news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98238 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 971  kapusong_creative

    03/24/2009 | 03:01 AM
    Thank you PEP ha! For editing all my comment..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 970  xphrex

    03/24/2009 | 03:00 AM
    haahay..it's a big insult on the part of gme na inalok nya ang abs to cover his fight..imagine ninong pa yan ng mga anak nya..by the way, cheap naman mga gozon hindi nga kilala..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 969  rmel_kapuso

    03/24/2009 | 02:58 AM
    kung evil man ang GMA....i will go for lesser evil....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 968  galore

    03/24/2009 | 02:58 AM
    TANDAAN: sa darating ng mga eleksyon, kung piliin ni pakyaw na tumakbo sa kahit na anong posisyon, kahit na barangay tanod, mag esep esep, gagawa yan ng desisyon na hindi pinagisipan,tapos mag tuturo. IKAW ang ituturo, sisihin ka,quot;kase ikaw ibinoto mo ko ehquot; heheheheheheh, buang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 967  bellestariray_hk

    03/24/2009 | 02:57 AM
    ganun ba? hmmm...eh bakit kaya ayaw magbigay ng statement ng ABS? pinag iisipan pa yata kung ano PALUSOT gagawin nila?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 966  niknok07

    03/24/2009 | 02:57 AM
    totoo naman na gustong lumipat na ni manny sa kapamilyaaaacks quot;IFquot;.pero ang nangyari eh hindi tumupad ang palinghaDOS sa usapan.eh ganyan talaga ang tatak abscbn.and don't forget na it's kapamilyaaaaaks who ask manny to read this and do that.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 965  bellestariray_hk

    03/24/2009 | 02:55 AM
    hehehe. para ring kayong mga kapamilya noon. todo WELCOME at PAC is BACK pa kayo. TODO LAIT pa nga kayo sa GMA kung bakit INIWAN ni pakyaw. hahaha

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 964  xphrex

    03/24/2009 | 02:53 AM
    niknok, mas wala kang utak o kung mayroon man isang tasa lang hahahahahah kaya die hard kapuspalad ka..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 963  pretty_pharma

    03/24/2009 | 02:53 AM
    sunod-sunod ang mga negativities sa evil network.......so bad......what a shame.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 962  ratratan

    03/24/2009 | 02:52 AM
    nadidismaya na raw itong mga tfc subscriber dito sa bandang amin dahil meron naman daw BRO ang abs-cbn pero ang gawain daw ay kay s-a-t-a-n.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 961  xphrex

    03/24/2009 | 02:52 AM
    naniniwala naman kayo sa pointing fingers ni manny? haler..siyempre napahiya sa ginawa ayon hanap ng lusot..kaya gme..sige pasipsip ulit..hahhahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 960  monztersinc

    03/24/2009 | 02:51 AM
    tnx for understanding pretiks. all we want is justice and peace to prevail and wala sana bitter. at we all know na kahit kapuso ako kasi mas like ko shows nila... alam ko na kung may pagkakamali ang gma sa batas sana naman they should also submit to be punished under the law. yun kasi sabi ng kapitbahay kung law stud. dapat kung may rights na na breach may managot either civilly through damages or criminally through imprisonment. kakatakot pala ang batas noh. sana ma-implement ito ng maayos. tnx for listening guys. hehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 959  niknok07

    03/24/2009 | 02:51 AM
    xerex.....mabuti pa ang talangka kahit papaano may utak hindi kagaya mo na talagang wala ng utak dahil kahit puro sabalay na ang nangyayari sa network mo all praises ka pa rin.AMEN HEHEHEEH
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 958  bellestariray_hk

    03/24/2009 | 02:51 AM
    yung tungkol sa pirmahan sa contract, d pa nililinaw ni pakyaw. abangan na lang natin kung ano PASABOG na naman ito.

    clear lang nya yung tungkol sa video at sa SARILI KO PONG DESISYON ek ek nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 957  xphrex

    03/24/2009 | 02:48 AM
    kapuspalad,

    puro papuri na kayo ngayon ah..halos atakihin kayo sa puson nong binalitang lilipat si manny..sinumpa nyo nga siya..ngayon inaamo nyo na naman..hehehe pathetic..

    executives pa mismo ng gme pumunta kay pacman at nakisuyo..ayon..si lagarista biglang kumambyo..haha

    there is one thing napatunayan dito, inamin ni pacman siya lumapit sa abs, which means gusto nyo sa kapamilya dahil malaking coverage nito..napahiya ang gme kaya ayon bragging kesa malaki nadaw coverage nila in dubai..haler lokohin nyo lilang nyo. lastly, the incident vindicates dianne against paninira ng gme sa kanya. tsaka, pwede u advise gme sport reporter na galingan nila dahil nakakahiya mas maganda pa magcover ang abs sa kanila..hehehhe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 956  pretty_pharma

    03/24/2009 | 02:47 AM
    yuck! nakakahiya talaga ang ginagawa ng evil_cbn......so this only signifies na totoo lahat ang mga previous accusations against them.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 955  pretiks

    03/24/2009 | 02:47 AM
    846
    monztersinc
    ok..na ge gets ko na po..thanks for explaining..kso nakadadag kc s credibility ng statement nia s abs yung text ni jinky kay kris na matagal n niyang gus2ng lumipat s abs..pwera nlang kung pati asawa ni manny bngyan ng script ng mga lawyers ng abs kung ano i te text kay kris...hahaha! anyway, i still wish him to win..para nman yung mga nagalit s kanyang mga kapamilya e lumambot ang puso..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 954  Angel_Calamares

    03/24/2009 | 02:46 AM
    Nagsayang lang ng tinta at papel ang ABS-CBN sa kontratang pinirmahan nila. Nagsayang lang ng airtime sa TV Patrol at sa Pac is Back.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 953  xphrex

    03/24/2009 | 02:44 AM
    haler, sinong lumapit? aminin..mga palusot nalang ni pacman iyan..lukuhin nyo lilang nyo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 952  monztersinc

    03/24/2009 | 02:43 AM
    tama... contract bah? if i recall it right sa sinabi ng kapitbahay ko na law stud. sabi niya may elements for ang contract. to name it consent, subject matter and consideration. remember these are business contracts more of civil daw siya na matters.

    consent po ay nabigay ng mga taong involve nito especially manny, solar and gma.. all in all may tatlong contracts dito. subject matter ay yung pagpapalabas ni manny sa tv in any form as an artist or athlete, respectively. at consideration nito ay yung bayad na lahat sila maka benefit kasi nga bilateral contracts ang mga ito. kaya don't ever think na no money involved kasi legal business po ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About