news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98211 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 851  negra_negra

    03/24/2009 | 01:09 AM
    bakit ang sinisisi nyo abs eh cila nga ang nilapitan hindi sila ang lumapit kay manny dahil alam nila na may contract pa si manny.ang dapat sisihin dyan eh yong mga lawyyer niya at siya mismo.kung hindi siya binibigyan ng maling info ng mga advisor nya hindi siya magdedecide ng ganun.palibhasa mga linta din ang mga yan na gusto sa mas malaking kita.
    manny yan ang ikakabagsak mo mga taong nakapaligid sayo at unti unti mong pagiging mukhang pera.
    magpalit ka nga ng mga abogado mo yong may utak hindi yong kung san mo lang nadampot.si manny ang lumapit sa abscbn at ciya ang nagpavideo kung ayaw nya magpa video ayaw niya imposible na pipilitin siya.kaya tigilan nyo ang pagiging biased dahil lang mka 7 or 2 kau. team pacquiao ang mali tlga sa kanila nagsimula ang gulo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 850  monztersinc

    03/24/2009 | 01:08 AM
    Mr. Manny Pacquaio... ito lang masasabi namin concerned sa bayan natin.

    Sino ba talaga ang nagsinungaling? kasi alam na namin na nagsinungaling ka kasi ikaw mismo ang nagsabi. at ngayun dapat mong panindigan ang huling sinabi mo...

    at kung ganun maiiwasan na natin ang mga ganito sa susunod. kasi pag totoo na galing sayo na sabi mo na induced ka by some people well... sana iwasan na natin ang mga people na yun. ok ba mga kapams? kaya niyo bang mag-change? kasi nakakarami na kasi scandolls ng Abs. ano ba ito? parang bayan lang natin na naghihingalo at dagdagan pa ng 'giant network kuno' dapat mag-investigate tayo sa totoo kun sino talaga at bakit nasasabi ni manny ang mga iyun. example kasi ito sa mga kabulastugan na ginagawa ng mga taong may kapangyarihan, diba kapams? opinion lang. minumulat lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 849  superkid

    03/24/2009 | 01:08 AM
    cassandra 745

    uuuyyyyy gets nya!!!!

    huwag naman 666, pangit tingnan lagyan mo ng kahit isang 6 or 9...

    Totoo ba ang kulam?

    Marami kasi akong gustong ipakulam doon sa congress at sa San Miguel....

    Sabihin mo nga sa akin kung saan pupuwede at epektib ang kulam?

    Ang daming dapat ipa-kulam doon sa BIR, DPWH, Customs, Congress, at Malakanyang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 848  manilaphils

    03/24/2009 | 01:07 AM
    Ang lesson dun, dapat ireview ni Manny ang contract next time.

    Wag na sya padala sa mga sulsol.

    Eh dati naluko na rin sya. Nagproduce ng movie tapos hindi naman pala naubos lahat ang binigay nyang pera, namagic din.

    Eto namang ibang mga tao, inabuso nila ang kahinaan ni Manny pagdating sa legal matters.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 847  balugababe

    03/24/2009 | 01:06 AM
    712
    prettydoc

    grabe ang pagkalaglag ni manny sa abs na parang i find it quite unnatural

    hindi naman nya kailangang bumaligtad ng ganyan dahil manny is manny, he can get away with it esp kung uuwi syang wagi

    pwede talaga syang mag press release na hindi na nya isisi lahat sa ABS for the sake of unity na lang sana muna tapos saka na lang sya mag full statement after ng laban

    basta wag lang syang bumalik ng pinas at masulsolan ng mga politiko at sabihan ng manny mali ang ginawa mo, nawalan ka ng botante sa probinsya mo tapos pa press release na naman sya ng napilit lang sya ng GMA echos para makuha ang simpatiya ng kapamilya voters.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 846  keepondreamin

    03/24/2009 | 01:06 AM
    718
    enchantedzach
    March 24, 2009
    00:49 AM

    PANGIT lang kasi sa 7 pag sila ang nagcocover sobrang TADTAD ng COMMERCIALS. Di gaya nung channel 2 pa yung nagcocover MODERATED yung dami ng commercials. Yung isang commercial break nila sa 7 para ka nang nanood ng isang teleserye sa haba. Tawag ng kapitbahay namin sa commercial break ng 7, GMA telebabad

    Keep fighting superkid!
    ------------

    ayan superbata ginawa kang paon ng ka pamilya mo....maki pag away ka daw, nag hahanap ng kakampi?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 845  idontknowmuch

    03/24/2009 | 01:04 AM
    741

    saka halos lahat naman ng commercials si manny rin ang nandun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 844  Bambinapilipina

    03/24/2009 | 01:04 AM
    Nakakahiya talaga ang Abs... so ngayon sila ang lumalabas na obob at greedy...

    quot;We respect Manny's decisionquot; hahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 843  enchantedzach

    03/24/2009 | 01:03 AM
    lifeiswhatwemakeit, I totally AGREE with you. Ang PANGIT PANGIT na naman for sure ng coverage ng seven. Hindi mo na alam kung ano yung kinocover, yung commercials o yung laban ni pacquiao. GMA 7 MUKHANG PERA, mas priority nilang kumita kaysa isipin ang satisfaction ng audience.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 842  liwayway

    03/24/2009 | 01:03 AM
    itong si manny, gumawa ng agreement sa isa, hindi naman tinignang mabuti ang kontrata niya doon sa isa pa. nagmamadali at hindi nag-ingat kaya nagkagulo tuloy.

    he gave himself a headache!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 841  chatelaine_0712

    03/24/2009 | 01:03 AM
    yung ayaw ng commercial mabayad kyo dun mga big cinemas..me
    puhunan GMA, bisnes is bisnes..sa ABS monkey bisnes..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 840  superkid

    03/24/2009 | 01:03 AM
    manilaphils 724

    So kahit alam mong manloloko pupunta ka pa rin at pipirma sa kontrata.

    Paano ka makasisiguro na hindi ka nga lolokohin kung marami ang nagsasabing manloloko ang papasukan mong kompanya?

    Iyon ba ang ibig mong sabihin, kahit alam mong manloloko makikipag-sapalaran ka pa rin na baka ikaw ay hindi lokohin...

    So sa madaling salita mas marami ang hindi naniniwala na manloloko ang ABs dahil may mga iginagalang na tao ang naniniwala pa rin sa ABS na hindi sila manloloko...

    Mali lang ang hinala ninyo...
    speculation lang ang sa inyo para lang may pag-usapan at pagtalunan tayo dito...

    Iyong lang po iyon at sana mag-stick na lang tayo sa comments natin na wala tayong nasasagasaan...

    Give Peace a Chance...
    All we are saying....
    is give peace a chance.....

    All we need is love...
    Love... love.... love....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 839  cassandrafiona1234

    03/24/2009 | 01:01 AM
    superkid..
    heheehh..
    pa 709 ka pa or 6 or 9 na pinapahiwatig..
    diretsuhin mo na..
    i right pocket mo pa..

    ano wishing mo..

    prefer ko 666 ha hahha
    matakot ka sa kulam..
    susunduin kita ...

    o ikaw ha, be good 69 ba ang iyung pinahihiwatig..
    naku..parang awa mo na..huwag mong masasamain..
    naku ito lang ang aking sasabihin..
    iyan ay sobrang ligaya ang dulot sa atin....

    nakakita ka na ba nang fetus..
    inverted iyun di ba..parang number position..like
    69..

    yari ka...
    akala mo ha..
    matagal nang creative ang thinking ko...
    hehehhe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 838  monztersinc

    03/24/2009 | 12:59 AM
    waaa. kakatuwa talaga ang mga kapams.

    kala ko ba hindi kayo bitter... ngayun so bitter na. hahaha.

    very well said manny. wahaha. pero wala ka pa rin isang salita Mr. Manny. sabihin mo pagkatapos ng laban mo nalo or talo man... may dapat kang i-explain sa bayan mo. haha. pero kakaiba din ang kapams... noon sobrang indak sila abot langit pa nga... ngayun super bitter. waa. kala ko ba sabi niyo kapuso lang ang super bitter. toink.

    sana walang mag-react sa sinabi ko. hehe. opinion lang. peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 837  chatelaine_0712

    03/24/2009 | 12:59 AM
    kakahiya naman ABS CBN, hahaha isang malaking kakahiyaan..pera na naging bato pa yan tinatawag na ganid..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 836  shakshak

    03/24/2009 | 12:59 AM
    736
    jojolito1000
    March 24, 2009
    00:56 AM

    kaya nga malapit na siayng mapromote as a new writer of showbiz juice!

    yiippeeee!
    pacheese burger ka anman sa una mong sweldo ahh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 835  manilaphils

    03/24/2009 | 12:58 AM
    enchantedzach

    Sa mga previous na laban ni Manny sa ABS ganun din naman tadtad sa commercials.

    Hahaha.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 834  idontknowmuch

    03/24/2009 | 12:58 AM
    noong namamayagpag pa ang abs - 2004 and before - overloaded din sila sa commercials.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 833  shakshak

    03/24/2009 | 12:57 AM
    733
    superkid
    March 24, 2009
    00:54 AM

    give me atleast 2 posts na hindi ako naging consistent sa mga sinasabi ko..

    or khit sa ibang commentatore dito,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 832  balugababe

    03/24/2009 | 12:57 AM
    719
    jojolito1000

    -------

    alangan namang mag ala manny sya at ilaglag agad ang stasyon nya. yan ang dapat pinapakasalan, kahit anong mangyari, alang iwanan hehehe

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About