news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98210 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 931  xphrex

    03/24/2009 | 02:11 AM
    halatang utak talangka itong si manny, if totoong pinag-iisipan pa muna nila if there is breach of contract, bakit agad siya pumirma? hindi ba you think first before you decide dahil ang pagpirma ng contrata means finality of your decision? hahay ..hahanap na naman ng palusot si..manny..but there is one thing im sure here, si manny walang bayag..hahhaha..

    ang nangyari, para siyang bata na sinipsipan agad ng gme after he retracted from his previous decision...ngayon ang gme puro papuri kay pacman ang ginawa..ano ba yan..pathetic kayong dalawa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 930  monztersinc

    03/24/2009 | 02:10 AM
    tnx superkido...

    pede ko bang irephrase ang last statement mo?

    pede ba instead of using peace let's use JUSTICE kaya. kasi complicated yata ang peace... di natin alam kun saan yan pupulutin. mas maganda

    LET'S GIVE JUSTICE A CHANCE...

    kasi pag meron yan sure na tayo na may peace. hehe. yahoo. yehey. google.
    good night Peace or Justice loving people. parang Justice League na tayo ah. may superkido na... ako monzter?? may superhero ba na monzter? hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 929  sizzlingchikazz

    03/24/2009 | 02:08 AM
    833
    superkid
    March 24, 2009
    02:04 AM

    ok naman pala itong si superkid eh. mahinahon at di pikon.... hanggang sa muli superkid..

    teka, alas dos na bat nagising ako at napunta ako dito sa pep? ahahahah!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 928  dospoako

    03/24/2009 | 02:07 AM
    d ko na alam kung anong babasahin ko..ang dami..grrr..mkipagchat na nga lang muna ko...hahahaha..

    hay mareng baluga, AJA..unite em all..AJA AJA..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 927  keepondreamin

    03/24/2009 | 02:05 AM
    hoy super bata mamaya kana, baka sabihin pa mag ka sama tayo....hehehe saan pala tayo mag date?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 926  superkid

    03/24/2009 | 02:04 AM
    mga kapuso at kapamilya

    magpapaalam na ang inyong lingkod...
    hanggang sa susunod na kabanata

    mag-enjoy lang kayo pero walang pikunan
    magandang magpalipas ng oras dito

    Good night everybody
    God bless....

    Give peace a chance....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 925  keepondreamin

    03/24/2009 | 02:03 AM
    ako din peeps batsi na muna, watch abhsat na..weee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 924  keepondreamin

    03/24/2009 | 02:02 AM
    balugababe


    palihug kug dukol atong butitiha to, ga dako lang tiyan sa hipopotamus ai...sana hinde na fired yung cashier, yung manager nalang sana dahil hinde nila na protectahan ang employee nila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 923  superkid

    03/24/2009 | 02:01 AM
    galoire 811

    wala naman ganyanan, igalang mo kung ano ang naging desisyon ni Manny..

    Ginusto niya iyon hayaan mo siya..
    huwag mong ipanalangin na matalo si Manny.. hindi maganda ang nagdarasal para sa ikasasama ng isang tao...

    Kung gusto mong mag-comment something good naman....

    Salamat and God bless....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 922  kamidake

    03/24/2009 | 02:01 AM
    820
    galore
    March 24, 2009
    01:53 A

    anong pinagsasabi mo? pag may di sumunod sa pinagkasunduan pababayaan mo lang? anong utang pinagsasabi mo? abs-cbn ang may utang ah naka-ilang debt restructuring na sila.. ibig sabihin di sila makabayad ng on-time.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 921  monztersinc

    03/24/2009 | 02:01 AM
    ahaha.. kakatuwa ka pala superkid.

    masayahin pala si superkid, people. and now i know. kaya pala parang bilog bilog din kaw kasi puro siopao at mami order mo. hindi mo yata alam ang MenggoPlot. hahaha. sana alam mo kasi para mag-float tayo lahat sa ere. wehihi. nonsense na tuloy ako.

    Go BATAS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 920  balugababe

    03/24/2009 | 01:59 AM
    don na muna ako sa article ni boyet fajardo, dahil don ang inapi ay isang maliit na taong gaya ko

    mayaman na si manny, manalo o matalo...close na ang deal nyang 52-48 in his favour

    Goodluck Manny, fan mo pa rin ako!
    Pagtarong next time ha, samok ka kastorya! ayaw pasulsol ug pauto
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 919  superkid

    03/24/2009 | 01:57 AM
    monz 823

    Kahit walang batas, may order...

    ang dalas ko sa restaurant
    panay ang order ko pero wala daw silang batas...

    ang meron lang sila ay siopaw at mami...

    hahahaha......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 918  keepondreamin

    03/24/2009 | 01:56 AM
    813
    pretiks

    cge para sayo walang problema, walang masama....ngayun anong masasabi mo sa ngyayaring pag pa palabas ng statement ng abs na si manny mismo ang lumapit sa kanila, tapos si manny nag pa labas din ng statment nya na dini diktahan sya ng mga lawyers ng abs kung anong sasabihin nya?....ano wala pa ring masama doon?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 917  kapusong220

    03/24/2009 | 01:55 AM
    kaya gusto lumipat ni jinkee sa dos kasi balik siyete na si ara mina. hehehehehe....
    kaloka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 916  monztersinc

    03/24/2009 | 01:55 AM
    GO GO GO BATAS. parang walang sense noh.

    pero simple lang meaning iyan. gusto namin isulong ang batas. kasi sabi nga daw ng kapoitbahay kung law stud. kung wala daw batas, wala daw order. ang nangyayari daw sa pilipins... ang gumagawa at dapat sana nag-implement ng batas sila daw ang lumalabag. that's coming from a person growing inside the legal community. 4th year law stud na siya next year kaya marami na siya alam. hehe. kakatuwa siya ang hangin niya, super bagyo na siya. haha.

    kaya alam din daw niya ng kapitbahay ko na pag may nilabag din daw ang kapuso... sure patay sila sa batas. sana nga they shall submit themselves na maparusahan kung may lalabagin sila di gaya ng iba na may crystal clear na nilabag na nga ayaw pa din. opinion lang pow. hehe. sa tingin ko lang, sa tingin mo lang, at sa tingin nating lahat... hahah. Peace. katuwaan lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 915  superkid

    03/24/2009 | 01:54 AM
    bambi 803

    ano naman ang baluktot doon...
    wala namang nabanggit na bakal or tubo sa article ah...

    Ano ang babaluktutin doon...

    Ano ka ba, nagbabasa ka ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 914  balugababe

    03/24/2009 | 01:54 AM
    811
    galore

    kahit isang araw lang na magbunyi naman lahat ng pinoy whether ABS ka or GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 913  galore

    03/24/2009 | 01:53 AM
    greedy ang gma sila naghabol kay manny kasi kailangan nila ng moneykaya lipad sila sa tate para habulin ang money ni manny. wala kasing pambayad sa utang nila sa satellite cable companies para sa global airing nila, gaya gaya puto maya kasi sa abs-cbn. ABS-CBN ROCKS!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 912  ericalee

    03/24/2009 | 01:53 AM
    walang isang salita si pakyaw
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About