news

Manny Pacquiao admits fault, asks ABS-CBN to stop showing his video

by Erwin Santiago posted on March 23, 2009  STATS: 98240 Views | 1831 Comments

 

"Yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," says Manny Pacquiao about his statement that he has partnered with ABS-CBN again.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang araw pagkatapos maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng pamunuan ng Solar Entertainment at GMA-7 ay nagpatawag ng isang press conference ang Kapuso network kaninang tanghali, March 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Present sa naturang presscon ang top executives ng GMA-7 at Solar Entertainment na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman-CEO-President; Mr. Jimm Duavit, SVP & COO; Mr. William Tieng, Chairman of Solar Entertainment; at Mr. Peter Chanleong, COO of Solar Entertainment.

Pero ang naging highlight ng naturang presscon ay ang pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa entertainment at sports si Manny via phone patch sa Los Angeles, California. Nasa L.A. ngayon si Manny kaugnay ng kanyang training para sa nalalapit niyang laban kay Ricky Hatton sa May 3 (May 2, U.S. time).

Matatandaang noong Wednesday, March 18, ay in-announce ni Manny sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol World ang kanyang sariling desisyon na "makipag-partner" muli sa Kapamilya network. Sinabi rin ng Pambansang Kamao na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang laban kay Hatton at ang mga susunod niyang laban. (Click here to read related story.)

Personal na nagtungo sa L.A. sina Mr. Wilson Tieng at Mr. Chanleong ng Solar, at sina Ms. Wilma Galvante at Ms. Redgie Magno ng GMA-7 last week upang kausapin si Manny. At noon ngang Sabado, March 21, ay nagdesisyon si Manny na manatili sa Solar Entertainment pagkatapos maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Kanina, sa phone-patch interview sa kanya ng mga taga-press ay muling humingi ng paumanhin si Manny sa kanyang naging aksiyon.

"Unang-una, humihingi ako ng paumanhin sa sinumang naabala, lalung-lalo na sa Solar Sports, sa media... Sa lahat ng mga fans ko, naguluhan sila. Siguro hindi lang magkaintindihan at mali rin na desisyong padalus-dalos. Ngayon, gusto kong mag-focus sa training ko para din naman 'to sa mga kapwa nating Pilipino, sa ngalan ng ating bansa," pahayag ni Manny.

Dahil sinabi ni Manny noon sa kanyang statement sa TV Patrol World na sarili niyang desisyon ang paglapit sa ABS-CBN, tinanong siya kung totoo nga bang desisyon niya ito o "binola" lang siya.

"Yung sinasabi mo na desisyon ko na paglipat, ako ang ano nun. Pero yung paglabas... Ang usapan kasi namin, ang usapan namin ng kabila [ABS-CBN] ay, sabi ko, 'Huwag muna tayo maggawa ng footage or video. Hahanapan ko muna ng... Tingnan ko muna... Suriin ko muna kontrata ng Solar kung may breach of contract, at saka tayo maglabas ng ganyang mga videos.'

"And then, ang sabi nila sa akin na, 'Itatago lang namin, hindi namin ipapalabas, gawin mo na lang ito para pag sabihin namin sa iyo pag ipalabas namin,' kaya ginawa namin. At saka ipapalabas yung mga video na 'yan na kinuhanan namin kung may breach of contract talaga na mapatunayan. Pero wala namang nakitang breach of contract at wala namang kasalanan, wala namang nilabag ang Solar, so dapat hindi maipalabas yung mga video na iyon, na hindi karapat-dapat.

"At yung mga statement na iyon, actually, hindi naman ako ang gumawa nun. Ang gumawa nun, yung mga abogado rin ng ABS-CBN. Sila rin nagturo sa 'kin, sila ang may idea nun na gawin ang sasabihin ko," pagsisiwalat ni Manny.

Nag-react nang husto ang mga press na nasa loob ng Executive Lounge ng GMA Network Center sa sinabing ito ni Manny, kaya hindi na narinig nang maayos ang mga kasunod niyang sinabi. Dahil dito ay ni-request ng host ng presscon na si Chino Trinidad na ulitin ni Manny ang kanyang huling statement para malinaw sa lahat.

Ani Manny, "Kung marinig...narinig mo ang sinabi ko na ang sabi ko sa kanila, ako nag-suggest na, 'Huwag muna tayong [gumawa] ng ganyang statement o video o footage pag wala pa tayong napatunayang breach of contract dun sa pinirmahan ko sa Solar.' Ang sabi nila, 'Gumawa tayo, itatago lang namin, hindi muna natin ipapalabas.'

"Sana tigilan na nila yung pagpapalabas dun sa footage na yun dahil wala naman tayong napatunayan na breach of contract na nakita dun sa kontrata. Ayaw naman nating makasakit o makasira ng isang tao o ng isang organisasyon. Wala namang bahid o kasalanan na nakita natin. Ang pinagbasehan lang dun, yun, e, breach of contract. Pero wala naman naganap at siguro mali yung naging desisyon ko nun na padalos-dalos ako. Pero ako naman ay talagang inaamin na nagkamali dun sa ginawa ko. Pero sana ay itigil na natin 'yang pagpapalabas sa video na yun," pakiusap ni Manny.

Naitanong din kay Manny ang tungkol sa pahayag ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na masaya sila sa pagbabalik sa ABS-CBN at matagal na raw talaga nilang gustong lumipat doon. Pero nakiusap si Manny na huwag nang idamay sa isyu ang asawa niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1831 Comments

  • 731  keepondreamin

    03/24/2009 | 12:01 AM
    balugababe


    oo nga eh....sa lagay ngayun di ko narin talaga alam kung sino ang nag sasabi ng totoo, parang pina pa ikot nalang ang mga tao at nag lalag lagan na....kanya kanyang hugas na ng kamay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 730  remyr12

    03/24/2009 | 12:01 AM
    Hindi ko maintindihan..bakit ba may Kapamilya at Kapuso network wars ang mga tao sa Pinas? Ibig bang sabihin pagpangit ang palabas sa isa papanuorin pa rin ito kahit na hindi maganda at hindi na manunod ng show sa kabilang channel na mas maganda? For sure naman, hindi lahat ng palabas ng magkabilang station eh pawang magaganda. Parang nalilimit mo ang sarili mo for not trying different areas/stuff. Palawakin nyo naman ang mundo nyo. Go Kapuso..Go Kapamilya dapat. Tangkilikin pareho at tangkilikin ang meron tayo...para mabigyan din ng magandang trabaho ang mga mangagawa sa parehong station...heheh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 729  superkid

    03/23/2009 | 11:59 PM
    622

    Kelan nasira ang reputasyon ng ABS?

    Kaya pala nasa ABS si Dina Bonnevieve at Helen Gamboa na ang mga kapamilya ay parehong nasa GMA.

    Hahahahaa..

    Tapos ang dalas pang maging guest ang ibang mga kapamilya ng mga Sotto sa ABS...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 728  nugget

    03/23/2009 | 11:59 PM
    611
    superkid
    March 23, 2009
    23:50 PM sure ka....kadaming site hah punta ka sa igma may nangugulo doon na kapamilya...basta sa thread about manny
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 727  ThelKo

    03/23/2009 | 11:59 PM
    actually marami pang statements si MONEY na hindi nya matuloy-tuloy...ito ang mga mas DAMAGING para sa ABS. hayan pati si MONEY napatunayan sa sarili nya na madumi lumaro ang ABS. di ba regine velasquez?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 726  cassandrafiona1234

    03/23/2009 | 11:59 PM
    612
    gma7whereyoub
    elong
    March 23, 2009
    23:50 PM well 2 years na lang sa abs cbn na si manny...wait na lang kayo!hahahaha!

    ___________
    di kaya by that time eh..magretiro na si mp..
    di ba my age limit din ang mga boksingero..
    baka di na siya tanggapin doon..
    solusyon diyan..pwede pa si manny..

    tanggalin ang bok..
    singero na lang..
    may laban iyan..
    lalo na kung kakantahin niya ang..famous song of all..

    MY WAY...

    parang ganito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 725  idontknowmuch

    03/23/2009 | 11:58 PM
    626

    sa korte mo ipaliwanag yan. be one of abs-cbn's witness sa hearing nila against manny, solar and gma.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 724  jojolito1000

    03/23/2009 | 11:58 PM

    superkid, huwag mo na isali dito sa usapan ang sundo at baka mamaya me sumundo na sa yo. hehehe.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 723  keepondreamin

    03/23/2009 | 11:57 PM
    supertuta

    superkid pala....hehhe di mo ba pansin halos nandito ngayun wala sa pinas, check the time dude, so paano ma panood ang movie kung wala ka sa pinas?...time to grow up supertuta
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 722  idontknowmuch

    03/23/2009 | 11:57 PM
    608
    mtrcb

    kala ko ba upper class ang mga kapamilya. ba't ang isang ito nanghihingi yata ng sardinas.

    sanay na sanay kayo sa rasyon ng abs ha. minsan nang napatunayan na abs ang nasa likod ng ganyang modos operandi sa bacolod at ginamit pa yung dating gma employee na natanggal dahil sa sexual harassment at katiwalian.

    mga kapamilya talaga amoy pera na amoy sardinas pa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 721  baduy_maging_kapuso

    03/23/2009 | 11:56 PM
    this must be so hard for manny. gustong gusto na niya bumalik sa dos pero hawak siya sa leeg nila lola welma. pati tuloy ang statement ni jinky na GUSTONG GUSTO NA TALAGA MAGING KAPAMILYA ULIT NI MANNY ay nakasama pa para sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 720  ThelKo

    03/23/2009 | 11:55 PM
    ang masasabi ko lang sa mga kapamilya dito...nililihis nyo ang tunay na issue...kasi nakakahiya ang minamahal nyong istasyon! at pati na din kayo na sumasampalataya sa istasyon nyo! HAHAHAHAHAAAAAAAA

    ang issue dito....ahahayyyyyy, MALAKING KAHIHIYAN NA NAMAN ANG ABS-CBN!!!! yuckkk nakakahiya talaga ang istasyon na ito. o ikaw MONEY, masyado ka kasing nagpapaniwala sa ABS e. ano'ng nangyari syo ngayon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 719  superkid

    03/23/2009 | 11:55 PM
    615

    Pasensiya na po at hindi po ako marunong magbasa...

    Wala po akong tinapos....

    Iyong ngang isinulat mo hindi mabasa, tinawag ko pa ang aso namin para basahin sa akin..
    Buti na lang marunong magbasa ang aso namin...

    aaaaawwwww!!1 aaaawwwwww!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 718  balugababe

    03/23/2009 | 11:55 PM
    keepondreamin: suport ako dyan sa minumungkahi mo hehehe

    buti na lang tayo lang nakakaintindi ng mga bangayan natin dito ano, at walang foreign press ang makakapick-up hehehe

    oks lang naman yang pagdiskusyunan natin ang mga pangyayari, masaya naman pero yung personal na tirahan sana iwasan, respetohan lang sana ng opinyon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 717  jojolito1000

    03/23/2009 | 11:55 PM
    606
    dospoako
    March 23, 2009
    23:48 PM
    pero alam mo ang magiging epekto din nito kung hndi sila agad maglalabas ng statement nila? mas lalong ididiin ng ibang kapuso dito ang ABS..lam mo na, maraming galit sa ABS at gagamitin nila ulit un para sirain ng sirain ang sira na nilang reputasyon..hehehe..

    well, kasalanan na rin ni manny dahil hndi nag-isip bago magsalita, yan ay kung totoo nga pinagsasabi nya..lam mo kung saan sya nkharap, dun papanigan nya..hahahaha..

    gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;

    tama ka na sira na ang reputasyon ng abscbn. hehehe.

    yung sinabi ni manny sa prescon ng solar ay totoo kasi on the spot yun hindi scripted.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 716  keepondreamin

    03/23/2009 | 11:54 PM
    gma7whereubelong


    wag mong pansinin yan si superbata, nag bulagbulagan hinde matanggap na marumi talaga mag trabaho ang abs nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 715  kpamilya4ever

    03/23/2009 | 11:54 PM
    sna manalo c manny sa laban nla ni hatton pro sna wag mnalo sa election.sna ngyri ngaun pnakita nya lng buong mundo kng ganu khina utak nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 714  mtrcb

    03/23/2009 | 11:54 PM
    Manny Pacquaio SHOULD also apologize to ABS-CBN for his ignorance.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 713  gma7whereyoubelong

    03/23/2009 | 11:53 PM
    nuggets i agree david defeated goliath!hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 712  she_is_the_man

    03/23/2009 | 11:53 PM
    Ay si deepthough, nalunod na ata sa deep thingking nya, hehehe... Peace!! MP Hatton fight of the century yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About