Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.
Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.
Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).
Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)
Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.
Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.
"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.
Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.
"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'
"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.
"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.
Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.
Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'
"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.
Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
871 cassandrafiona1234
dalawa pa ever postings mo..
siempre notice ni lola mo..
over ka ha..
teka..friendship tayo..
anong San Miguel sinasabi mo..
are you refering to a company or lugar..
enlightened my darkly creative mind..
kulam...oo naman..
you want me to give you the history about it..
pero naku ot tayo..pagalitan tayo ni mod..
ok para included pa rin sa topic..
dko kukulamin si mp..
gagayumahin ko na lang..
para meron din akong..
mga pang alta sosy..
hirap kasi maging guardia..
ang hirap kaya nang patakbo takbo..
hirap nilang hulihin..
kung di lang sa ikabubuhay ko..
di ko huhulihin ang mga..
BIIK na ito...
870 xphrex
869 superkid
hindi mababalance ang buhay ng tao kung puro positive kaya dapat may negative...
Kaya pasalamat ka na lang dahil may negative kasi kung walang negative ano ang tawag mo sa positive?
868 homemaker
ang mga loyalista ng abs na ipagtanggol
ang worldclass nilang abs sa sobrang
kahihiyan! PWE!
HAR! HAR! HAR! HAR! HAR!
dios me kahit na di aminin ni manny,
obvious naman scripted ang mga binabasa
nya sa tv.
mas kapani paniwala yung spontaneous na
pahayag nya sa tv. totoong totoo!
NILOKO SYA NG ABS SA BUONG MUNDO!
WORLDCLASS TALAGA!
sige ariba mga kapamilya. hanap pa
kayo ng magandang palusots. lol lol
867 Cloud_7
866 monztersinc
865 userdaw
samantalang ang GMA-7 iyong movie na contract ni Gabby C. sa US naman iyon na signed pero iniipit nila hindi tuloy makagawa iyong tao ng pelikula sa DOS. kung nasa US lang ang GMA puede silang idemanda because pini-prevent nila ang isang tao na magkaraon ng pagkakakitaan upang makapamuhay ng maayos.
sana kung ayaw nila si Gabby igawa ng movie ay gayahin nila ABS-CBN mag let go na.
864 balugababe
maganda ba ang zorro? di ko napanood, busy kase ako dito hahaha...
863 superkid
Saan nga ba pupulutin ang kapams?
May alam ka ba kung saan pupulutin?
May investment kasi ako doon...
Please advice....
862 balugababe
manilaphils
March 24, 2009
01:12 AM
may point ka dian. pero credible pa ba si manny at this point in time?
wag lang syang bumalik ng pinas na talunan at mag pa press release na napilitan lang din syang bumalik sa GMA pra bumango na naman sya sa ABS.
hindi ko talaga alam kung sinong unang lumapit, ang kampo ni manny sa ABS or ang ABS nag offer ng malaki kay manny
either way parehong mali! hindi naman kase personal na desisyon ni manny yan dahil nakakontrata pa sya sa solar
and what is this, makipag signan sya ng kontrata tapos sasabihin nya wala munang press release ha, siguradohin ko muna? what the heck?
dapat nasiguro na ng kampo nya at kampo ng ABS bago sila pumasok sa anumang usapin.
kung ako si Lopez magtawag na ako ng meeting!
861 superkid
ano ba ang dapat linisin sa ABS?
Kung madumi ang ABS wala dapat sa bakuran ng ABS ang mga kapamilya ng mga kapuso ninyong Sottos...
Kung madumi ang ABS gusto mo bang mabahiran ng dumi ang kapamilya mo?
Hello!!!!
Gising!!!
Natutulog ka ba?
860 superkid
bakit pumapatol ka...
ano ang ibig sabihin noon...
puwede namang ignore mo na lang at hindi ka mag-comment....
Gusto mo lang kasing sumali kaya gusto mong pumatol....
Puwede naman... sige sali ka na nga...
Mas maraming kalaro mas masaya...
859 keepondreamin
858 makopa
abs is dirty and manipulative!
that is so degrading, what is new? nothing!
they had done that so many times in the past. the next move to clear their name again, and again and again.
to manny's camp, help him review his signed contract before allowing him to do such moves.
coming from manny, it was abs' lawyers who prepared the statement that was released last week. i watched tv patrol yesterday, felt sad for dyan c., chasing manny up and down his training camp to get some scope, and obvious manny doesn't want to talk to her.
abs please back off! learn to admit you're again a big loser!
857 kapusong_creative
Sabi na nga ba eh, sa GMA pa rin ang HULING HALAKHAK!!!
Eh di papaano yan? saan na kaya pupulutin ang mga KAPAMS ngayon???!!!
Kayo naman kse, ang AGA AGA nyo magbilang ng SISIW, eh itlog pa nga lang ang hawak nyo! Yan tuloy ang napala nyo, puro BUGOK ang kinalabasan ng itlog nyo!
LOLzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!!
O sya, bitter luck na lang next time ha mga KAPAMS tutal bitter naman kayo talaga eh so nothing's BETTER than the KAPUSO!
We ROCK!!!
Peace to all!
GO GO GO Pacman!!!
856 balugababe
good vibes pa sya sa lahat ng botante sa distrito nya. oks lang na pera pera dahil ganun naman talaga pero dapat aware sya na he is big business so wag sya dapat nagpapamanipulate sa mga taong nakapaligid sa kanya na halatang may vested interests.
whoever advised him to negotiate with ABS is obvious namang habol ang mas malaking pera quesehodang naka kontrata pa pala si manny sa kabila
manny grow some bols next time okay.
855 manilaphils
AYUN SA WILD ANALYSIS ng MIND ko. Yung article jan sa taas, the way pagkasabi ni Manny happens for a reason.
Ang reason? Tigilan na ng ABS ang ganyang style na pera lang katapat.
Manny cannot simply say na basta nalang nya ilalaglag ang Solar kung walang nagsulsol.
Ang AKALA ng ABS, they can always get away with it by using money to influence the decision of a person.
Tinapik na sila na Bro na magbago. Eh dami ng negative ISSUES ng ABS.
Well, lahat naman ng business meron, pero if you will try to analyze, sunod sunod ang negative issues sa ABS.
854 superkid
Salamat sa suporta...
All we are sayin'
just give peace a chance..
All we need is love...
love....love...love....
853 keepondreamin
746
superkid
March 24, 2009
01:03 AM
Mali lang ang hinala ninyo...
speculation lang ang sa inyo para lang may pag-usapan at pagtalunan tayo dito...
Iyong lang po iyon at sana mag-stick na lang tayo sa comments natin na wala tayong nasasagasaan...
---------
ay hinde na kapa ni pani walaan ito...tama si anabelle minsan bakit ka papatol sa sira ulo...cge superbata...kung my ignore button lang sana kahapon pa kita linagay sa iggy bin
852 cassandrafiona1234
idontknowmuch
March 24, 2009
00:58 AM noong namamayagpag pa ang abs - 2004 and before - overloaded din sila sa commercials.
_____________
siguro mababawasan ang overload..
siguro tataasan ang rate per spot..
baka per spot niyan ay gawing..
350,000 to 500,000..or more than pa..
do the math...
wagi solar and gma7 niyan..
care nila sa crisis..
spots to the max...
diva..waging wagi..
pati si mp..
more comments