalik na ang isinuka nyo few days back..hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1005  bellestariray_hk

    03/24/2009 | 03:30 AM
    baka c jinkee pa, maniniwala ako na gusto na nyang lumipat c manny. nagbalik GMA kasi c ARA. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1004  kapusong_creative

    03/24/2009 | 03:28 AM
    wow! galit na galit sakin tong moderator! panay ang delete ng comment ko kahit simpleng words lang. tignan mo nga yang mga naka-post na comment dyan? and tell me why my comment should not be posted as well?

    ok fine. sa yo na lang tong page mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1003  ratratan

    03/24/2009 | 03:27 AM
    sa pangyayaring ito parang walang legal department ang abs-cbn, meron sila ay illegal department. buhay nga naman ng mga anino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1002  bellestariray_hk

    03/24/2009 | 03:27 AM
    sarili ko pong desisyon ang paglapit sa ABS tapos biglang bawi na... MGA LAWYERS PO NG ABS ANG GUMAWA NUN. SILA ME IDEA NA GAWIN YUNG SINABI KO. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1001  niknok07

    03/24/2009 | 03:27 AM
    mabuti pa si manny may utak di gaya ng is dito na ipinagpipilitan ang gusto nya.HINDI YATA BINASA YUNG ARTICLE.ETO PO YUN,WAG TAYONG GUMAWA NG VIDEO DAHIL DI PA SIGURADO KUNG BREACH OF CONTRACT NGA.HINDI,ITATAGO NAMAN NATIN YUNG VIDEO AT SASABIHAN KA NAMIN KAPAG ILALABAS NA.SYEMPRE KAPAG DEVIL ANG NAGSALITA MAKOCONVINCE KA TULAD NG GINAWA NG SNAKE KAY EVE.EH EVIL-CBN ANG nagsabi kaya pumayag si manny.pero ang ginawa ng evilcbn eh inilabas kaagad yung video.patay kang manny ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1000  monztersinc

    03/24/2009 | 03:26 AM
    xphrex, i remember you right ikaw yung nagki-claim na na belong sa legal community right. kung ikaw man yun sana naman pick up some legal basis hindi yung sa pagmumukha ng isang tao mo binase ang mga arguments mo.

    wala ka bang makuhang libro buti pa ako may kapitbahay akong law stud nagtuturo sa akin ng mga legal basis ng issue na ito public interest na din. hehehe.

    at akala ko ba quality ang shows ng abs at bakit puro yata cursing ang ginagawa mo. yun ba tinuro ni BRO? hehehe. wala pala impact ang BRO na yan? parang zero or negative effect lang. hahaha. opinion lang based sa argument mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 999  xphrex

    03/24/2009 | 03:20 AM
    gme kapit tuko kay manny ..tama..isinuka na pinagpipilitan pa ang sarili..ooohhhh...basta mahalaga inamin ni pacman siiya lumapit sa abs dahil matagal na niyang gusto..di ba jinkie? ...hindi naba niya masikmura mukha nila gozon at wilma? hhehehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 998  chie334

    03/24/2009 | 03:19 AM
    ano ka ba manny wag mong sabihin na parang kang puppet,robot na sunod sunoran sa anomang sabihin sayo..i can sense some exxageration here..wala ka bang utak at may karapatan kang mag disagree anytime you want to..hay naku..bahala ka sa buhay mo..basta..panalunin mo parin ang laban..para sa mga pilipino
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 997  Angel_Calamares

    03/24/2009 | 03:19 AM
    Gusto lang nilang pasikatin yung ABS-CBN Sports, nainggit sa Solar Sports. Pangdagdag kita nila sana yon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 996  niknok07

    03/24/2009 | 03:18 AM
    totoo yon na hindi saklaw ng gma ang mga fights ni manny dahil naki tie up ang solar sports para sa airing nito.dahil wala naman sariling channel ang solar sports.pero as a talent may karapatan ang gma na habulin si manny dahil meron pa syang live contract dito.kahit naman sa abscbn mangyari ang ganuon eh maghahabol din sila.dahil yun ang karapatan ng bawat network.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 995  monztersinc

    03/24/2009 | 03:17 AM
    xphrex... sa paglilinaw lang... na-una po ang solar na mag-contract kai pacman... at it's management prerogative to enter into contracts kaya nakipag-sundo na din ang solar at gma na makipagcontract din. kaya nga tatlo ang involve na contract. 1st manny-solar for exclusive air righs... 2nd manny-gma for exclusive artist and 3rd gma-solar for gma to air in RP the exclusive right of solar to air the fight. yan po. kaya puro po iyan exclusive. kaya sana may legal dep't naman ang abs sana alam nila yan. kaya they are also negligent aside from Manny's contributory negligence.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 994  no_comment

    03/24/2009 | 03:16 AM
    i think given na naman na kalakaran sa tv industry ang sulutan. palagay ko lang sobrang negligent ang legal department ng abs-cbn sa isyung eto. kung ako mga bosing sa abs-cbn sinisante ko na mga taga-legal nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 993  kapusong_creative

    03/24/2009 | 03:16 AM
    parang iilan lang ang mga nagtatanggol sa kapams ah! feeling ko iisang tao nga lang ang mga ito eh. tanggol pa rin to the maxxxx! hhahahaha!

    mga loser talaga tong mga kapams!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 992  xphrex

    03/24/2009 | 03:15 AM
    abs ang gumawa? totoo abs ang nagcover ng video..pero kusang loob ni manny iyon..hahah sa ginawa nyo sinabi nyo na ring walang utak si manny at sunud sunuran lang..pathetic..kagaya nyong mga kapusalad..hahahha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About