news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98212 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 811  superkid

    03/24/2009 | 12:49 AM
    casandra 709

    alin ka ba don sa 699

    ikaw ba ang 6 o' isa ka sa 9?

    Ganda ng pagkaka-ayos ng number mo...

    hahahahaaaa.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 810  idontknowmuch

    03/24/2009 | 12:49 AM
    wag niyo patulan yan si superkid. magaling yata umarte ang kapamilya. umaarte lang yan, di naman totoo yan.

    dapat yata superkidding na lang pangalan niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 809  jhoda

    03/24/2009 | 12:48 AM
    Ang suggestion ko sa ABS: hayaan na lang natin si Manny. Hindi sya kawalan. The world can still revolve around the sun without him being around.

    Good luck na lang kay Manny. Don't let your ego rule your world.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 808  superkid

    03/24/2009 | 12:47 AM
    Manilaphils

    Kung alam mong mali ang sistema magtratrabaho ka ba sa isang kompanya na mali ang sistema kung alam mong mali?

    Kung ikaw ang tatanungin, gusto mo bang magtrabaho ang kapamilya mo sa isang kompanya na mali pala ang sistema?

    Nagtatanong lang po?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 807  jhoda

    03/24/2009 | 12:46 AM
    Si Jinky nyan...grabe ang alimuot. Walang kawala si Manny sa contract...Wawa naman sya. Mabubulok ka na sa Siete! Wawa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 806  prettydoc

    03/24/2009 | 12:46 AM
    Ano ba naman yan Manny nagisyu ka na naman ng panibagong statement, lalo mo lang pinagulo. Tanggap na nga ng kapamilya na nagkamali ka at kailangan mong bumalik ngayon eh gumawa ka pa ng mas malaking issue. How can ABS lawyers force you to issue such statement? Wala ka bang sariling lawyer? Paano kami maniniwala na hindi ka rin pinilit ng kabila na magissue ng statement ngayon. Nawala na ang credibility mo. Pero ako naniniwala pa rin kay Kris sa sinabi ng asawa mo na gusto mo talagang bumalik sa ABS noon pa kasi at least sya eh credible at di sinungaling. I hope eh makaconcentrate ka na sa laban mo at sayang naman bayad namin sa HBO kung matalo ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 805  marianbp2

    03/24/2009 | 12:46 AM
    sana lang manny, hanggang dyan nalang yang pag dedesisyon mo...huli na sana yan kc mamaya pg ng iba na nman ang ihip ng hangin mo...


    ewan ko sau Manny...wish you all the best in your fight with hatton, pinoy ka pa din...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 804  keepondreamin

    03/24/2009 | 12:46 AM
    superbata


    si boyet fajardo ang pag laruan mo, doon ka sa article nya....cge na lakaw na, ayaw pag kamang ha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 803  cassandrafiona1234

    03/24/2009 | 12:45 AM
    naku superkid...
    nagkamali nga eh...
    ayan na ako..
    ang iyong...
    SUNDO....t..

    baliktarin mo yung dalawang seiz..
    hehehhe..

    talo ka sa powers ko
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 802  luckyyorker

    03/24/2009 | 12:45 AM
    YAN ANG TINATAWAG NA KATANGAHAN MONEY PACMAN....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 801  superkid

    03/24/2009 | 12:44 AM
    manilaphils 704

    ang point kasi is that sinasabing manloloko ang ABS, bakit ka magtratrabaho sa isang network na manloloko, iyong ang tanong hindi iyong kung sino ang professional...

    Ikaw ba magtratrabaho ka sa isang kompanya na alam mong manloloko?

    Sige nga?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 800  shakshak

    03/24/2009 | 12:44 AM
    nku manilaphils khit anung explanation mong gawin jan, pagduduldulan pa rin niyan ni superkid ang knyang tuwid na tuwid na pangangatwiran
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 799  superkid

    03/24/2009 | 12:41 AM
    cassandra 699

    Gusto ko ang naging number mo...

    699

    ihiga mo iyan at may makikita ka kung ano ang mai-imagine mo....

    hahahaha...

    Enjoy and be happy....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 798  manilaphils

    03/24/2009 | 12:41 AM
    superkid

    You missed the point. Helen and Dina are veteran actresses at usually sa mga yan per project kung wala silang exclusive contract.

    Si Dina palipat lipat ng network, ABS, then GMA then ABS, etc kung saan may offer na project.

    Yung kay Manny ibang case. Yung kay Dina at Helen ibang case, acting naman sila.

    May mga pagkakataon din na kailangang mag mind conditioning ang DOS para umangat ang career at pag usapan.

    Example Angel locsin. Hindi na sya ang pinakasikat di ba? Pero para mapabango sya eh kailangan ibuild up ang image nya like being No. 1 sa Maxim at Metro.

    Pero yun nga walang walang credibility kasi pag aari ng dos ang both magazines.

    Yan ang tinatawag na mind conditioning kasi pilit yung pagpapasikat, hindi dahil sya ang pinasikat.

    Ang mali dun ang systema ng dos hindi kay Angel.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 797  channel_2_number_1_in_saudi

    03/24/2009 | 12:40 AM
    tsaka IDOL manny

    favor lang sana

    pwede ba mag boxing kanalang..
    wag kana mag artista..
    tama na yang boxing sau.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 796  superkid

    03/24/2009 | 12:38 AM
    Shakshak 693

    Thanks sa support, sana nga magdilang angel locsin ka na ma-promote ako...

    Salamat ng marami....

    Enjoy and be happy....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 795  krenda

    03/24/2009 | 12:38 AM
    dapat AE-BEE-ES wag kau masyadong atat.. antayin nyo nalang kasi matapos ang kontrata ni pa-ki-yaw! pa-ki-yaw esep esep muna bago magdesisyon! okey!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 794  keepondreamin

    03/24/2009 | 12:37 AM
    na luluha ako dito kay superbata sa kakatawa.....hayz


    balugababe


    tama ka dyan dapat nag sorry na lang sya, besides kung totoosin talaga hinde naman kailangan pa ni manny both network, sa dami nyang pera, properties sa la, ma bubuhay na sya, sana lang hinde mag pa uto sa mga politicians...wala akong tiwala don sa senador na buntot ng buntot sa kanya parang tuta, instead mag trabaho at ayusin ang pangungurakot sa pilipinas..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 793  cassandrafiona1234

    03/24/2009 | 12:37 AM
    naku mga ka-pep..hinay hinay kayo kayo kay superkid...
    mamaya niyan baka iyan mag-transform into a full grown man..
    naku..dalikado kayo..
    andiyan nga..nag-transform na siya...

    ako si..
    BB SUPERKING

    bow....fezz....jhoke choke lang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 792  balugababe

    03/24/2009 | 12:36 AM
    689
    cassandrafion
    a1234

    ayan mas okay pa! pero dai wag bigyan ng idea si pacman dahil baka pag ra rap eh pasukin na din nya hahaha

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About